PART 43 - LOYAL

3.6K 66 8
                                        

JIA POV

I am on my way to the office, today is the first official day ng panliligaw ni Bea. And she did start courting me as soon as I started to open up my eyes in the morning.

She prepared breakfast in bed, ang aga niya nagising at nagluto siya. Ang aga niyang magpakita ng effort. Kaya, sabay kami kumain sa bed.

Puro lang kami kwentuhan at asaran, mula umpisa ng kain at hanggang sa makatapos. Siya na rin nagbaba ng pinagkainan, habang naligo na ako.

Hindi lang sa pagluluto natapos ang agang effort niya, kasi pagpasok ko sa loob ng kotse may bumungad na bulaklak sa upuan.

I look at her and tinaasan siya ng kilay pero nag smirk lang siya at ngumiti habang inalis ang tingin sa akin para paandarin ang engine ng sasakyan.

Tuloy, pagkadating sa opisina, habang naglalakad sa hallway, may daladala akong bulaklak, yung bulaklak na ibinigay niya. While walking ay magkaholding hands kaming dalawa.

All eyes na naman sa aming dalawa ang mga empleyado. Samantalang araw araw naman kaming pumapasok dalawa sa office na laging magkasama parang hindi na sila nasanay.

Pero sa tingin ko kaya lang sila napapatingin lagi ng ganyan because of Bea. Nababadeng sila sa sekretarya ko. 😠😠😠

Kaya nga minsan instead na utusan ko si Bea na ipamigay yung papers sa mga offices, itinatawag ko na lang sa baba na sila ang kumuha.

Good thing nasa elevator na kaming dalawa kaya wala ng mga matang nakamatiyag.

BEA: "You seem so quiet? Anong iniisip mo?"

Kaya napalingon ako sa kanya.

JIA: "Pinag-iisipan ko kung maglalabas ako ng memorandum sa buong kompanya na bawal titigan ang sekretarya ko."🤔

BEA: "Hahaha... Why is that?"😅

JIA: "Makatingin sila wagas."😡

Pagrereklamo ko sa kanya.

BEA: "Hahahaha... Don't worry boo, hanggang tingin lang sila."

JIA: "Jezzzz.... Gustong gusto mo rin kasi pinagtitinginan ka."

BEA: "Mas gusto ko kapag ikaw ang tumitingin sa akin."

Sabay kindat pa sa akin at nakangiti.

JIA: "Sadyang may likas ka ring kalandian."

Bago pa siya magsalita nag click na pabukas ang elevator. Kaya lumabas na kami at tumuloy na sa opisina.

As usual my whole time in the table was spent for signing, checking and  reviewing of papers. Halos hindi na nga ako naalis sa upuan.

Si Bea naman, nagtatype and gumagawa ng mga letters. Sa kanya muna bumabagsak ang mga papers bago ibigay sa akin.

Then, nagpaalam na din siya na lalabas sandali. Baka napagod na rin siya kasi nga tuloy tuloy lang sa work. Marami kasi kami naiwang paperworks.

Medyo nangangawiy na ang leeg ko kaya naisipan kung tumigil muna at nag unat unat ng mga buto buto. When I take a look at my watch, its 10:00 am.

Kaya pala nakaramdam na ako ng pangangalam ng sikmura. Kaya pumunta ako sa desk para magpadala na lang ng food sa office.

Pero bago pa ako makapindot ng numero, biglang iniluwa si Bea ng pinto na may mga dala-dala sa dalawang kamay.

Kaya ibinaba ko na ang phone at naupo sa chair. Pagkasara niya ng pinto dumiretso siya sa table ko.

BEA: "Special delivery for a very special someone."

Wika niya na ubod ng tamis sabay taas ng hawak niyang pagkain. Hindi ko na kailangan hulaan kong ano laman ng dala niya. Kasi naaamoy ko na ito.

THE VOLLEYBOSS (JIBEA)Where stories live. Discover now