JIA POV
Andito kami ngayon sa mall dala na rin nang pangungulit nang mga magugulong kaibigan ko. So kahit pa na tinatamad ako sumama, I don't have other choice, kasi guguluhin nila ako lalo kung tatanggi ako.
Sa dami nang trabaho sa office, wala ako sa mood umalis. Kaya lang, I really have to go kasi di nila ako titigilan.
Kaya umalis na ako sa swivel chair and headed to the door following the others. Sumama na rin ang sekretarya ko kasi by force din.
And to the delight of the group pinagtabi pa kaming dalawa nang sekretarya ko sa may kainan. At pinagpiyestahan kung ano man ang relasyon meron kami.
ELLA: "Isabel paano mo nakuha ang matamis na oo nang maganda pero masungit mong boss?"
Ang tagal bago siya sumagot, hindi siguro malaman kung sasagutin yung tanong or iiwasan na lang. Pero bago sumagot nagkamot ito sa batok.
It is an indication that she is really not comfortable with the question or the topic.
Matagal ko nang napapansin yung ganung mannerism niya. Kapag hindi siya komportable it's either hahawak siya sa batok or sa kilay niya.
BEA: "Ahmmm... Ano... Kasi... Di ko alam paano ipaliwanag eh."
Medyo paputol putol niyang sabi. Mukhang wala nga siyang maisip na dahilan.
"Ang dami niya pwedeng idahilan sobra naman siya wala man lang siyang maisip. Kung makipagtalo siya sa akin di siya maubusan nang sasabihin at idadahilan. Pero ngayon wala siya masabi." (inis kong wika sa isip ko)
"Sus nag expect ka rin nang isasagot niya eh. Umasa ka lang at nahopia kaya ka naiinis." (kontra nang pasaway kong isip)
Pero iwinaksi ko na lamang ito at itinuon na lang sa pagkain ang atensiyon ko. Kaso ang babaeng liit na si ate Ella at sadyang ayaw talaga papigil.
ELLA: "Alam namin na mahirap ipaliwanag ang kasungitan nang boss mo. Pero paano mo siya niligawan?"
Wala siyang choice, she needs to make up a story because they won't stop. Kaya napabuntong hininga ito bago magsalita.
BEA: "Well, everyday I bought her favorite donut and coffee. Simple things like that. She is not hard to please naman."
Simpleng sagot niya. She actually do those things naman everyday. I wonder nga bakit niya lagi ginagawa yun. Hindi ko na lang inentertain yung thoughts na yun.
MICH: "Really?! Hindi mahirap i- please ang isang Jia Morado? Bago yun ah.".
At nagtawanan silang lahat sa tinuran ni Mich. Actually, Mich is right, I am not easy to please. I don't usually do favors for anyone.
JHO: "Seryoso ka ba diyan Isabel? Eh halos magmakaawa na ako diyan kay Jia para lang pagbigyan ang hinihiling ko pero at the end nganga parin."
ELLA: "Kulang na nga lang lumuha kami nang dugo kay Jia para mapagbigyan. Yun pala gandang gwapo lang ang puhunan. Hahaha."
Si ate Ella talaga, alam na alam lagi ang isasagot. Likas na bully talaga.
BEA: "Baka nga po siguro nadala siya sa gandang gwapo ko. Ganun ba yun BOO?"
Sabay tingin sa akin ni Bea kasabay sa huli niyang sinabi. Mukhang sinakyan na ang kalokohan ng mga kasamahan namin.
"Anong trip ba nang sekretarya ko?" (Sabi ko sa isip ko)
JIA: "Gandang gwapo ka diyan. Ang panget mo kaya. Ang taas naman nang tingin mo sa sarili mo. Mayabang ka lang talaga."
ELLA: "Hustisya naman madam Jia, kung panget si Isabel, paano naman kami?"
YOU ARE READING
THE VOLLEYBOSS (JIBEA)
FanficThe ever arrogant, super masungit and always demanding boss finally met her match, the ever confident and super persistent employee who never backed down and bowed down to anyone.