PART 57 - DAY

2.8K 50 2
                                    

BEA POV

After two weeks of strolling around the different places in Paris, hindi parin maubos ang lugar na maari pa naming puntahan.

The place is so bliss with so much beauty and romantic ambiance. It was indeed a beautiful and amazing place.

Nandito kami ngayon sa isang amusement park nila kung saan ang daming magpartner na tumatambay at naglalakad.

Kami ni Jia nakaupo lang sa isang bench while sipping our coffee. Nakaakbay ang kaliwang kamay ko sa balikat niya.

JIA: "This place, really amazing. I have never found other place such as beautiful as what we have seen in this country."

BEA: "Yeah. Mapapawow ka na lang sa ganda at sa pagkaromantic ng lugar. Kung siguro dito tayo nakatira, araw-araw tayo magdedate. Hahaha."

JIA: "Tapos, araw-araw kang magpupuslit ng pananim na bulaklak. Hahaha. Buti na lang talaga at mabait ang guard kanina oe else sa rehas ka makikipagdate. Hahaha."

BEA: "Isa lang naman yun boo. Tsaka hindi naman makakasira sa garden nila ang isang bulaklak. Hindi nga nila makikita na kulang ng isa yun. Napakadamot nila sa bulaklak."

JIA: "Pasaway ka. May nakapaskil kaya na bawal kumuha. Syempre inaalagaan yun kasi napupuntahan ng mga turista. Hahaha."

BEA: "Ehhh... Okay na yun. Kung ayaw nila may kukuha ng bulaklak huwag na sila magtanim. Tsaka isa pa, ibinigay naman na nila eh, kaya okay na."😅😅😅

JIA: "Sa susunod, kapag ikaw talaga nakulong dito dahil sa pagnanakaw ng bulaklak, iiwanan kita dito. Hahaha."

BEA: "Gagawin mo talaga yun? Iiwanan mo talaga ako?"

Nakakunot kong wika sa kanya at nagpout pa ako sa kanya. She pinched my nose and smiled at me.

JIA: "Joke lang naman. Syempre, hindi ko magagawang iwan ka. Mahal kaya kita."

BEA: "I love you too."

Sabay lapit ko sa kanya para halikan siya sa lips kaso tinakpan niya ang nguso ko ng palad niya.

BEA: "Kiss ako."

JIA: "Kailangan talaga may kiss? Pwede naman tayo mag-usap ng walang ganun boo."

BEA: "Sige na, kiss mo na ako boo."

JIA: "Maya na lang pag-uwi."

BEA: "Ayoko, gusto ko ngayon na. Kapag hindi mo ako kiniss, hindi kita kakausapin."

JIA: "Huwag ka nga pabebe. Ang daming tao, kumain ka na lang diyan at uminom."

BEA: "Mas masarap yung lips mo kaysa sa pagkain at inumin."

Bulong ko sa tenga niya.

JIA: "Huwag ka nga. Nakikiliti ako eh."

BEA: "Kiss mo na ako please."

She was staring at me while sipping on her coffee. She smiles, telling me that she has no plans of kissing me.

Kaya tinaasan ko siya ng kilay at tinanggal ang pagka-akbay sa kanya. Tapos itinuon na ang atensiyon sa pagkain at coffee.

Ayaw niya ako i-kiss, ang damot. Parang kiss lang naman hinihingi ko.

JIA: "Boo."

Tawag niya sa akin pero hindi ko.siya pinansin.

JIA: "Boo."

Dedma ko siya, kinuha ko na lang yung phone at doon inabala ang sarili. Wala naman akong ka text, props lang na kunyari may ginagawa.

THE VOLLEYBOSS (JIBEA)Where stories live. Discover now