Chapter 3

1.5K 76 24
                                    


Ilang sandali lang matapos maputol ang kung anuman ang namamagitan kay Jake at Jona, muling natauhan ang binata

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ilang sandali lang matapos maputol ang kung anuman ang namamagitan kay Jake at Jona, muling natauhan ang binata. Meron pa siyang isang problema.

Dinukot niyang muli ang cellphone sa bulsa at tinawagan ang isang taong pinangalanan niyang Santa. Iyon kasi ang hiniling na pangalan ng taong iyon.

Natataranta niyang itinapat ang cellphone sa kanang tainga niya. Katulad ng inaasahan, isang tinig ng babae ang narinig niya mula roon.

"Hello?" bungad ni Jake sa kabilang linya.

"Kumusta?" tugon sa kanya ng babae.

"B-bigo ako."

"So, alam mo na?" Nadagdagan ang pagkabahala ni Jake nang maramdaman ang binabalak ng kanyang kausap.

"S-sandali lang! Please! Bigyan mo pa ako ng isa pang pagkakataon! Parang-awa mo na!"

"Tingnan mo nga naman, ang babaerong maangas na anak ng konsehal ay nagmamakaawa na naman sa 'kin ngayon," mahinahon ngunit madarama ang pagiging sarkastiko sa tinig ng babae.

Tama. Anak si Jake ng isang konsehal na nagngangalang Rojelio Tolentino. Dahil sa katungkulan ng kanyang ama ay lumaki siyang tarantado, mayabang at higit sa lahat, playboy. Lahat ng gustuhin niya ay nakukuha niya nang madalian. Ngunit dahil sa isang pagkakamali lang, nagbago ang buhay niya. Ang dating lion sa kagubatan ay biglang naging kuting na walang kalaban-laban sa malaking aso. At sino nga ba ang maituturing niyang malaking aso na nagpapabagsak sa kanya? Walang iba kundi ang babaeng kausap niya ngayon.

"Please! Bigyan mo pa ako ng chance," pagsusumamo ni Jake.

Wala siyang ibang magagawa, sa ganitong sitwasyon, wala nang kuwenta sa kanya ang pride. Ang tanging iniisip niya ay ang magkaroon ng kahit isang porsyentong pag-asa.

"Sige, magbibigay ako ng extension, hanggang linggo. Kapag nabigo ka pa rin, good luck na lang." Tila nabuhay ang mga ugat ni Jake sa katawan. May kaunting sigla ngunit sumasapaw pa rin ang pangamba.

"Bakit mo ba ito ginagawa sa 'kin? Wala naman akong kasalanan sa 'yo," ani Jake.

"Dahil pare-pareho lang kayong mga lalaki."

"Peroー"

Hindi na naituloy ni Jake ang sasabihin nang putulin na ito ng babaeng nasa kabilang linya.

Napasabunot siya sa sarili niyang buhok. Para siyang mababaliw sa kaiisip kung ano pa ang paraan na maaaring makasalba sa kahihiyan.

Tinanaw niya ang mga taong nagkakasayahan sa loob ng bakuran ni Jona, nakaramdam siya ng inggit sa mga iyon. Buti pa sila, walang pinoproblema na katulad kay Jake. Buti pa sila, masaya lang, pero siya, gulong-gulo na sa mga nangyayari.

Hindi na niya tinangka pang pumasok sa loob, ayaw na niyang magpakita pa roon dahil baka lalo lang masira ang birthday part ni Jona. Gusto na muna niyang makapag-isip ng diskarte para muling magbalik ang loob sa kanya ng dalaga at nang sa gano'n ay magkaroon siyang muli ng pag-asang maging sila. Maging sila? Para saan ba talaga ang kagustuhan niyang maging nobya si Jona? Kung ano iyon, siya pa lang nakakaalam.

Dinukot na lang ni Jake ang susi ng van niya at agad na sumakay roon. Dali-dali niyang pinaandar ang sasakyan na hindi na inisip ang mga kaibigang maiiwan.

^~(**)~^

Nahinto ang kuwentuhan ng magbabarkada nang dumaan sa harap nila si Jona. Nakatakip ang kamay sa bibig at makikita rin ang mga matang nabasa ng tubig na nagmula roon. Nagkatinginan ang lahat. Nagtataka at nalilito.

"Anyare kay Jona?" tanong ni Patty na sandaling napahinto sa pagnguya.

"Gaga ka? Bakit kami tinatanong mo?" pabalang na sagot ni Maia.

"Masakit ngipin?" pagbibiro ni Hans habang nakahiga sa sofa.

"Hindi kaya nag-away sila ni Jake?" biglang tanong naman ni Rayne.

"Baka." Pinagpatuloy na ni Patty ang paglamon.

Bigla namang tumabi si Maia kay Rayne at tinitigan ang dalaga sa mapanuksong paraan.

"What?" ani Rayne.

"Worried ka? Ayiee, sinasaktan niya sarili niya." Kinilit pa ni Maia ang kaibigan sa tagiliran.

"Para kang shunga."

"Palibhasa, umaasa. Kaya nga kahit masakit, magtitiis kaysa ipilit," sabat ni Hans.

"Ewan ko sa inyo, lalabas nga muna ako." Tumayo si Rayne, agad naman siyang hinawakan ni Maia sa kanang kamay.

"Kunwari pa, pupuntahan mo lang si Jake, e."

"Sa pool lang ako," sagot ni Rayne.

Tinangal niya ang pagkakahawak ni Maia. Iniwan niya ang tatlo sa sala at mas piniling umiwas muna. Hindi na kasi siya natutuwa, habang tinutukso siya ng mga ito, lalo lang siyang nasasaktan at sinasampal ng katotohanan. Kung bakit ba kasi hindi siya kayang mahalin pabalik ni Jake, masaya sana siya araw-araw. Ang kaso, habambuhay na lang yatang pangarap iyon. Kitang-kita naman niya kung gaano kadesperadong mapasagot ng binata si Jona. Kaya kahit aminin pa niya ang nararamdaman niya, baka magmukha lang siyang tanga.

Tumambay si Rayne sa isang table na nakapuwesto sa gilid ng pool. Pinanonood niya ang mga bisitang kanina pa sinasabayan ng sayaw ang tugtog. Habang lumalalim ang gabi, lumalalim din ang mga iniisip niya.

"Bakit kasi si Jona pa? Ang landi-landi ng babaeng 'yon. Kapag playboy ba kailangang playgirl din ang partner?" Paulit-ulit na sumasagi ang mga linyang iyan sa isipan ni Rayne. Pero kahit na anong tanong pa ang maglaro sa utak niya, wala rin naman siyang nakukuhang sagot. Ang gulo, magkahalong pagka-bitter at pagkalito ang namumutawi sa kalooban niya. Masyado siyang naninibago sa mga kilos ni Jake. Hindi niya kailanman nakita ang binata na nag-aksaya ng oras para lang sa isang babae. Siya nga, hindi maihatid, tapos si Jona na kilalang makatiーhatid-sundo pa?

Napailing na lang si Rayne. Itinukod na lang niya ang siko sa lamesa at saka ipinatong ang baba sa palad.

"Walang pamalit diyan."

Nabasag ang pagmumuni ni Rayne nang may marinig siyang tinig ng lalaki.

"Ha?" nagtataka niyang tugon nang lingunin sa gilid ang lalaking palapit sa kanya.

"Nakapangalumbaba ka, five hundred 'yan, 'di ba?" Preskong sabi ng lalaki.

"A, okay."

"I'm Tyron, and you are?" Agad nitong inilahad ang kamay kay Rayne.

"Rayne," sagot ng dalaga at agad siyang nakipagkamay.

"Mag-isa ka lang?" tanong ni Tyron. Umupo pa ito sa tapat ni Rayne.

"No. May mga kasama ako."

"A, pero, mukha yatang malalim ang iniisip mo. Kanina pa kita tinitingnan."

"Wala 'yon."

Medyo nakakaramdam ng kaunting pagkairita si Rayne sa kausap niya. Feeling close kasi na akala mo'y sobrang tagal na nilang magkakilala.

"Puwede ka mag-share," ani Tyron.

"Thank you na lang. Ahm, mauna na ako. Babalik na ako sa mga kaibigan ko." Agad na tumayo si Rayne. Napanganga na lang si Tyron na mababakas ang pagkapahiya.

DominoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon