PART 28 - RELATIONSHIP

3.7K 81 19
                                    

BEA POV

Mula sa outing hanggang ngayon ay hindi kami nagkikibuang dalawa ng boss ko. Kahit sa office, mag-uusap lang kami if it is about something to do with the work. No more, no less.

It has been a week already after naming magsimulang hindi magkibuan. Siya ang may kasalanan, pero hindi siya marunong magsorry. Kaya, hanggat hindi siya nagsosorry, hinding-hindi ko siya kikibuin.

At times ihahatid ko siya, minsan naman umuwi siya mag-isa. At madalas, inaasam ko na umuwi siya mag-isa para hindi ko siya maka encounter.

Atleast parehong tahimik ang buhay naming dalawa. Hindi niya ako gagambalain at hindi niya ako sisigawan.

Hindi ko na rin siya binibilhan nang donuts, na lagi ko ginagawa. Hindi ko rin siya binabati.

Then, biglang bumukas yung pinto at iniluwa ang mukha ni Migoy. May dalang bulaklak at todo ngiti. Ang porma pa nang suot. Dumiretso ito sa table nang boss ko, akala mo siya may ari nang opisina.

MIGUEL: "Hi Jia, flowers for you. And of course your favorite, donuts."

JIA: "Thanks Migs. I thought the meeting is at 10:00 am pa. Ang aga mo naman ata. It is just 9:00 pa lang in the morning."

"Tskkk. Ang arte, it's just blah blah in the morning. Dito pa talaga maglandian." (inis kong usal sa sarili)

MIGUEL: "I know, it's just that yayain sana kita kumain. Kahit snacks lang or anything. Okay lang ba?"

I was just continuously silently listening to their conversation.

JIA: "Okay, gutom na rin naman na ako. Ayusin ko lang to sandali."

"What the... Tama ba narinig ko? Lalabas sila para kumain? Kasama ang Migoy na yan?!😠" (usal ko na naman sa sarili)

MIGUEL: "It's okay, just take your time. I am more than willing to wait just for you."

"Kumag ka, willing to wait. Double meaning yun ah. Makahirit ka kay Jia, parang wala ako sa loob. Imposibleng hindi mo nababasa mga article na may relasyon kaming dalawa."
(inis ko na namang usal sa sarili)

JIA: "I'm done."

MIGUEL: "So, let's go."

At talagang walang pakundangan, feeling nila wala ako sa loob ng opisina.

BEA: "Hmmm."

Pagkuha ko nang atensiyon nilang dalawa.

BEA: "Baka gusto mo magpa alam sa boo mo?"

May pagdiin ko sa salitang 'boo mo' at nakatingin ako kay Jia. Nakatingin lang din siya sakin.

Pero hindi siya kumibo at hinatak si Miguel palabas. At iniwan akong nagmukhang tanga sa opisina.

"So, that's what she wanted? Siya tong may gustong magpanggap kaming dalawa, tapos sasama siya kay Migoy. Anong trip niya?"

Instead na intindihin ko pa siya, nagtrabaho na lang ako at tinapos ang mga kailangan gawin. Itinuon ko na lang ang inis ko sa pagpindot ng madiin sa keyboard ng computer. Buti nga hindi pa nasira sa lakas ng pagkakapindot ko.

Hindi ko namalayan kung gaano na ako katagal sa harap nang computer. Nagulat na lang ako nang bigla nagbukas ang pintuan kaya nakatingin ako dito.

THE VOLLEYBOSS (JIBEA)Where stories live. Discover now