BEA POV
Naandito kami ni Jia sa isang lugar kung saan may maraming rides. Pagkababa ng kotse, hinatak ko na siya sa kamay para pumasok sa loob.
JIA: "Ano naman sumagi sa isip mo at sa ganitong lugar mo ako dinala."
Malumanay niyang wika at nakatingin sa akin ng diretso.
BEA: "Hindi naman ako pumunta dito para dalhin ka, pumunta ako dito kasi namiss ko nang mag rides."
Nakangiti kong sagot sa kanya. Pero sinamaan niya ako ng tingin, kaya halik ang iginanti ko sa mga labi niya. Medyo nagulat siya pero hindi naman nagalit.
BEA: "Come on, naiisip ko lang na maaga ka nagmature kaya baka hindi ka nakakapunta sa mga ganitong lugar."
JIA: "Hahahaha... Grabe ka naman, maaring maaga akong namulat sa trabaho pero hindi naman ipinagkait sa akin ang kabataan ko."
Natatawa niyang wika.
BEA: "Sabagay, mayaman ka. Kaya malamang madalas kayo dito ng family mo."
Kaya napatampal ako sa noo. Sa totoo lang nag-iisip talaga ako kung saan ko siya pwede dalhin na hindi pa niya napupuntahan para naman may kakaiba siyang ma-experience. Pero, sablay naman pala ang naisip ko.
BEA: "Akala ko pa naman, maeexcite ka at mamamangha kapag dinala kita rito. Hindi rin naman pala."
Full of disappointment na wika ko sa kanya. Then, hinatak ko na siya sa kamay at pabalik sa kotse.
JIA: "Oh, saan tayo pupunta? Bakit aalis tayo?"
Salubong ang kilay niya at puno ng pagtataka.
BEA: "Umuwi na lang tayo sa condo. Mukhang di ka naman mag-eenjoy diyan."
Pero bigla niya ako pinigilan sa paglalakad.
JIA: "Ano ka ba, maaring nakapunta nga ako sa ganitong lugar, but that was a long time ago. Di ko na nga maalala kung kelan yung huling punta ko sa ganito."
Kaya napatingin ako sa kanya.
JIA: "Huwag ka nang magmukmok at magmaktol diyan, you just bring me at the right place."
Nakangiti siya at pigil ang pagtawa.
BEA: "Parang hindi naman. Pampalubag loob mo lang yang sinasabi mo."
Bigla siya lumapit sa akin at hinalikan ako sa labi kaya nanlaki ang mata ko. Nang hindi ako magreact, she pinched my nose.
JIA: "Let's go. Bring me back again to my childhood memories."
Kaya naglakad na kami papasok sa loob. Bumili kami ng ticket para sa unlimited rides. We tried every rides one by one na walang kasawaan.
Kapag napagod sa ilang rides, magpapahinga lang kami sandali bago magtry ulit nang panibago.
JIA: "Gutom na ako boo. Kumain na muna tayo."
BEA: "Ako din, nagwawala na yung mga alaga ko."
JIA: "Gaano ba kadami yang mga alaga mo?"
BEA: "Ahhh, you don't wanna know."
I laugh as I spoke to her and napailing lang siya. Kaya naghanap kami ng makakainan. Medyo nakadisguise kaming dalawa, kasi ayaw naman naming pagkaguluhan kami ng mga tao.
May mga napapatingin pero hindi na namin pinagtutuunan pa ng pansin. Hindi naman takaw atensiyon ang itsura namin dahil simple lang naman ang suot at naka cap kami pareho.
Nakahanap kami ng pwesto na hindi matao, kaya nakakain kami ng maayos ng walang istorbo.
BEA: "Sarap, nabusog ako."
YOU ARE READING
THE VOLLEYBOSS (JIBEA)
FanficThe ever arrogant, super masungit and always demanding boss finally met her match, the ever confident and super persistent employee who never backed down and bowed down to anyone.