Chapter 35

631 40 15
                                    


Bago matapos ang trabaho sa istasyon, nagkayayaan ang mga detective na kumain sa paborito nilang karindirya na noon pa man ay madalas nilang puntahan o kaya bilhan ng mga lutong-bahay.
Katulad ng nakaugalian, pumuwesto sila sa pinakadulong lamesa.

Tahimik at ramdam ang payapa sa karindirya na ito. Hindi ito katulad ng ibang karindirya na maingay at halos wala
kang ibang maririnig kundi ang mga sumisigaw na customer. Dito kasi ay kusa kang lalapitan ng mga nagse-serve, at kapag may kailangan ka pang iba o nais pang idagdag, patutunugin mo lang ang maliit na bell na nakapatong sa lamesa. Puwede na nga rin ito tawaging restaurant na makikita sa mga kalye ng Makati, pero dahil mura ang mga pagkain at nasa simpleng lugar lang ito dito sa Maynila, nananatili itong karindirya sa paniniwala ng mga taong nagpupunta rito.

"Ano nang plano natin, Domingo?" basag ni Kalaw sa katahimikan.

Napatingin si Mr. Domingo sa mga kasama.

"Lahat ng sinayang nating effort nauwi lang sa wala. Mali tayo ng diniin," dagdag pa ni Mendes.

"Kasalanan ko. Sa ngayon, nag-iisip pa ako ng paraan. Alam n'yo naman na mahirap makakuha ng lead lalo na kapag hindi pa natin alam ang motibo sa krimen," sagot ni Mr. Domingo.

"Ang pinanghahawakan lang natin sa ngayon ay ang mga ebidensya. Pati 'yong report ni Mendes tungkol sa posibleng pagkatao ni Domino," sawsaw naman ni Careon.

"Makatutulong ang profiling ni Mendes. Naisip ko rin ang mga bagay na 'yon," ani Mr. Domingo na itinukod pa ang magkabilang siko sa lamesa. "sa nakikita ko, mukhang may malaking problema si Domino sa sarili niya, may mga pagkakataon na okay siya at may mga pagkakataong hindi naman," dagdag pa nito.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong naman ni Kalaw.

"Kung may phobia siya sa pusa, marahil ay may mga pagkakataong napapraning siya kapag nakakakita siya ng pusa. Base sa pagsasaliksik ko, may mga taong nade-depress, nagwawala at sumasakit ang ulo kapag nakaka-engkwentro nila ang mga kinatatakutan nila. So, kailangan natin i-grab ang mga pagkakataon kung kailan siya mahina, ang problema natin ngayon, paano natin makukuha ang pagkakataon na 'yon kung hindi natin alam kung kailan siya lumalabas o nagpapakita," paliwanag ni Mr. Domingo. Napahawak naman sa baba si Mendes at saka tila may naisip na ideya.

"Sa gabi. Base rin sa pag-aaral ko tungkol sa kanya, gabi lang siya nagpapakita bilang si Domino, siguro sa gabi lang siya may oras para pumatay, kasi kung kaya niyang pumatay anytime, magagawa niya 'yon nang maaga kahit pa palihim lang. Ang isa pa sa dapat nating pagtuunan ngayon ay kung sino siya sa umaga. Pero alam nating hindi iyon gano'n kadali dahil wala pa tayong lead," ani Mendes sa mga kasamahang napapatango.

Bahagya namang namilog ang mata ni Mr. Domingo sa mga detalyeng idanagdag ni Mendes.

"Organize at planado kung magtrabaho si Domino. Sa tingin ko, sanay na siyang pumatay at matagal na niya itong ginagawa." Napatitig pa si Mr. Domingo kay Mendes na nakatingin din naman sa kanya.

"Meron din siyang ugali na iba ang pagtrato niya sa babae at lalaki. Kung mapapansin n'yo, namatay ang dalawang babaeng biktima gamit ang patalim, may pagsuntok din sa sikmura. Samantalang 'yong nag-iisang lalaki, namatay sa baril, kapag may biniktima ulit siyang lalaki gamit ang mga bala ng baril, tama itong naiisip ko." Napatingin na lang si Mendes sa babaeng paparating na may dalang tray. Napadako rin ang tingin ng tatlo doon na dahilan kung bakit sandaling huminto ang kanilang pag-uusap.

"Ayan na!" wika ni Kalaw habang pinagkikiskisan ang magkabilang palad na tanda ng pagkasabik.

Isa-isang inilapag ng babae ang mga platito. Kagaya ng dati, gano'n pa rin ang order nila. Adobong baboy, Sisig, Bicol Express, Dinuguan, Minudong may kaunting bahid ng anghang, Dinakdakang baboy, Kaldereta, Litsong Kawali at ang pinakapaborito ni Careon; ang Ampalaya with egg.

DominoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon