BEA POV
Nagising ako kasi may nararamdaman ako na nagpapakiliti sa akin, parang may dumadampi sa leeg ko.
Pagmulat ko nang mata, I saw my Boss, natutulog at nakaharap sa akin. Ang lapit lang niya sa akin kasi halos magkadikit na pareho yung ulo namin.
Sakto sa leeg ko yung ilong at bibig niya kaya pala para akong nakikiliti kasi paghuminga siya diretso sa leeg ko.
At yung isang kamay niya nakayakap na sa akin pati yung paa niya. Kaya hindi ako makagalaw kasi baka biglang magising. Nakaunan din kasi siya sa braso ko.
I couldn't describe what i am feeling right now. Kasi a part of me likes the feeling but my mind says hindi dapat. Pero instead na maguluhan pa lalo, hindi ko na lang ginising ang boss ko.
Isa pa, ang sarap sa pakiramdam na nakayakap siya sa akin. I like the warmth feeling it brought me. I just fight the urge na hawakan siya.
Kaya para akong tuod habang naghihintay na magising siya. Which is after 30 minutes, gumalaw na ito at iminulat ang mata.
BEA: "Good morning!"
JIA: "What time is it?"
BEA: "It's 6:30."
Pero hindi pa rin siya umalis sa pagkakayakap sa akin.
JIA: "I'm still sleepy."
Then, biglang bumukas ang pinto. Iniluwa nito si Codie at lumapit papunta sa bed. Kanina pagkabukas to do ngiti, nang lumapit sa bed napabusangot na ito.
CODIE: "Good morning Dada."
Sabay lapit niya sa akin at kiss sa cheek. Then, na kay Jia na ang tingin at sa kamay ni Jia na nakayakap sa bewang ko.
BEA: "Good morning too baby. You say good morning to ate Jia."
CODIE: "Good morning!"
Ang tagal bago niya binati si Jia.
JIA: "Morning."
Jia answered pero nakayakap pa rin sa akin. Codie is jealous of Jia. Codie is very possesive pagdating sa akin. Hindi naman siya ganun kay kuya Loel at ibang pinsan ko.
Ayaw niya na may iba akong kasama. Lalo't ayaw niya na may ibang yumayakap sa akin maliban sa family. Gusto niya sa kanya lang ang attention ko.
Simula pagdating namin kahapon, pinagseselosan na niya si Jia. Kaya kapag inaasikaso ko si Jia todo papansin siya. Lalo at si Jia kasama ko natulog sa room kagabi at ngayon nakita pa niyang nakayakap ito sa akin. Kaya humaba nguso.
CODIE: "Dada, let's play."
Pagyayaya ni Codie, naglalambing. Kaya lang si Jia lalo pang hinigpitan ang yakap sa aking bewang at isiniksik pa lalo ang ulo sa leeg ko.
At para bang ayaw niya pa akong umalis. Isa pa sinabi niya kanina na sleepy pa siya, so ibig sabihin gusto pa niya matulog.
"Paano ba to? Para akong naiipit sa dalawang nagtatantrums. Yung isa gusto sa bed, yung isa gusto maglaro."
BEA: "Baby maya na lang tayo magplay, masyado pa maaga. Dito ka na sa bed, tabi ka kay dada."
Bumusangot ito, pero dahil wala naman siya magawa tumalima naman ito at sumampa na sa bed. Humiga ito sa tabi ko.
Si Jia nakaunan sa braso ko sa kanan at nakayakap sa bewang ko. While si Codie naman sa kaliwa humiga at yumakap din.
CODIE: "I love you Dada."
BEA: "I love you too baby."
Sabay kiss ko sa noo niya.
JIA: "I love you BOO."
YOU ARE READING
THE VOLLEYBOSS (JIBEA)
FanfictionThe ever arrogant, super masungit and always demanding boss finally met her match, the ever confident and super persistent employee who never backed down and bowed down to anyone.