PART 22 - FAMILY

3.6K 77 11
                                    

JIA POV

Kararating lang namin sa bahay, I need to change clothes din kasi at kailangan ko din kumuha ng clothes na gagamitin sa training mamaya.

Kasabay na bumaba si Bea sa kotse at ganun din si Codie. Pagpasok sa loob na andun sa sala ang buong family ko. Katatapos lang nila mag agahan.

PAPU: "Oh anak, but na andito ka? Akala ko sa opisina ka na didiretso?"

JIA: "Kailangan ko po kasing kumuha ng gagamitin sa training kaya dumaan na po muna kami dito bago dumiretso sa opisina."

MAMU: "May kasama ata kayong napaka poging bata..."

JOBOK: "Ate Ji, anak niyo po ni ate Isabel? Ang pogi po nagmana kay ate Isabel. Hehehehe."

Ang aga mambwisit ni Jobok. To do ngisi pa talaga.

JIA: "Oo Bok, anak naming dalawa. Panganay namin. His name is Codie."

Pagsakay ko sa kalokohan niya. Kasi kapag pinatulan ko lalo ako aasarin eh.

JAMIE: "Wow, ang cute tignan ng family niyo. Ang pogi ng panganay niyo."

Kaysa sakyan ko pa ang trip nila, umakyat na lang ako at iniwan sila sa sala. Pagdating sa room, inayos ko muna ang mga gagamitin sa training.

After magbihis ay bumaba na ako. Yung mga kapatid ko aliw na aliw sa kunyaring anak namin ni Bea.

JIA: "Let's go."

Kaya tumayo na si Bea para magpaalam. Tumayo na rin si Codie at kumapit sa Dada niya. Nagpa-alam na kaming tatlo at bumiyahe na papuntang opisina.

Habang nasa biyahe, tahimik lang si Codie na nakaupo sa tabi ko. I am just watching him hanggang sa napapabagsak na yung ulo niya.

Mukhang natutulog siya, kaya hinatak ko siya papalapit at ipinasandal sa akin. I hold his head para hindi ito mahirapan.

BEA: "Nakatulog ba?"

JIA: "Yeah."

BEA: "Ok ka lang ba?"

JIA: "Ok lang."

Pagdating sa parking area, ginising ko na agad si Codie. Nagkusot pa siya ng mata ng magising.

Pagbaba ng kotse humawak siya sa kamay ni Bea at nakasunod silang dalawa sa akin.

Nang magpantay kaming tatlo bigla niya hinawakan ang kamay ko. Tiningnan ko siya pero ngumiti lang ito na labas ngipin. Kaya hinayaan ko na lang.

Pagpasok sa opisina as usual pinagtitinginan na naman kami ng lahat. Sanay na ako kaya hindi ko na lang pinansin.

Simula nang lumabas ang article tungkol sa amin ng sekretarya ko, araw araw na kami ng pinatitinginan ng lahat.

Mas lalo sila nakatingin ngayon dahil may bago sa paningin nila. At magkahawak kamay kaming tatlo habang naglalakad.

Pero tahimik lang kami hanggang sa makapasok sa loob ng elevator.

BEA: "Mukhang may dahilan na naman sila para pagtsismisan ka."

JIA: "Hindi lang ako. Ikaw din kasama sa pagtsitsismisan nila."

CODIE: "What's tsismisan po Dada?"

Takang tanong ni Codie at nakakunot pa ang noo.

BEA: "Never mind baby. Just forget what you heard."

CODIE: "Okay."

Tiningnan ako ni Bea at napangiwi siya. Kaya nginitian ko na lang siya. Tahimik lang kaming tatlo hanggang makapasok sa opisina.

THE VOLLEYBOSS (JIBEA)Where stories live. Discover now