CHAPTER.87

264 10 2
                                        


LUKE's Pov

Mahimbing ang tulog ni TJ,
Ang sarap nyang titigan.
Hindi ko pa rin maiwasan ang sarili ko na mahulog sakanya.

Lokohin at pilitin ko man ang sarili ko sa kakasabing si Aki ang gusto ko, si TJ pa rin talaga ang madalas na iniisip ko.

Pero ayoko na lang ipilit pa ang gusto ko, dahil natatakot akong baka layuan ako nang tuluyan ni TJ.

*bzzzzz* *bzzzzzzzz*
Agad kong kinuha ang cellphone ko dahil sa pag vibrate nito
Tumingin pa ako kay TJ bago tuluyang tumayo , lumabas ako ng kwarto bago ko sinagot ang tawag

"Hello?"

[Nasan ka na?. May practice tayo ngayon diba]

"May emergency kasi dito sa bahay eh, sorry ah"

[Ano??!!.. Alam mo na mang malapit na game natin!!]

"Magpapractice ako bukas, sige na bye na, Byeeee!"
Sabi ko at pinatayan na sya ng cellphone,
Inoff ko ang phone ko,
Dahil alam kong tatawagan ako ulit non,
Ang kulit talaga ng babaeng yon eh.

Bumaba ako para manuod ng TV,
Nakailang movie na ako nang lumapit saakin si Marco,

"Master, magpapahain na po ba ako ng pagkain?"

Napatingin naman ako sa relo ko.
Alas syiete na pala,
Bago tumango sakanya

"Ipapatawag ko na rin po ba si Maam TJ?"

"Hindi ako"
Sabi ko sabay tayo.

Dahan dahan kong sinilip si TJ,
Mahimbing pa rin itong natutulog.
Puyat na puyat ba to?.

Lumapit ako sakanya at umupo sa gilid ng kama,
"TJ??."
Niyugyog ko sya ng konte
"TJ... Kakain na tayo"

"Hhmmmm!, naman eh!"
Mahinang pagmamaktol nya,

Mukhang puyat nga,
Hindi ko na sya ginising . Hahayaan ko na lang syang magising ng kusa para kumain mamaya,

Lumabas ako para sabihin kay Marco na mamaya na lang kami kakain kapag gising na si TJ,
Bumalik ako sa kwarto at muling tinignan ang mahimbing na natutulog sa kama ko.

Tumabe ako sakanya,
Kahit marahan na lumulundo ang kama dahil sa pag panik ko ay hindi ito natitinag sa mahimbing na pagkakatulog.

Naglaro lang ako ng games sa cellphone ko at nakipag chat sa mga nagchachat sakin,
Busy si Aki dahil sa dami ng mga photoshoot nya,
Nagpapasama nga sya sakin pero sabi ko busy ako sa practice ng basketball.
Pero ito ako ngayon at nagbabantay sa tulog na tulog na si TJ,

Ilang oras pa ang lumipas at hindi ko namalayang nakatulog rin pala ako,
Nagising lang ako dahil sa pag galaw ni TJ sa gilid ko,

"Ay sorry, nagising ba kita?"

"San ka pupunta?"
Tanong ko

"Pupunta sana ko sa kitchen"

"Nagugutom ka na?"

"H-Hindi, kukuha lang ako ng tubig"

"Di ka ba nagugutom?"

"Hindi... Ay teka, anong oras na pala?"

"12:30am"

"HAH?!!!. Kanina pa pala ko natutulog?!, bat di moko ginising"

Natawa ko sa reaksyon nya
"I did, pero wala eh di ka magising"

"U-uuwe na ko Luke, sorry ah"

"Okay lang, kumain muna tayo. Sobrang gutom na ko kakahintay sayong magising"

My Boss Is A JerkWhere stories live. Discover now