BEA POV
Andito ako sa bed ngayon sa room ni Jia sa bahay nila. I was beside the bed and was staring at her face. Pulang pula ang pisngi niya pati na rin ang tungki ng kanyang ilong.
Maybe dala ito ng sobrang pag-iyak niya dahil sa mga nangyari kanina. Pinahid ko ang luha na dumadaloy mula sa mga mata niya.
I felt really bad seeing her hurt again because of me. Hindi ko man sadya na saktan siya, pero nasaktan pa rin.
Flashback...
Naglalaro kami ni Codie sa bahay ng NBA2K. It was almost 4:00 o'clock in the afternoon pero wala pa rin si Jia. Hindi rin siya nagtext or nagreply sa mga text messages ko.
Ang usapan kasi namin ay may pipirmahan lang siyang papers at susunod din agad dito sa bahay. Pero hanggang ngayon ay wala pa rin.
Kaya para hindi mainip ay naglaro na lang kami ni Codie ng games. Nag enjoy naman ako lalo na si Codie.
Pero naudlot ang paglalaro ko ng may pumasok sa bahay. Actually nagulat ako at dumating siya sa bahay namin. I didnt expect her to come kaya napasalubong angniolay ko.
When I take a look at my side kay Codie, ay busangot na siya. Ang sama ng tingin niya sa bagong dating. Masama talaga ang timpla niya sa mga ibang pumupunta sa bahay maliban kay Jia.
Well, nung first time naman ni Jia na pumunta ng bahay, ay busangot din naman si Codie sa kanya. Nag tantrums pa nga eh.
But later on ay natutunan rin niyang gustuhin si Jia. Pero itong bagong dating mula noon hanggang ngayon, sinusungitan niya talaga.
"Hi babe!" (bati niya pagkakita sa akin at todo ngiti pa)
Napangiwi ako sa pagtawag niya ng babe. Hindi ko gusto na sinasabi niya yun. Para kasing tumatayo ang mga balahibo ko.
Naglakad ito palapit sa amin ni Codie kaya tumayo ako para harapin ang bagong dating dahil ayoko namang maging bastos sa kanya.
BEA: "Kianna, bakit ka nandito?"
Wala sa loob na wika ko sa kanya.
KIANNA: "Hindi mo man lang ba ako namiss?"
Sabay pulupot ng mga kamay niya sa braso ko. At ngumuso pa talaga.
BEA: "I didn't expect na pupunta ka rito. Hindi ka naman kasi nagtext na darating ka."
KIANNA: "I just want to surprise you . Nalaman ko kasi na dumating ka na kaya, pinuntahan kita agad. Ang daya mo kasi, mula ng dumating ka hindi mo man lang ako dinalaw. Hindi mo man lang tinagawagan or tinext man lang."
This time ay idinikit na nga niya ng tuluyan ang katawan niya sa akin. Na aalibadbaran na ako. Feeling ko ay any moment ay hahalayin niya ako.
Buti na lang at wala na si Codie sa tabi ko. Bago pa makalapit kasi si Kianna, ay umalis na agad ito at iniwan ako. Pambihirang bata.
Pilit na tinanggal ko ang mga kamay ni Kianna sa braso ko at lumayo ng konti pero mahigpit ang kapit niya. Pero bumitaw din siya, kaso ay bigla niya ako niyakap sa bewang.
KIANNA: "Babe, namiss na kita. Sobra."
"Sxxx. Ano ba to si Kianna bakit napaka clingy naman niya. Sobra na nga siya sa pagka clingy niya eh." (pagmamaktol ko sa isip)
BEA: "Kianna, look hindi pwede itong ginagawa mo."
Sabay tanggal ko ng mga kamay niya na nakapulupot sa bewang ko. Hindi na kasi maganda ang pakiramdam ko sa kanya.
YOU ARE READING
THE VOLLEYBOSS (JIBEA)
FanfictionThe ever arrogant, super masungit and always demanding boss finally met her match, the ever confident and super persistent employee who never backed down and bowed down to anyone.