Chapter 18

725 47 5
                                    


Binabasa ni Mr. Domingo ang mga papel na naglalaman ng mga impormasyon tungkol sa biktimang si Jonalyn Thera Alcantara. Habang nasa sariling cubicle, naririnig na naman niya ang tawanan ng grupo ni Mr. Morales. Batid niyang siya na naman ang topic ng mga ito kahit hindi man nababanggit ang pangalan niya. Gawain kasi ng mga iyon ang magparinig nang magparinig.

Hindi na lang niya iyon pinansin. Ipagpapatuloy na lang niya sana ang pagbabasa nang may magsalitang babae.

"Pabayaan mo na lang sila, inggit lang 'yon sa 'yo." Inangat ni Mr. Domingo ang tingin. Si Detective Lia Valdez pala.

"Bumalik ka na ro'n, Lia. Dapat nandoon ka sa team mo, baka magalit sila sa 'yo," tugon niya at muling itinuon ang atensyon sa binabasa.

"Ayaw mo ba ko kausap?" tanong nito.

"Hindi naman, ayaw ko lang na pinagagalitan ka nila dahil mas close mo pa ang ibang team leader kaysa sa team leader ninyo," sabi ni Mr. Domingo na hindi man lang tiningnan ang dalaga.

"E, alam mo namang mas better at mas matino kang lalaki kaysa sa kanya, 'di ba? So, paano ako makakatiis sa kanya?"

Sandaling binitiwan ni Mr. Domingo ang mga papel.

"Lia, look, habang nagiging close tayo, lalo siyang naiinis. Baka sa susunod na araw nito pati ikaw pagbuntungan na niya, nag-aalala lang ako sa 'yo."

Isang pag-irap muna ang isinukli sa kanya ni Lia.

"Okay, fine. Babalik na ko sa puwesto ko." Hindi na nakapagsalita si Mr. Domingo. Agad na umalis ang dalaga, napapakamot na lang siya sa ulo niya dahil doon.

Paupo na siya nang mag-ring ang cellphone niya.

"Hello, Mendes? Balita?" tanong niya.

"Negative, Domingo. Alas-nuebe pa raw kagabi nakaalis ng unit si Jenny Manawag base sa receptionist na ka-close din niya. Nakahingi ako ng CCTV footage. To follow na lang ang family background niya," saad ni Mendes sa kabilang linya.

Napahawak na lang sa noo si Mr. Domingo at isang malalim na paghinga ang pinakawalan.

"Okay, sige. kumalap ka pa ng impormasyon na makapagtuturo kung nasaan siya ngayon," aniya at agad na pinutol ang call.

Dahil sa nalaman niya, lalo lang siyang itinutulak sa ideyang may kinalaman nga talaga si Jenny Manawag sa krimen. Isang malaking katanungan sa kanya ang pag-alis ng babaeng iyon. Mas malaki ang tsansang umiiwas iyon kumpara sa anggulong nagkataon lang. Iyan ang umaandar ngayon sa utak ni Mr. Domingo.

Mayamaya lang, dumating na rin si Detective Careon na dala ang pinamiling pagkain, ito kasi ang nagprisinta na mamili sa labas para sa pananghalian ng team nila.

"Anong bago?" bungad ni Mr. Careon habang inilalapag ang mga plastic ng ulam at kanin sa table.

"Hindi na naabutan ni Mendes si Jenny Manawag. Kagabi pa raw umalis dakong alas-nuebe." Isinandal niya ang likod sa dingding ng cubicle niya.

"Kung gano'n, baka nga may kinalaman siya sa pagkamatay ng biktima."

"Malaki ang posibilidad na oo ang sagot sa tanong mo, kailangan na naman natin ng kongretong ebidensya," ani Mr. Domingo.

"Domingo!" Napalingon sila sa lalaking tumawag na nasa pinto.

"O, Kalaw? Ano? Nasaan na 'yong witness?" Hindi nito sinagot ang tanong ni Mr. Domingo bagkus ay tila sandaling mau kinausap sa labas.

Mayamaya lang, isang babae ang pumasok sa section nila. Kasama ito ni Detective Kalaw, ito na siguro ang sinasabing saksi sa krimen.

Napatayo si Mr. Domingo at pinagmasdan nang maigi ang babae.

DominoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon