JIA POV
Kagagaling ko lang sa flower shop. Dinaanan ko lang ang shop kung saan ako bumili ng bulaklak. pre-order na kasi. And I have been doing it already for three days na din kaya kilala na ako ng may-ari.
Nasa byahe na ako para dalhin ang mga bulaklak na binili ko. Mabigat man sa loob pero kailangan kong kayanin kasi wala naman ibang gagawa nito kundi ako lang din.
Habang nasa byahe ay medyo sunod sunod na ang traffic. Sakto naman na napatigil at napadaan ako sa isang simbahan. And when I take a look pumukaw sa atensiyon ko ang isang cross.
And memories came across my mind once again.
Flashback....
JIA: "Hayop ka Miguel. I trusted you. Pero ano tong ginawa mo? Hinding hindi kita mapapatawad." (bulyaw ko sa kanya)
MIGUEL: "Kahit anong sabihin mo Ji, wala na ring silbi yan. Kung hindi ka rin lang naman maikakasal sa akin Jia mas makabubuting hindi ka rin mapupunta sa babaeng yun or kahit kanino." (galit na ganting sigaw niya)
JIA: "Kahit ano pa ang gagawin mo sa akin, hindi mo na mababago pa ang katotohanan na mahal ko si Bea. At kahit kailan hinding hindi kita magugustuhan." (sigaw ko sa kanya at the top of her voice)
Pero napukaw ang pagtatalo naming dalawa sa room ng bigla akong makarinig ng putukan. And suddenly si Miguel ay lumabas ng room at bumalik din naman.
Curiosity is all over my mind kung saan galing ang putukan. Apart of me wanted to believe that it is meant to rescue me. But apart of me just felt nervous.
Pagkalipas ng ilang minuto ay muling bumalik si Miguel may hawak na siyang baril at tinanggal na niya ang pagkakatali sa kamay ko sa upuan.
I am struggling to get off him kaya lang masyado siyang malakas kumpara sa akin.
MIGUEL: "Stop resisting Jia. And don't make it hard for us. Or else ay mapipilitan akong saktan ka."
Pagbabanta niya sa akin and he means business with his words. Ngayon ko lang siya nakita na ganun ka seryoso. Kaya minabuti ko na lang na manahimik.
Hinatak na niya ako palabas ng room. We headed towards the area opposite kung saan nagkakaputukan. Hindi ito ang dinaanan namin kanina ng pumasok sa building.
JIA: "Miguel, parang awa mo na. Pakawalan mo na ako."
Pakisuyo ko sa kanya. Pero para lang siyang bingi na walang narinig.
JIA: "Miguel, itigil mo na ito please. Hanggat hindi pa huli ang lahat."
Bigla siya tumigil at hinarap ako. Itinulak niya ako sa wall at itinaas ang baril niya.
MIGUEL: "Shut up. Kapag hindi ka tumigil, mapipilitan akong patahimikan ka."
Sigaw niya sa akin. Kaya napalunok ako sa kanya. Sarado ang utak niya hindi siya ang Miguel na nakilala ko. Or hindi ko lang talaga kilala ang totoong Miguel?
Naglakad na kami palayo sa lugar. Patuloy parin ang putukan sa pinanggalingan namin. Pagkalipas ng ilang minuto ay nakarating na kami sa isang kotse.
Kaiba ito sa ginamit namin kanina at hindi rin kami bumaba dito. May mga lalaki din na nasa labas ng kotse nakaibang.
JIA: "Miguel, please. Palayain mo na ako. Parang awa mo na Miguel."
Pakiusap ko sa kanya in between sobs.
MIGUEL: "Get in."
Madiin niyang wika at hindi man lang natinag sa kasamaan niya. Dahil hindi ako kumilos, yung tauhan niya ang humatak sa akin papasok sa kotse.
YOU ARE READING
THE VOLLEYBOSS (JIBEA)
FanfictionThe ever arrogant, super masungit and always demanding boss finally met her match, the ever confident and super persistent employee who never backed down and bowed down to anyone.