Chapter 26

705 49 11
                                    


Mag-aalas diyes na ng umaga nang makarating si Detective Domingo sa istasyon nila. Pagpasok niya sa loob ay nakita niya agad ang mga kasamahang nakangiti habang hinihintay siya sa cubicle ng mga ito.

Hindi niya makuha kung ano ang ibig-sabihin ng mga ngiting iyon na siyang nagpailing sa kanya.

"Bakit?" bungad niya sa mga kasama at saka umupo sa kanyang upuan.

"Tinanghali ka, kumusta date kagabi?" nanunuksong turan ni Mendes sa kanya.

"Wala pa si Valdez, saan kayo nagpunta?" Nilakasan pa ni Kalaw ang pagkakasabi para marinig ni Morales sa kabilang grupo.

Napangiti na lang si Mr. Domingo na itinutok ang mga mata sa monitor at saka binuksan.

"Domingo, sinagot ka na ba?" gatong pa ni Careon.

"Tumigil nga kayo, walang namamagitan sa amin ni Lia, at isa pa, walang date na naganap. Inasikaso ko lang talaga 'yong bibilhing bahay nila Dad kaya ako tinanghali," pagdadahilan niya.

Nagkatinginan naman ang tatlo na halata namang hindi naniniwala sa sinabi ni Mr. Domingo.

"Walang namamagitan? Kalokohan," buwelta pa ni Mendes.

Hindi na pinansin pa ni Mr. Domingo ang sinasabi ng mga kasamahan at mas pinili niyang ibahin na lamang ang usapan.

"Siya nga pala, tumawag sa akin si Mr. Tolentino kanina bago ako magpunta rito, muntikan na silang madale ng killer." Pagkatapos niyang magsalita ay biglang umayos ng pagkakaupo ang tatlo.

"O, anong nangyari?" interesadong tanong ni Careon.

"Nasa isang party raw sila kagabi sa Makati, maging sa loob ng venue, nakita niya ang lalaking nakamaskara, malakas talaga ang pakiramdam ko na kilala nila 'yon," ani Mr. Domingo.

Kapwa sila napaisip.

"Isa lang ang ibig-sabihin niyan, Domingo, si Mr. Tolentino na ang sunod."

"Iyon na nga rin ang iniisip ko. Talagang gusto siyang patayin."

"Domingo, sa tingin ko kailangan na nating puntahan ang pamilya ni Jenny Manawag at ni Mike Hernandez, posibleng may alam sila kung nasaan ang mga 'yon," suhestiyon ni Kalaw.

Tumingin sa kanya si Mr. Domingo at saka sandaling umiling.

"Huwag muna, may binabalak ako."

Magsasalita pa sana si Kalaw subalit isang tao ang pumasok na siyang pumigil sa sasabihin niya. Napatingin silang lahat doon.

"Domingo," bungad nito. Si PO3 Perez.

"O, PO3?" tugon niya.

Hindi na nagpaligoy-ligoy pa si PO3 Perez.

"May natagpuang bangkay ng babae at lalaki na palutang-lutang sa ilog na malapit sa SM Manila, detective, sila ang pinahahanap n'yo sa amin." Napatayo si Mr. Domingo sa narinig nito.

"P-pero! Paano nangyari 'yon?" nagtatakang tanong niya.

"Sigurado ka bang sila 'yon?" dugtong pa ni Careon.

"Hindi ako nagkakamali. Sila nga iyon. At katulad sa nangyari kay Jonalyn Thera Alcantara, may ribbon din ang mga iyon sa kaliwang paa na may nakasulat na Domino," saad nito.

Napatingin si Mr. Domingo sa ibaba na gulong-gulo ang isipan. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman niya. Kitang-kita ng mga kasamahan niya ang labis na kaba at inis.

"Si Jenny Manawag at Mike Hernandez ang persons of interest natin pero, patay na rin sila? Ang ibig ba nitong ipahiwatig, e, hindi sila ang may kagagawan sa pagpatay kay Ms. Alcantara?" Si Mendes naman ang nagsalita.

"Hindi sila, kundi ang taong planado ang lahat, pinalabas niyang si Manawag at Hernandez ang suspect para doon tayo mag-focus, inilihis niya ang imbistigasyon, nagkamali tayo," wika ni Mr. Domingo na halata ang pagkadismaya.

Sandali silang natigil sa pag-uusap nang dumaan si Detective Morales. Nakatingin ito kay Mr. Domingo na laman ang pang-iinsulto.

"Palpak," sambit ni Mr. Morales.

Nagsarado ang kamao ni Mr. Domingo na sinabayan pa ng pagkiskisan ng kanyang mga bagang. Akmang susundan niya si Mr. Morales nang hawakan siya sa braso ni Mendes.

"Hayaan mo na, hindi makakatulong kung papatulan mo pa."

Sinipa na lang ni Mr. Domingo ang upuan niya sa sobrang inis.

"Nasaan na ang mga bangkay?" tanong niya kay PO3 Perez.

---***---

Paalis na nang condo unit sila Jake. Dito na nagpalipas ng gabi ang mga kaibigan niya dahil na rin sa nangyari. Samantala, si Hans na lang ang hinihintay nila para makauwi na rin. Siguradong hinahanap na sila ng kanilang mga magulang lalo na ang mga babae nilang kasama.

"Hoy! Matagal ka pa ba diyan! Uwing-uwi na sila Rayne!" sigaw ni Jake habang kinakatok ang pinto ng banyo.

"Sandali na lang!" tugon ni Hans sa loob.

Bumalik si Jake sa kama kung saan naroon ang tatlo. Abalang nagpapatuyo ng buhok si Maia gamit ang blower na nakakabit sa dingding habang si Patty naman ay nakatutok sa cellphone. Tahimik namang nakatulala si Rayne na nilalaro ang sariling mga daliri.

"Rayne, okay ka lang?" Hindi niya ito gustong itanong. Tila kusa na lamang itong lumabas sa bibig niya nang makita ang mukha ng dalaga.

"O-oo, okay lang ako," walang ganang sagot ni Rayne.

Hindi na nagsalita pa si Jake. Wala rin naman siyang sasabihin na maganda kaya minabuti na lang niyang manahimik na lang.

Tatalikod na sana siya nang tawagin siya ni Maia.

"Jake, may tumatawag yata," ani Maia habang nakatingin sa cellphone ni Jake na nakapatong sa maliit na lamesang nasa gilid ng kama.

Kinuha iyon ng binata at saka mabilis na sinagot ang tawag.

"May balita na ba do'n sa sinabi ko kanina?" direktang sabi ni Jake sa kabilang linya.

Pero, hindi ang sagot sa tanong niya ang kanyang natanggap. Nanlaki ang mga mata niya at biglang nanginig ang kanyang mukha. Bakas sa mukha niya ang tila pagguho ng mundo.

Napadako ang tingin ng tatlong babae sa kanya. Nalilito at naguguluhan sa awra ng kanyang hitsura.

---***---

Nagulat ang nga taong nasa loob ng kuwarto nang biglang pumasok ang magbabarkada. Bumungad sa kanila ang dalawang katawan na nakahiga sa isang malapad na bakal na kapwa nakatakip ng kulay asul na tela.

Agad na lumapit si Jake. Kumakabog ang dibdib niyang inalis ang pagkakatakip sa mukha ng lalaking nasa kaliwang banda.
Kusa na lang pumatak ang mga luha niya nang mamukhaan ito.

Tila nakaramdam pa siya ng matulis na bagay na animo'y tumusok sa kanyang puso nang mapansin ang mga butas sa bandang noo ng kaibigan. Halos mabiyak ang kanang parte ng ulo nito.

"Brad!!!" Napayakap pa siya rito at nagsimula na ring mapahagulgol.

Magkaibigan sila nang matalik ni Mike. Ito ang madalas niyang nakakasundo sa maraming bagay kahit saan man sila mapunta. Kaya ngayon, hindi niya matanggap ang nangyari dito. Sadyang kalunos-lunos. Habang nagdurusa ay muling nagbalik ang lahat ng alaalang kasama niya pa ito. Kasabay ng pagluluksa ay ang mga katanungang nagsusumiksik sa utak niya. Bakit? Bakit kailangang mangyari ito. Parang kapatid na ang turing niya kay Mike, sa tuwing may problema siya sa pamilya, mas madalas pa niya itong nakakausap kumpara kina Hans. Pero ngayon, mukhang kailangan na lang talaga niyang tanggapin na ang lahat ng pinagsamahan nila ay mananatili na lang talagang alaalang matatanaw na lang sa nakaraan.

Mayamaya pa, naramdaman na lang niyang may humawak sa balikat niya. Niyakap siya nito habang hinahagod ang likod.

"Jake," ani Rayne habang pilit na pinalalakas ang loob ng binata.

DominoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon