PART 17: DOING

3.3K 64 4
                                    

I am on my way going to the Ateneo Lady Eagles gym. I have to bring all the important papers na kailangan nang pirmahan nang boss ko.

Maaga kasi siya lumabas ng office para makasama sa training nila. Yes, training. Kasama na siya sa line up nang ateneo na maglalaro sa battle of the rivals.

Noong una sure na talaga na ayaw niyang sumama, kaya lang sa dami nang mga nanggulo at namilit sa kanya wala siyang choice kundi ang sumali.

Yung lola na niya mismo ang sumuyo sa kanya para makapaglaro ulit. Hindi niya kayang tanggihan ang Lola kapag may hinihiling ito.

Kaya ending, araw araw after office hours kailangan ko ihatid yung mga papers na kailangan agad ng signature niya.

Pagdating ko hindi pa sila tapos sa training nila. Kaya naupo muna ako sa isang bench at pinapanuod sila na naglalaro sa loob ng court.

Then, I saw my boss playing the setter position. Without bias, she is really good. She makes the life of her spiker so easy. Her sets napaka precise and on point.

She is so calm and collected. She sets the ball with ease and grace. No wonder why bakit ganun na lang nila pilitin ito na maglaro sa Battle of the Rivals.

Nakaka magnetized yung the way siya mag set at aabangan mo talaga kung ano gagawin niya. She really knows how to fool the blocker at the other side. She is just amazing with her craft.

It was my first time to see her play, never ko pa siya nakita naglaro nang kahit anong sports. I never thought na may ganitong side pala yung masungit kong boss.

Who would have thought? May ibang alam din pala siya maliban sa gawing misirable ang buhay nang iba sa opisina.

Then, biglang may nag whistle at lahat sila tumigil sa paglalaro. Mukhang tapos na ang training kaya tumayo na ako para lumapit sa kanila.

ALYSSA: "Oh Isabel, andito ka? Wow ah, may pa flowers pang peg. Ang sweet ah."

ELLA: "Ayieee.... Susuduin na niya si BOO. Jia ang sweet nang jowa mo, may pa BOOlaklak pang nalalaman."

Kaya naghiyawan silang lahat, yung boss ko salubong naman ang kilay. Wala talagang kasweetan sa katawan tong boss ko.

BEA: "Ah eh, hehehehe... Ihahatid ko din kasi yung mga papers na kailangan ng pirmahan eh. Kaya, ayun andito ako."

Pagpapaliwanag ko sa kanila. May nadaanan kasi akong flower shop kanina. Mula sa office pa lang nag-iisip ako kung may dadalhin ba ako or wala sa boss ko. Knowing nga na alam nila may relasyon kami ni Jia.

I was thinking kasi na ang panget naman tignan kung pumunta ako at wala akong dalawa maliban sa trabaho. But I was also thinking baka ano naman isipin nang boss kung dadalhan ko siya nang pasalubong.

Yun nga on the way to ateneo, napadaan ako sa isang flower shop and something urges me deep inside to stop muna and to buy flowers. Kaya ayun ending binilhan ko siya bouquet of flowers.

Yun nga lang pinagpiyestahan nila ako dahil sa pautot kung bulaklak. Kaya nagkamot na lang ako nang batok at iniabot sa boss ko yung bulaklak.

BEA: "For you."

Dahilan para lalo sila maghiyawan at magngisihan.

JIA: "Thanks."

Matipid niyang sagot at ngumiti lang nang napipilitan. Alam mo yung ngiti na, humanda ka sa akin mamaya. Parang ganun yung ngiti niya eh. Ang creepy lang.

BEA: "Yung papers pala, nasa kotse pa. Kukuhanin ko na ba at dadalhin dito?"

JIA: "Dun na lang muna. Iuuwi ko na sa bahay. Dun ko na lang tatapusin yun."

THE VOLLEYBOSS (JIBEA)Where stories live. Discover now