"What is the meaning of all this Ms.Cruz" inis na sabi ni Dean sakin pagkapasok na pagkapasok namin sa office nya.
Napakasakit na ng ulo ko
At hilong hilo sa mga nangyayare
Hindi ko maintindihan ang lahat ng sinasabi ng Dean ,
Maya maya ay nararamdaman ko ang pag hapdi ng sikmura ko
Marahil ay dahil sa pagpasok ko ng walang kain.
O baka dahil sa napadami ang inom ko kagabi .Nagsasalita pa si Dean nang napahawak ako sa bibig ko , dahil gusto kong pigilan ang pag suka .
Maya maya pa ay hindi ko na kinaya"Excuse maam" sabi ko at mabilis na lumabas sa office ng dean
Hindi ko na nagawa pang isara ang pinto dahil tumakbo na ako sa hallway at sumuka sa halamanan don
Sumuka ako nang puro tubig
Dahil nga sa wala naman akong kinain kaninang umaga.Nang matapos akong sumuka ay mabilis akong umayos sa pagkakatayo .
Nasapo ko ang noo ko dahil medyo hilo pa talaga ko.Lumingon ako sa likod ko at nakita kong naka cross arm si Dean at magkasalubong ang kilay.
Bigla akong kinabahan dahil sa awra nya na parang isang nanay na gusto na kong sabunutan.Itinuro nya ang office nya na parang bang nag uutos na pumasok ako ,
Saka ito pumasok .
Sumunod ako sakanya nang nakayuko"Are you pregnant Tj?" Mahina ang pagkakasabi nya pero bakas ang gigil sa tono nya.
"No po maam" mahina ang pag sagot ko pero nakayuko pa rin
Maya maya ay naglabas ng cell phone ang dean at may plinay na video,
Nakita ko ang sarili ko sa video .
Kagabi lang to .
Eto yung nagliligpit na yung mga kasama ko ng gamit at sinundo na sila ng L3 na pick up truck ,
At naiwan akong nag we'wave sakanla
Nagpahinga ako nang sandali dyan kaya pasuray suray akong naupo sa gilid ng barNatapos ang video at napatingin ako kay Dean
Lalong sumalubong ang kilay nya.
Naging sunod sunod naman ang pag lunok ko nagbubutil butil na rin ang pawis ko"I am so disappointed Tj!" Pigil ang galit na sabi ni Dean
"Maam i can explain everything po" naluluhang sabi ko
"Explain what!?, that your working at this club ! Explain that your pregnant thats why you dont participating our school's activities!!" This time di na napigil ng Dean ang galit nya .
Wala akong ibang nagawa kundi ang umiyak , iyak na lang ako ng iyak
"Tj i trusted you , you are my scholar for almost 3years . Kung kailan malapit ka nang makagraduate saka ka pa gumawa ng kalokohan" lumakad sya sa upuan nya at padabog na umupo .
Hawak hawak nya ang sintido nya na para bang stress na stress sakin"The faculty will discuss about this TJ , Me and the member of the faculty and the charity will talk about this if you can still have your scholarship" mahinahon na sabi nito
At tuluyan na nga akong humagulgol
Lumapit ako nang ilang hakbang sa mesa ng Dean
"Pero Maam. Kailangan na kailangan ko po kasi yung scholarship ko, kaya ko pong ipaliwanag lhat" pagpilit ko habang patuloy na umaagos ang mga luha ko"No buts, your suspended for 6 days . You may go now" sabi nito saka ako binigyan ng hand gesture na lumabas na nang office nya
Lumabas ako ng office at dumiretcho sa wash room ng school .
Todo ang naging pag iyak ko
Pakiramdam ko ay binagsakan na ko ng langit at lupa sa sunod sunod na naging problema ko .
Gusto ko nang magwala sa sobrang sakit ng nararamdaman ko .
Wala na din akong pakialam pa sa mga makakarinig sakin
Ilang minuto akong nagkulong sa CR ,Nang biglang tumawag si Anne
Inayos ko muna ang sarili ko bago ko sagutin ang cellphone"Hello anne?"
[Bakla andito yung sahod mo kagabi , galing kasi ko sa agency pinasabay na yung sayo]
"Ah sige, salamat ah"
[Daanan mo na lang dito after ng school mo]
"Punta na ko ngaun anjan ka ba sainyo?"
[Ha? Hindi ka pumasok? Osige punta ka na lang dito sa bahay]
Nag ayos ako ng sarili at nanalamin , nakita kong mugto ang mga mata .
Nag polbos ako ng kaunti at nag ayos ng buhok ,
Saka lumabas ng CR . At dumeretcho sa gate ng school ,
Sumakay ako ng jeep papunta sa bahay nila Anne .SA BAHAY NILA ANNE
"Pasok ka bakla" yaya nito sakin
Saglit syang napatitig sa mukha ko,
"Anyare sayo? Bat ganyan itchura mo?" Sunod sunod na tanong nya"Wala nagka problema lang" waoang ganang sagot ko
"Naku bakla ah , ang alam ko NBSB ka e bat mukhang broken ka jan" biro nya sakin sabay abot ng sobre na may lamang pera , eto yung sahod ko sa agency
Napatingin ako sa lamesa nya
Ang daming alak at chichirya
May kaha rin ng sigarilyo"Sinong kainuman mo?" Pag iiba ko ng topic
Nilingon nya rin yung lamesa nya bago sumagot"Wala nga e , hahaha birth day ko kasi maya maya pa darating yung mga kasamahan ko sa agency"
Tumango tango lang ako sakanya.
"Tara shot tayo wala ka naman pasok diba , samahan mo muna ko" sabi nya sabay hawak sa kamay ko.
Tatanggi pa sana ko ,
Dahil hindi naman ako pala inom na tao isa pa mabilis akong malasing.
Pero hinila na nya ko papalapit sa mesa"Sige na tj , birth day ko naman e. Minsan lang to sa isang taon hahaha" sabi nito .
Wala na kong nagawa kundi umupo na rin at nakipag inuman sakanyaNag one on one kami sa pag inom ng alak
Tama naman sya ,
Minsan lang sa isang taon ang pag bibirth day , kaya dapat ipaghanda . Ako lang ata yung hindi nag hahanda kapag birth day .
Ramdam ko na ang pamamanhid ng mukha ko at pag lambot ng mga tuhod ko . Isang hudyat na nalalasing na talaga ko .Kung sabagay. Kahit naman malasing ako o magpakalasing ako ngaun wala naman akong pasok ,
Wala ring raket .
Walang trabaho . Walang scholarship . Tanggal na rin ako sa pagiging president ng student council . At wala rin akong pambayad kay aling minda.
Wow lang diba . Lahat wala ,
Napaka swerte ko naman ata HAHAHA
Ang perfect naman ng buhay ko .Sa kalagitnaan ng pag mumuni muni ko ay nagdatingan na ang mga bisita ni Anne ,
Nakipag bonding ako ng sandali sakanila saka nagpaalam na uuwe na .
Lasing na rin ako kaya gusto ko na umuwe para makapag pahinga na .
Its a long tired day for me .Hindi ko na kaya pang mag jeep kaya pumara ako ng taxi ,
Tinignan ko yung oras sa cellphone ko
Dun ko lang na realize na maghapon pala ko kila Anne . Simula umaga hanggang alas singko ng hapon.
Pinipigilan ko ang sarili kong matulog kahit gustong gusto ko na .
Mahirap na baka kung saan pa ko dalhin ni manong driver .Nakauwe ako nang buo at ligtas .
Pagbaba ko ng taxi may nakita akong magarang kotse sa labas ng iskinita sa lugar namin .Pasuray suray akong naglakad papunta sa bahay ko .
Malabo ang paningin ko dahil sa kalasingan pero nakita kong may imahe ng isang matangkad na lalake sa tapat ng bahay ko
Nakapamulsa ito na nakatayo sa tapat ng pintuan ko ."At sino naman tong kurimaw na to? Ahente ng lupa?" Sabi ko sa sarili ko habang papalapit sakanya.
---
pa VOTE naman po :*
Salamat mga BE 😘
#CAYELoves 💚💜
---
YOU ARE READING
My Boss Is A Jerk
Romance"Yung best enemy mo naging Boss mo, what a Life diba, ang sarap mabuhay"?