PART 13: CHARADE

3.5K 64 6
                                    

BEA POV

Bigla akong kinabahan at pinagpawisan, paano naman yung Lola ng boss ko, nakakastress ang tanong.

Kauupo pa lang naming dalawa ni Jia, tatanungin ba naman kung may relasyon kami nang apo niya. Hindi man lang kami pinakain muna bago, usisain.

Kaya, wala akong choice kundi sagutin ang tanong niya pero tumingin muna ako sa boss ko, kung okay lang na sagutin ko and she nodded in agreement.

BEA: "Yes po, may relasyon po kami nang apo niyo. Girlfriend ko po si BOO, si BOO ko po."

Muntik pa ako magkamaling tawagin siyang boss. Kaya tuloy, boo ang nabanggit ko.

DEN: "Boo?"

Takang tanong ni ate Den, isa sa mga kabarkada ni Jia.

BEA: "Ahhh... Eh... Yun ang callsign naming dalawa. I call her boo."

Pagpapalusot ko na lang.

ELLA: "Ayun naman pala, may relasyon sila ni Boo."

JHO: "Hahaha. Kelan pa naging kayo ni boo?"

JIA: "Pwedeng kumain muna bago niyo kami interbyuhin? Gutom na kami eh."

Pagtataray nang boss ko.

LOLA: "Hala sige, kumain na tayo, kanina pa gutom ang lahat dahil naghihintay sa inyong dalawa. Bakit ba naman kasi natagalan kayong bumaba?"

PONGGAY: "Nag-loving loving pa po kasi sa kwarto ang magBOO Lola. Hahahaha."

Dahilan para magtawanan ang lahat, pinagpawisan tuloy ako kahit hindi naman mainit. Then, we all started to eat, pero from time to time sa amin nakasulyap ang mga kasamahan namin sa hapag-kainan.

Kaya, no choice inasikaso ko ang boss ko kahit pakitang-tao lang. Kahit naiinis ako sa kanya dahil tinarayan niya ako kanina.

Nakatingin naman siya sa akin nang makahulugan, at tinaasan ko siya nang isang kilay, trying to convey a message to her. At mukhang na gets naman niya ang ibig kong ipaabot.

Kaya hinayaan niyang nilagyan ko ang plato niya nang kanin at ulam. Ganun din ang ginawa niya sa plato ko, although ang awkward lang sa pakiramdam.

Tahimik lang kaming kumain, habang nag-aasaran ang iba at nagtatawanan. From time to time, I take a glance of Jia at inaasikaso siya.

After kumain, una kaming lumipat ni Jia sa terrace at overlooking sa dagat. Magkatabi kami ni Jia sa upuan at tumabi ako sa kanya sabay akbay. Kaya napatingin siya sa akin at diretso sa kamay ko na naka-akbay.

BEA: "What?"

JIA: "Bakit mo ako inakbayan? At huwag ka ngang didikit sakin nakakairita eh."

THE VOLLEYBOSS (JIBEA)Where stories live. Discover now