Chapter 51

563 43 37
                                    


Dumagsa ang mga kapitbahay, kaibigan at dating kaklase sa unang gabi ng burol ni Maia. Dakong alas-nuebe na ng gabi nang makarating ang magbabarkada sa lugar kung saan pinaglalamayan ang kanilang kaibigan. Hindi kasi naging maganda ang pakiramdam ni Patty kaya hindi sila nakarating nang maaga. Pagdating nila sa burulan, tila bumaha na naman ng luha. Sabay-sabay silang napaiyak habang pinagmamasdan ang nakapikit na kaibigan na nakalagay sa tiyan ang kamay.

Dala nila ang kani-kanilang pusa. Nahihiya man ay kailangan pa rin nilang sundin ang sinabi n Jake upang makaligtas sila sa pag-atake ni Domino.

Pagkatapos dungawin si Maia sa kabaong, magkakasama sa iisang lamesa ang magkakaibigan. Hindi na bago ang ganitong eksena para sa kanila. Ganitong-ganito rin ang tagpo noong magpunta sila sa mga labi ni Mike at Jenny.

Tahimik at medyo maaliwalas ngayon. Walang maririnig na iyakan sa halip, makikita lang sa isang sulok ang mga magulang ni Maia na walang imik.

Sa kalagitnaan ng nakabibinging katahimikan ay biglang nag-vibrate ang cellphone ni Jake. Palihim niyang tiningnan sa ilalim ng lamesa kung sino ang nagpadala ng mensahe sa kanya.

"Ow shit..." Napalingon sa kanya ang tatlo nang marinig ang kanyang sinabi.

"Jake, bakit?" nangangambang tanong ni Hans.

Mabilis na sinuyod ng tingin ni Jake ang paligid.

"Ano bang problema?" nag-aalalang tanong din ni Patty habang naguguluhan naman si Rayne.

"We need to go," ani Jake.

"Pero kararating lang natin. Nakakahiya sa pamilya ni Maia," sabi ni Hans.

"This." Inilapag ni Jake ang kanyang cellphone sa gitna ng lamesa. Agad namang inilapit ng tatlo ang kani-kanilang mukha para tingnan kung ano ang mayroon doon.

Napatakip na lang ng bibig si Rayne nang mabasa nila ang katagang...

"I'm watching you."
ーDomino

Napahimas sa sariling braso si Patty at ilang beses na napapalunok.

"P-pero, safe naman tayo rito, 'di ba? Ang daming tao, o," pangangatuwiran ni Hans.

"Hindi tayo safe kapag nandiyan lang siya sa paligid. Baka mamaya niyan paulanan tayo ng bala rito," gigil ngunit pabulong na buwelta ni Jake.

May punto naman si Jake. Sa mga nagdaang kaganapan ay batid nilang hindi basta-basta si Domino. Posibleng gawin nito ang bagay na naiisip pa lang nila.

"Rayne, ikaw na ang magpaalam sa parents ni Maia. Go!" Tumango na lang si Rayne na dali-daling tumayo at lumapit sa mga magulang ni Maia sa gilid.

Lumabas na ang tatlo ng burulan hawak pa rin ang mga pusa. Ilang saglit lang, sumunod na rin si Rayne sa kanila.

"Ano?" ani Hans.

"Okay na," sagot ni Rayne sabay inayos ang pagkakabuhat sa pusang dala niya.

"Huwag na huwag ninyong bibitawan ang mga pusa," muling paalala ni Jake.

"Kinakabahan na naman ako!" Napahawak na lang si Patty sa kamay ni Hans sa sobrang takot.

"Nandito ako. Huwag ka mag-alala." Sabay ngiti.

Mayamaya lang ay may dumaan nang tricycle at agad din naman nila itong pinara. Nagpasya si Jake na sa likod ng driver sumakay samantalang sa loob naman ang tatlo.

"Manong, sa labasan lang. Sa sakayan," sabi ni Jake sa driver sabay abot ng singkwenta pesos.

Pinaandar na ang tricycle. Habang tinatahak nila ang daan patungo sa kanto ay nagmamasid si Jake sa kanilang nadadaanan. Marami-rami pa ang tao sa paligid dahil hindi pa naman gano'n kalalim ang gabi.

DominoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon