PART 66 - WHERE

2.5K 45 3
                                    

JIA POV

Nasa province kami nila Bea sa Tarlac para doon mag undas. Sumama din ang mga kaibigan namin dahil trip nga nilang bumiyahe.

Stress daw kasi sa work and kailangan nila na mag timeout at magtanggal ng stress. Since nalaman nilang pupunta kami ng province, ayun nakisabay at nakigulo.

Nauna na ang parents ni Bea kasama ang kuya Loel niya. Kami naman ni Bea magkasama sa car with Codie. Kasabay namin sina Deanna, Ponggay at Trey. Si Marco nag volunteer na mag drive at sumabay si Kobe at Ricci.

Sa kabilang kotse naman ang mga magbesh kasama sina Thirdy, Tyler at ang mapang-asar na si Anton at Aaron.

Sa kabilang kotse naman sina Liz, Jho, Maddie, Gizelle, Mich, at kasama sina Matt, Adriene, at Mike.

Para tuloy kaming magfieldtrip. Buti na lang okay lang sa family ni Bea na manggugulo ang mga kaibigan namin.

Malaki naman daw yung bahay and old house din kasi kaya maraming rooms at malawak din ang lugar. Pagmamay-ari ito ng lolo at lola niya.

JIA: "Sure ka ba na okay lang sa lolo at lola mo na manggugulo tayo sa kanila?"

BEA: "Okay lang. Masaya nga sila nang malaman na may pupunta sa bahay. Wala din kasi madalas na pumupunta at dumadalaw dun."

JIA: "Ang dami kaya natin."

BEA: "May mga rooms naman dun. Kasya naman sila na maghati hati sa mga rooms. Pero, sure ako na magsasama sila sa iisang room at pagkakasyahin ang sarili. Hahahaha."

JIA: "Why is that?"

BEA: "You will know when we get there."

JIA: "Ang creepy Beatriz ah."

PONGS: "Nako ate Bea. Ano pong meron dun?"

Pero tumawa lang si Bea.

TREY: "Malayo pa ba tayo?" wika niya after sa mahabang byahe.

BEA: "Malapit na. We will be there in 20 minutes. Pagdating diyan sa unahan may kanto sa kanan. Lumiko ka dun Marco."

MARCO: "Okay."

Just like what Bea had said, lumiko na nga kami sa kanang kanto. From there, puro puno at halaman na ang makikita sa magkabilang side.

May mga bahay din pero, malalayo ang agwat sa bawat bahay. Habang papalayo ay matataas na ang mga puno papasok sa lugar.

Maganda naman ang kalsada kasi sementado. Pero halos mga puno na lang ang makikita and old fashion houses.

After 20 minutes na paglalakbay sa kakahuyan ay nakarating na kami sa bahay ng lolo at lola niya. Malaki nga ang bahay at old design.

As I roam my eyes around bigla ako kinilabutan. Kakaiba kasi ang aura ng lugar. Parang any moment may lalabas.

Pagbaba ng car yung parents niya ang sumalubong sa amin at ang grandparents niya.

Pagkakita kay Bea lumapad ang ngiti ng mga ito sa kanya. Lumapit siya sa mga ito at niyakap. Hinalikan niya ito sa mga pisngi.

Then, Bea turns towards me. And ask me to come nearer.

BEA: "Lolo, lola. I want you to meet your soon to be apo. Hahahaha... My girlfriend po and my wife to be. Julia."

Ubod tamis na wika ni Bea habang papalit palit ng tingin sa akin at sa mga grandparents niya.

LOLO: "Masaya kami at napadalaw kayo rito. Ikinagagalak kong makilala ang magandang dilag na nagpapasaya sa paborito kong apo."

Nakangiting wika ng lolo niya.

THE VOLLEYBOSS (JIBEA)Where stories live. Discover now