PART 30 - CLOSER

4K 76 30
                                    

JIA POV

I'm here sa may sala and waiting for Bea to arrive. Nagtext kasi siya na malapit na raw. Nakaready na rin lahat ng gamit ko sa car na gagamitin pagpunta sa baguio.

Nagbabasa ako ng magazine habang nagpapalipas ng oras sa paghihintay sa pagdating ng sekretarya ko.

JOBOK: "Ate Ji, dumating na po si ate Isabel at kasama po niya si Codie. Ang daya po ate, bakit si Codie kasama niyo? Tapos ako ayaw mo po ako pasamahin?"

Tumaas ang isang kilay ko sa sinabi ni Jobok. Wala naman kasing binanggit si Bea na kasama namin today si Codie papunta sa Baguio.

Napatingin ako sa door habang si Jobok naman ay humaba na ang nguso sa pagmamaktol. Hindi ko na lang pinansin.

Sakto naman na papasok si Bea at hawak-hawak si Codie. Nakangiti si Bea na pumasok samantalang busangot naman si Codie.

"Mukhang may tantrums na naman si Codie. Di maipinta ang mukha eh. Ano kaya nangyari?"

LOLA: "Oh Isabel, kasama ba si Codie sa pagpunta niyo ng Baguio?"

Si Bea napakamot sa batok bago sumagot sa tanong ni Lola.

BEA: "Eihh, ano po kasi... Hmmm... Ayaw po magpa-iwan at gusto po niyang sumama. Kaya po ayan, isinama ko na."

LOLA: "Ganun ba, hala sige kumain muna kayo bago bumiyahe. Nagpahanda ako ng pagkain."

Inilapag ko ang hawak na dyaryo sa table at tumayo na ako. Naglakad naman papunta sa direksiyon ko sila Bea at Codie.

Meron itong hawak na flower sa kabilang kamay at iniabot ito sa akin. Tinanggap ko ito pero tinaasan ko siya nang kilay.

BEA: "Good morning."

Masayang bati niya sabay kiss niya sa lips ko. Pero smack lang naman but it has an effect on me. Hindi ko na nga lang pinansin yung kakaibang epekto ng paghalik niya.

JAMIE: "Ayun naman, kay agang landi. Petmalu. Hahaha."

Nagtawanan silang lahat sabay sumipol pa si Jobok.

JIA: "Good morning too. Thanks for the flower."

BEA: "Thanks lang, eh yung kiss ko wala?"

JOBOK: "Ayun naman po, hokage si ate Isabel. Lodi."

Kaya lumapit ako kay Bea, I tip toe at hinalikan siya sa pisngi. Then, yumuko ako to kiss Codie sa cheek na wala parin sa mood.

JIA: "Why baby Codie is sad?"

Pero nakayuko lang ito at hindi kumibo. Pinaupo ito ni Bea sa sofa, sakto namang dumating si manang at may dalang merienda.

Nilagyan ni Bea yung plato ni Codie at pinilit itong kumain. Then, lumapit siya sa akin.

BEA: "Sorry, pag-uwi ko kasi kahapon may toyo na eh. Lalong nagkatoyo nung sinabi kong aalis ako at hindi siya kasama. Hindi nga ako kinikibo mula kahapon eh."

JIA: "Ganun ba. Okay lang."

BEA: "Thanks."

Then, umupo ako sa sofa katabi ni Codie at pinapanuod siyang kumakain ng tahimik. Kumain na rin si Bea at minsan sinusubuan ako. Hindi na kasi ako kumain kaso si Bea makulit at isinusubo talaga yung food.

After mag snacks ay nagpaalam na kaming tatlo at umalis na. Nasa likod kami ng sasakyan dahil may driver naman kaming kasama.

Ayaw kasi ni Lola na kami ni Bea ang magdrive. Kaya kasama namin ngayon si Mang Ricci, isa sa driver nang kompanya.

THE VOLLEYBOSS (JIBEA)Where stories live. Discover now