Pagdating ko sa kwarto ay hinanap ko ang melt ko,
Nakakabadtrip talaga si Mommy
Kaya nga sinasabi at pinapaliwanag ko sakanya ay dahil gusto kong maayos ang nagawa kong gulo
Tumira ako ng melt para maging high,
Sa ganitong paraan ko lang talaga napipigilan yung pagkabadtrip ko,
Kapag gumagamit ako nito wala ng badtrip , lahat na lang masaya
Ramdam ko ang paniningkit ng mata ko,
Para ring may kusang isip ang mga labi ko at napapangiti ako ng kusa,
Napasobra yata ang gamit ko ah.
Umiikot na yata ang mundo ko, oh ako ang umiikot . Aah ewan, basta ang alam ko masaya lang .
Dahan dahan ang paglakad ko papunta ng higaan,
Kahit hindi ako inaantok ay nahiga muna ko pakiramdam ko kasi ay tutumba na ko
Nakatulala lang ako sa kisame may pa minsan minsan na natatawa ako kahit wala namang nakakatawa, sabog na talaga ako
Anastasia Pov
"Mommy ok lang po kayo?" Tanong ko kay mom alam kong hindi maganda ang pakikitungo sakanya ni Nite,
At palagi na lang silang nagkakairingan dito sa bahay
Napabuntong hininga muna ito bago sumagot
"Ewan ko ba sa kapatid mong yan, mabuti nga sayo kahit papano ay nakikinig samantalang saakin halos hindi na ako galangin"
Malungkot na sabi ni mommy
"Mom give him time, puro ganyan lang naman si Nite pero kahit papano makikinig at makikinig pa rin yan sainyo"
Pagpapalubag loob ko kay mommy
Isang malalim na buntong hininga na naman ang binitawan ni mom
"Siguro its about time para magtrabaho na si Nite sa company what do you think mom?"
"Mabuti pa ngat papasukin mo na lang sya at nang mabantayan mo na rin, simula nung makasama nya sila jayson ay madalas na syang wala dito sa bahay"
Pag sang ayon naman sakin ni mommy
"Good, kakausapin ko na lang sya. Sana ay mapapayag ko"
"Sana nga"
KiNABUKASAN
TJ Povs
Haist pano na kaya ako nito,
Dalawang araw na akong nakatengga dito sa bahay.
Siguro dapat na akong maghanap ng trabaho, yung pang part time lang.
Hindi parin ako nawawalan ng pag asang makakapasok pa ako sa school, kasi kung hindi naman ay balak ko na lang lumipat ng unibersidad at mag aral sa gabi habang nag full time ang trabaho sa umaga
Nag asikaso ako ng aking sarili upang maghanap ng trabaho,
Wala namang mawawala kung susubukan ko , wala rin naman akong magawa sa bahay
Palabas na ako ng iskinita ng makasalubong ko ang aking kahera
Balak ko na sanang bumalik sa loob ng bahay upang makaiwas
Hindi pa kasi ako bayad sa bahay , tanging tubig at kuryente lang ang nabayaran ko nang makaraket ako.
Pero mukang sobrang bagal ko talaga kumilos dahil narinig ko syang tinawag ang pangalan ko.
"TJ saan ang punta mo"
"Ahm, dyan lang ho , aling minda pasensya na po talaga ah pero baka madelay na naman po yung pagbayad ko ng upa ng bahay pero pinapangako ko po talaga na gagawan ko ng paraan para makabayad ako kaagad"
"Ano ba ka Tj, bayad na hindi ba?"
"Po? Panong--"
"Yung kasama mo dyan sa bahay kagabi, nobyo mo ba yon ? Ang kisig at ang ganda ng kanyang pangangatawan, at muka pang mapera" mahabang litanya nito
"A-ano pong ibig nyong sabihin"
"Hindi ba nya nabanggit sayo?. Binayaran ako nung nobyo mong yon, lahat ng utang mo sa upa at ibinalik nya ang nagamit mong advance at deposit parang wala nga lang sakanya na naglabas ng kinsemil kagabi"
YOU ARE READING
My Boss Is A Jerk
Romansa"Yung best enemy mo naging Boss mo, what a Life diba, ang sarap mabuhay"?
