(c) Google
Nagsimula ang lahat...
"Jake! Nandiyan na siya!"
sa isang malagim na krimeng hindi inaasahan ng magbabarkada.
"Shit! Takbo!"
Saan ka magtatago?
"Rayne! Dalian mo!"
Kung sa bawat galaw mo...
"Jake, hintayin mo ko!"
nakamasid siya.
Sino?
Siyang may hawak ng patalim. Siyang nagtatago sa likod ng maskarang kulay puti na nagpapakita ng isang malapad na ngiti.
"Rayne!!!"
Kaya mo ba siyang takasan?
O baka kailangan mo na lang talagang tanggapin ang nalalapit na kamatayan?
Domino... isang misteryosong kuwento ng mga pagpatay. Mayaman man o mahirap, sikat man o hindi, mabait ka man o masama, kung kailan ka mamamatay? Siya ang magtatakda.
"Jake!!!"
Mataranta, kabahan, at nerbyusin habang binabasa ang akdang ito. Ang kuwentong bahagi ng reyalidad na siyang babaliin ng mga hindi makataong pagpaslang.
Sa kamay ng isang hindi matukoy na salarin gugulong ang buhay ng magkakaibigan. Kapag namatay ang isa, kasunod na ang iba. Iikot ang mundo nila sa mga tanong na pilit inaalisan ng sagot.
Ihanda ang isipan, maging masuri at laging tatandaan... wala kang dapat pagkatiwalaan.
Inspired by:
The Purge, No Escape and Signal