Brooooooooom!!!!! Broooooom!!!!!! Broooooooooom!!!!
Umagang-umaga, ingay galing sa tambutso ng motor agad ang maririnig sa tahanan ng mga Romano.
KEI: Ate! Pwede ba, kung aalis ka, sibat na!
Si Keizia Izabel a.k.a. Kei, ang bunso ng mga Romano. Nasa pangalawang palapag ito ng bahay, nakadungaw sa may balcony.
YANNI: Five minutes na lang.
Si Teana Izobel a.k.a. Yanni, ang panganay. Kasalukuyan nitong pinapainit ang makina ng kanyang Hero Karizma. Regalo niya ito galing sa kanyang Tita Erin, ang nag-iisa at old maid na sister ng kanyang ina.
KEI: (yamot) Naman e....Ma!!! (bababa at pupuntahan ang ina sa kusina)
ELLY: O, umagang-umaga, ang asim na agad ng mukha mo.
Si ELIANA, ang butihing ina ng dalawa.
KEI: Si ate kasi e! Pagsabihan niyo nga. Palagi na lang ganito, everyday na lang. Siya na nga nagsisilbing alarm clock ko sa weekdays e. Pati ba naman Sabado't Linggo? Sana naman ibalato na niya sa atin to. Pambihira! Imbes na diretso pa tulog ko.
ELLY: Hayaan mo na. Halika dito, maupo ka at ipaghahanda na lang kita ng breakfast para mawala yang init ng ulo mo.
KEI: Ma... (gusto pa sana nitong humirit)
ELLY: Sige na anak, maupo ka na.
Wala na ring magagawa si Kei kundi ang humila na lang ito ng isang upuan at doon mangangalumbaba sa may bilog na lamesa.
ELLY: Sasama ka ba sa akin ngayon sa shop?
KEI: (walang ganang sasagot, tila inaantok pa ring hihilig sa lamesa) Sorry, Ma, pero may tatapusin po kasi akong project para sa Monday.
ELLY: Ay, ganun ba? Sayang naman. Sabado ngayon. I'm sure madaming customers.
KEI: Ba't di na lang po kasi si ate ang isama niyo? Para ma-try din niya.
ELLY: Alam mo namang allergic ang ate mo sa mga ganun di ba?
KEI: Allergic? Sinanay niyo kasi.
ELLY: Kei...
KEI: Ma, pwede po bang itigil niyo na pagkunsinte niyo sa kanya? Babae po siya, yon ang totoo at di niya yon pwedeng ipagkaila.
ELLY: Anak, pag-aawayan na naman ba natin to?
KEI: Ma, sinasabi ko lang po ang totoo. Malalaki na po kami ni Ate. And sooner or later, magkakaroon na kami ng sari-sarili naming buhay, ng pamilya. Matitiis mo bang maging ganyan siya for the rest of her life?
Hindi agad makakasagot ang si Elly. Titigil ito sa ginagawa at uupo.
ELLY: (titingin sa kawalan, malungkot ang mga mata) Siguro nga kasalanan ko kung ba't nagkaganyan ang ate mo.
KEI: (mapapatitig sa ina, tila makokonsensyang mapapakamot sa ulo) Haist! Ma, di naman po yan ang ibig kong sabihin e. Tsaka it's not too late pa naman po para magbago pa siya or at least mapagbago natin siya. (lalapit ito sa ina at yayakapin) Sorry na...wag ka ng malungkot, please?
Twelve years old pa lang nun si Yanni at ten naman si Kei ng iwan sila ng kanilang ama. Sumama ito sa ibang babae. Hindi nila matanggap ang mga pangyayari especially ng kanilang ina. Kaya ganun na lamang ang galit ni Yanni sa ama nito. Kasabay ng pagtalikod ng papa nila ay ang pagtalikod din sa lahat ng mga responsibilidad nito sa kanilang mag-iina. Tanging ang Tita Erin nila ang umako lahat ng dapat ay para dito. Si Erin na handang ibigay lahat para sa kanyang kapatid at mga pamangkin. Sa kanilang dalawa ni Elly, mas nakaaangat ito sa estado sa buhay. Isa siyang shareholder sa isang malaking company na nakabase sa America. Simula't sapul pa hindi na ito boto sa kanilang ama. At nang makasal si Elly sa kanilang ama, hindi ito kinibo ng Tita Erin nila. Ngunit ng malaman nito ang pag-iwan sa kanilang mag-iina, hindi na ito nagdalawang isip pa na tulungan ang mga ito. Tutol nung una si Elly sa kagustuhan ng kanyang ate dahil sa kahihiyan, pero di naglaon, pumayag din ito alang-alang sa dalawang anak. Binigyan siya ng isang shop, pinag-aral niya si Yanni sa isang prestigious school, at ngayon naman, si Kei na nasa huling taon na niya sa college.

BINABASA MO ANG
My Kind of Girl
RomanceSabi nila, iba pag nagbiro ang tadhana. At kahit ilang detour pa ang gawin mo, kung siya na talaga ang nakatakda para sayo, doon at doon din ang destinasyon mo. Gaya nila Yanni at Gio. Enjoy reading guys. God bless everyone!