Chapter 5

1.1K 72 14
                                    


Nagkalat ang mga basag na pinggan sa sahig, maging ang flat-screen tv na nakakabit sa pader ay nawasak din

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nagkalat ang mga basag na pinggan sa sahig, maging ang flat-screen tv na nakakabit sa pader ay nawasak din. Madaratnan din ang mga gadgets na nasa lapag na sa unang tingin pa lang ay maaari nang sabihing hindi na mapakikinabangan pa ang mga iyon.

Iyan ang eksaktong naglalarawan sa kuwartong tila binagyo ng galit ni Jenny.

"Ano?! Tang ina ka! Mas masarap ba sa 'kin si Jona? Ano bang flavor niya? Lahat naman binibigay ko pero bakit kailangan mo pang gawin sa 'kin 'yon!" Poot at galit ang nangingibabaw sa tinig ng dalaga habang pilit na itinataboy ang nobyong si Mike.

"Babe, sorry! Please! Isa pang pagkakataon, itatama ko ang lahat. Lasing ako no'n nang mangyari 'yon. Wala akong alam," paliwanag ni Mike sa nobya.

"Walang alam? Mike, hindi ako bobo! Tatlong beses mo na akong pinagmumukhang mangmang! Akala ko magbabago ka na pero hindi pa rin pala! Tang ina mo umalis ka na rito! Baka mapatay pa kita!" Buong puwersang itinulak ni Jenny si Mike palabas ng condo unit niya.

"Babe, please!"

"Kakarmahin din kayo!" Agad na sinarado ni Jenny ang pinto.

Napasandal na lang siya sa likod ng pintuan. Kasabay ng paghabol niya ng hininga ay ang muling pagbagsak ng mga luha. Pagod na pagod na siya, sukdulan na ang sakit na ibinibigay sa kanya ni Mike. Sa pangatlong beses na pagtataksil niya naramdaman ang kirot na naipon. Kaya niya naman tiisin noon, pero mukhang bumigay na ang pundasyon ng katangahan niya ngayon. Wala na ang pagmamahal, wala na siyang nadarama. Ang dahilan ng pagluha niya ngayon ay tanging pagkasuklam na lang.

Nagsarado ang mga kamao ni Jenny, nanginginig at tila may gustong padapuan.

"Mga hampas-lupa kayo!!!" sigaw niya.

Halos iuntog niya ang ulo sa pader, hindi na niya alam ang gagawin. Walang ibang pumapasok sa utak niya kundi ang iparanas din kay Jona at Mike ang nararamdaman niya ngayon. Kaunti na lang, kaunting bulong pa ng demonyo sa kanya... siguradong may magagawa siyang kakaiba.

Hanggang sa sumapit ang kinagabihan, wala siyang ibang ginawa kundi ang magdusa kasama ng ilang bote ng alak na nakaimbak lang noon sa refrigirator niya.

Hilong-hilo na siya subalit paulit-ulit pa ring umuukit sa kokote niya na nagawa siyang lokohin ulit ni Mike, bagay na sinubukan na niyang kalimutan noon dahil nangako ang binata na ibabalik niya ang lahat sa dati. Ngunit, sa halip na maitawid ang mga nakaraang pagkakamali, mas lalo pa itong bumaluktot nang mas maging malapit sa isa't isa si Mike at Jona.

Senior high school pa lang sila, alam na ni Jenny na may taglay na kalandian si Jona kaya noon pa lang ay pinipilit niyang ilayo ang nobyo sa dalaga. Sa tuwing may gimik ang barkada, madalas na hindi sumasama ang magkasintahan. Batid kasi ni Jenny na may ibang higad na didikit sa nobyo niya. Kung bakit ba naman kasi nakasama pa sa circle of friends nila si Jona, sa lahat ng kaklase nila noon, ito lang talaga ang kakaiba. At hanggang ngayong nasa kolehiyo na sila, mukhang mas naging malala pa ang kakatihan ni Jona.

Hindi lang naman si Jenny ang buwisit na buwisit, marami pang iba. Karamihan kasi sa dinidikitan nitong si Jona ay 'yong may mga girlfriend pa. Wala lang, gusto niya lang dahil pakiramdam niya, nagkakaroon ng thrill ang buhay niya.

Sandaling napahinto si Jenny nang umilaw ang cellphone niya na nakapatong sa lamesa. Papikit-pikit niyang binasa kung sino ang tumatawag.

"Nyi-kaw n-na na-naman," halos mabulol-bulol na sabi ni Jenny nang malamang si Jake ang tumatawag.

Subalit, hindi niya pinansin iyon. Hinayaan niya lang na tumunog nang tumunog ang cellphone niya at patuloy na lumagok ng alak.

Hindi siya maaaring gambalain sa mga oras na ito. Ang gusto niya lang ay ang ilabas ang sama ng loob at ibuhos ang lahat ng galit.

Show more reactions

DominoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon