Chapter 45

583 39 12
                                    


Hindi na naabutan ni Jake at Mendes ang van na kanilang hinahabol. Minabuti ni Mendes na tawagan si Chief Lagman kanina upang i-report ang nangyari.

"Dumudugo ang sugat mo," sabi ni Jake sabay turo sa balikat ni Mendes.

"Malayo 'yan sa bituka," sagot nito at binaliwala lang ang kirot na nadarama.

"Pasensya na, kasalanan ko kung bakit hindi natin naabutan si Domino," ani Jake at muling tumingin sa kalsada.

"Hayaan mo na, kasalanan ko rin naman kasi ikaw ang pinag-drive ko." Ngumisi pa si Mendes kay Jake.

Habang nagmamaneho, biglang sumagi sa isipan ni Jake ang mga kaibigan na naiwan niya. Agad niyang kinuha sa bulsa ang kanyang cellphone para tawagan si Hans.

Napabuntong-hininga pa siya bago marinig ang tinig ng kaibigan.

"Hello, Jake? A-ano? N-nahabol mo ba? Ano nangyari?" bungad ni Hans. Tumingin muna si Jake kay Mendes bago tuluyang tumugon.

"Badtrip, e. Hindi namin nahabol," sabi niya.

"O-okay, teka? Ayos ka lang ba diyan? Nasaan ka?"

"Huwag n'yo ko intindihin, kasama ko si Detective Mendes."

"Mabuti naman."

"Kayo? Kumusta kayo diyan?"

"Nandito pa rin kami."

"Hans, mag-iingat kayo, huwag mong iiwan 'yong dalawang babae, lalo na si... Rayne."

"Oo, Bro. Ako bahala sa kanila."

"Sige, ikaw na rin ang bahala magsabi sa mga magulang ni Maia." Muling gumulong sa damdamin ni Jake ang lungkot.

Pinutol na ni Jake ang pag-uusap na iyon at muling itinuon ang atensyon sa pagmamaneho.

"Mga kaibigan mo?" biglang tanong ni Mendes sabay suksok ng baril sa tagiliran. Tumango lang si Jake dito. "alam ko ang pakiramdam nang mawalan ng kaibigan."

"Sana nga matuldukan na 'to, marami na ang nawala at nabiktima ng hayop na si Domino," ani Jake sabay kabig ng manebela.

"Magtulungan tayo para sa mga kaibigan natin." Nagpakita si Mendes ng isang pilit na ngiti.

Hindi lang naman si Jake ang may pinagdaraanan, maging si Mendes din. Pinipilit lang niyang maging matatag para sa mga inituring na niyang kapatid. Katuwiran niya, hindi rin naman makatutulong kung magdadrama lang siya at walang gagawing paraan. Kailangan niyang ipagpatuloy ang kanilang nasimulan kahit pa pinutol na ito ng kanilang Chief. Kailangan niya pa ng mas maraming impormasyon at ebidensya.

Ebidensya...

"Tama..."

Nagtatakang tumingin sa kanya si Jake. Dinukot niya ang cellphone at dali-daling nagtungo sa gallery.

Mula roon ay nakita niya ang larawan ng biktimang si Maia na nakahiga sa lupa. Nang i-slide niya pa ang daliri pakaliwa ay tumambad naman sa kanya ang isa pang anggulo. Pero, mayroon siyang napuna roon. Nagpasya siyang i-zoom ang larawan para mas makita nang malinaw ang foot print na nasa crime scene.

"Sandali..." bulong niya habang palingon-lingon lang sa kanya si Jake.

"Foot print sa CR, tsaka 'yong foot print dito, pareho..."

"Teka... ano ba 'yang sinasabi mo?"

Hindi nagkakamali si Mendes. Hawig na hawig ang mga bakas ng paa na nakikita niya sa larawan at ang mga bakas na nakita niya naman sa CR ng kanilang istasyon.

"May nakita akong bakas ng paa sa CR ng istasyon namin, at 'yong mga bakas ng paa na 'yon ay katulad ng nasa crime scene kanina, ibig-sabihin... nakapasok na ng istasyon namin si Domino?" paliwanag ni Mendes habang magkasalubong ang kilay.

"Ibig mo bang sabihin..."

"Morales..."

"S-sino si Morales?" nagtatakang tanong ni Jake.

"Siya 'yong nag-iisang may galit at inggit kay Domingo!" nanlalaking matang sagot ni Mendes.

"Siya si Domino?"

"E-ewan ko! Kailangan kong makumpirma 'yon kaya iliko mo diyan! Pupunta tayo ng istasyon namin, bilis!"

"Kung siya nga, anong kasalanan sa kanya ng mga kaibigan ko?"

"Hindi ko pa alam! Basta kailangan nating makasiguro! Bilisan mo!"

Mabilis na pinihit ni Jake ang manebela.

Desperado na kung desperado, ganito na ang lumalamon sa sistema ni Mendes ngayon. Anumang ideya o katibayan ay talagang pinapatos na niya. Gusto niyang makamit ang hustisya, para kay Careon at Kalaw na paglalamayan na mamayang gabi, at para na rin kay Mr. Domingo na hanggang ngayon ay hindi pa nahahanap.

Humarurot ng takbo ang sinasakyan ng dalawa. At dahil hindi naman kalayuan ang istasyon ay mabilis silang nakarating doon.

Pagkatapos iparada ang kotse sa gilid ay nagmamadaling lumabas ng sasakyan si Mendes. Hindi alintana ang nagdurugong balikat at saka tumakbo papasok ng istasyon. Nagulat pa nga sa kanya ang mga pulis na nakasalubong niya sa hallway dahil akala ng mga ito ay may nakaengkwentro na naman siya.

Nang makarating sa tapat ng kanilang section, padabog niyang binuksan ang pinto. Naabutan niya sina Lia at ang taong kanyang hinahanap.

Nagtama ang tingin nila ni Morales nang pukulan niya ito ng tingin.

"Mendes?" pagtataka ni Lia dahil buong akala nito ay nagpapahinga siya.

Hindi iyon pinansin ni Mendes sa halip ay walang pakundangang lumapit sa nakaupong si Morales.
Sapilitan niyang inaalis ang sapatos sa paa nito.

"A-ano bang problema mo!" galit na sabi ni Morales at saka iniwas ang paa.

Gulong-gulo ang mga taong nasa loob ng kanilang section. Hindi nila maintindihan kung ano ang ginagawa ni Mendes gayong dapat ay wala ito rito.

"Mendes? Anong ginagawa mo?" naguguluhang tanong ni Lia sa kanya habang nakatingin sa balikat niya.

"Foot print, Lia. Foot print," tugon nito.

DominoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon