Chapter 1

4.1K 127 69
                                        

Kanina pa nag-iinit ang puwet ni Jake dahil sa sobrang traffic habang walang ganang nakatingin sa bintana ng van niya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kanina pa nag-iinit ang puwet ni Jake dahil sa sobrang traffic habang walang ganang nakatingin sa bintana ng van niya. Makailang beses na rin siyang nagbusina para paabantehin ang taxi na kanina pa nasa harapan, ngunit kahit anong gawin niya ay kaunting pag-usad lang ang nangyayari. Maghintay at mainip. Iyan na lang talaga ang kalalabasan ngayon. Kung puwede lang niyang paliparin ang van edi sana hindi siya biktima ng mala-sampung dekadang traffic ngayon.

"Bullshit! Kanina pa tayo rito, a!" Halata ang inis sa tinig ni Jake at hinampas pa niya ng kamay ang manebela.

"Mukha kang tanga diyan. Parang hindi ka na nasanay, a. Ikaw

lang ba affected? Kami rin kaya," ani Rayne na katabi ng binata sa frontseat.

"Dude, easy lang. Kami man ay naba-badtrip na rin," sabat ni Hans sa likod.

"Magse-seven na, o! E, seven din magsisimula ang party!" buwelta ni Jake.

"Bakit? Ipa-firing squad ba ang male-late?" sarkastiko namang sabi ni Maia.

"Kalma, Okay? Itigil mo na 'yang kapapalo mo sa manebela at 'yang kabubusina mo. Baka mamaya niyan, biglang mainis 'yong driver ng taxi at awayin pa tayo." Hinawakan pa ni Rayne ang braso ni Jake para pigilan ang nag-aalburuto nitong kalooban.

"Edi mainis siya! Kapag ganitong badtrip ako gusto ko ng kasuntukan!"

"Ang ingay mo naman." Hindi na nila namalayan na nagising na pala si Patty na kanina lang ay nakangangang natutulog sa balikat ni Hans.

"Bakit ba kasi nagmamadali ka?" tanong ni Rayne.

Salubong pa rin ang kilay ni Jake na iisipin mong isang asar na lang ay magta-transform na bilang halimaw.

"Bakit din ba dito ka sa frontseat umupo? Gusto mo talagang malapit ka sa 'kin, 'no? Crush mo ba ko?" Hindi iyon biro. Isa iyong normal na pagyayabang kay Jake. Oo nga naman, bakit ba kasi kinailangan pang sa frontseat umupo itong si Rayne kung maluwag naman sa likuran.

"E, dito ko naisipan, e. Bakit ba? Choosy ka pa? May katabi kang diyosa," buwelta ng dalaga. Kasunod nito ay ang pangangantiyaw ng tatlong nasa likod nila.

"Minsan talaga, okay lang ma-traffic," sabi ni Hans kay Maia at Patty.

"Kasi nga..." ani Patty.

"May nabubuong nakakadiring lovestory," dugtong pa ni Maia.

Magkahalong tawa at pilit na pagtili ang maririnig sa loob ng van. Pero walang pakialam si Jake doon. Hindi siya madi-distract ng panunukso ng mga ito. Tanging ang traffic lang talaga ang nakapupukaw ng pansin niya ngayon. Isa pa, wala rin naman siyang pakialam kay Rayne. Ni kahit kailan ay hindi siya nagkaroon ng kahit isang porsyentong pagtingin dito. 

Atat na atat na siyang makausad at makaalis sa kinalalagyan nila ngayon dahil gusto na niyang masilayan ang dalagang halos tatlong buwan na niyang nililigawan. At iyon ay si Jona na nagdiriwang ng kaarawan ngayon.

"Ano ba kasing nakita mo kay Jona na wala kay Rayne? Tagal na nating magbabarkada hindi ka man lang naakit sa kagandahan ng girlash na 'yan," wika ni Patty kay Jake.

"Tumigil nga kayo," awat ni Rayne sa tatlo kahit halata namang kinikilig siya.

Tama. Humahanga rin naman itong si Rayne sa binata. Guwapo at makisig naman kasi itong si Jake kaya hindi maiwasan ng dalaga na pagpantasyahan ito, pasikreto nga lang dahil alam niyang malabo namang maging sila.

"Mabait si Rayne, si Jona, malandi. At alam n'yo naman kung anong klaseng lalaki ako at anong klase ng babae ang tipo ko." Biglang huminahon ang tinig ni Jake. Hindi naman malaman ni Rayne kung matutuwa ba siya sa pagpuri nito o malulungkot dahil sa katotohanang hindi nga siya ang gusto ni Jake.

"Gusto mo magmahal ng malandi?" tanong ni Hans.

"Never akong nagmahal ng babae."

Hindi nakuha ng apat ang sinabi nito. Kung hindi naman pala niya mahal si Jona, bakit pa siya nagsasayang ng oras sa babaeng iyon?

Ilang sandali pa, magkakasunod na namang bumusina si Jake. Kita sa mukha nito ang labis na inis na kulang na lang ay lumabas sa van at gayahin si Hulk tapos ibalibag ang mga kotse.

Naalarma ang mga kaibigan niya nang makita sa labas na may isang lalaking may panyo sa balikat ang papalapit sa kanila. Dinuduro-duro pa ng lalaki ang puwesto kung saan naroon si Jake.

"OMG! Jake! 'Yan na nga ba ang sinasabi ko, e!" ani Rayne na natataranta.

Nang makalapit ang lalaki ay agad nitong kinatok-katok ang bintana ni Jake. Galit na galit at base sa galaw nito'y nais nitong hamunin ng suntukan ang binata.

"Gago 'to, a." Agad na lumabas si Jake at hinarap ang lalaking nakasarado na ang mga kamao.

"Anong problema mo? Kanina ka pa busina nang busina, a! Hindi mo ba nakikitang traffic?"

"Anong pakialam mo?" pabalang na sagot ni Jake.

"Gusto mo magsuntukan na lang tayo rito, e!"

Akmang susuntikin na ng lalaki si Jake nang humarang si Rayne sa harap nito. Mabuti na lamang at agad na naawat ang dalawa dahil kung hindi, paniguradong dehado si Jake sa laban. Matangkad kasi ang lalaki at medyo mas malaki nang kaunti ang katawan kay Jake.

Inawat naman ni Hans si Jake samantalang si Patty at Maia ay naiwan sa loob ng van na napapailing.

"Loko 'yang kasama n'yo, e! Pagsabihan n'yo 'yan, a. Baka mapatay ko 'yan!"

"Sorry, Kuya. Please, tama na po," ani Rayne sa lalaki. Mukhang kumalma naman ito nang bahagya.

"Dude, ano ba 'to? Gagawa ka pa ng gulo, e. Paano kung may baril 'yan?" Sapilitang dinala ni Hans si Jake sa likod ng van para kausapin.

Tila nagkaroon naman ng libangan ang ilang motorista at pasahero dahil sa nagaganap. May ilan pa ngang kinukunan ng video ang iskandalosong eksena nila.

"Sorry po talaga. Sorry, Kuya." Ilang ulit na humingi ng paumanhin si Rayne sa lalaki, naging epektibo naman nang muli itong bumalik sa taxi.

"Pasalamat 'yang kaibigan n'yo nagbabagong buhay na ko!" pahabol ng lalaki bago pumasok sa sariling sasakyan.

Napabuntong-hininga na lang si Rayne.

DominoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon