JIA POV
We are here at a private resort in Laguna. It is a moment of celebration for winning the battle of the rivals.
We thought na matatalo na kami, kasi 2 sets to none na ang laban namin with DLSU. But we pulled out together our heartstrong mantra, at the right moment at the right time.
Eventually we won the game on five sets. As a result andito kami ngayon sa isang resort at nag hahappy-happy lang.
We all enjoyed the game as much as we enjoy this moment together sa resort. At sa sobrang enjoyment ito nag kayayaan uminom.
At first wala naman talaga ako balak uminom, kasi may kailangan akong tapusin na trabaho. Kaya lang, kapag ang teambesh na ang nagpasimuno ng kaguluhan wala kang takas, lalo na kay ate Ella.
ELLA: "Guys iinom lahat ah, walang dugasan at walang tatakas. Ang tatakas papanget at mamalasin habang buhay."
MICH: "Aw grabe naman po ate Ella, mamalasin talaga."
MAE: "Akala ko sasabihin mo magiging minion kagaya mo. Hahahaha."
LY: "Hahahaha... Strike one, ate Mae. One point for you."
DEN: "Oh ano, walang sagot Jorella De Jesus? Tameme lang ang peg? Hahahaha."
Kaya nagtawanan ang lahat, pero si ate Ella dedma lang. Tuloy lang siya sa pag-aayos ng mga pagkain at inumin.
Together with us sa outing is my ever dearest secretary. Ipinagpilitan kasi nang grupo na isama siya sa outing, di ko nga alam kung bakit. Katabi ko siya ngayon at tumatagay din siya.
Habang tumatagal ay nalasing na yung iba. Umandar na kasi ang mga kadaldalan at kakulitan.
PONGGAY: "Maddie myloves, may gusto ka ba sakin?"
Paputol-putol na tanong ni Ponggay kay Maddie. At inilapit pa ang mukha kay Maddie.
MADDIE: "Ilayo mo nga yang mukha mo sa akin. Di kita type. Tsaka my myloves na akong iba."
TREY: "Sino yung myloves mo Twinnie?"
MADDIE: "Eh di si myself. Hahaha."
Dumikit naman si Ponggay sa kanya at kumapit sa braso niya.
MADDIE: "Dun ka nga, bakit nakakapit ka sakin? Para kang tarsier. Kay Deanna ka kumapit, kanina pa ako tinitingnan ng masama eh."
PONGGAY: "Shhh, don't be noisy. Hahalikan kita pag hindi ka tumigil."
Kaya hindi na nagsalita pa si Maddie, natakot ata. Kasi alam niyang gagawin ni Pongs kung ano ang sinabi niya.
Then, nagkayayaan ng dare daw. Naglaro kami ng flip the bottle. Kapag hindi nakatayo dare agad.
Unang sumalang si Deanna, ayon sablay kaya unang biktima ng dare.
ELLA: "Sabihin mo kay Ponggay, I love you."
Bigla namula yung pisngi nang bata. Di makatingin nang diretso kay Ponggay.
DEANNA: "Ano, hmmm. Ponggay, hmmm, I love you."
MAE: "Hahaha, bumuhol dila nang bata, nautal si BB Deanna."
ELLA: "Sabihin mo ulit, yung maayos bata at hindi nauutal."
Kaya walang choice si Deanna kung hindi ay magsalita ulit. Pero nauutal talaga siya, nakalimang sabi na siya. After ng panglimang sabi, tinantanan na nila yung kawawang bata.
Pulang pula na yung pisngi at hindi na nga makatingin kay Pongs. Matagal na siyang may gusto kay Ponggay pero hanggang sa nagkatrabaho na kami, pagong pa din siya. Samantalang si Pongs tawa lang ng tawa.
![](https://img.wattpad.com/cover/111507117-288-k305103.jpg)
YOU ARE READING
THE VOLLEYBOSS (JIBEA)
FanfictionThe ever arrogant, super masungit and always demanding boss finally met her match, the ever confident and super persistent employee who never backed down and bowed down to anyone.