CHAPTER.57

226 2 1
                                    

Nakarating kami sa bahay nang parehas tahimik.
Nilingon ko si TJ,
Huh?. Natutulog?.
Kaya naman pala tahimik eh.

Bumaba ako at umikot binuksan ko ang pinto at tinanggalan sya nang seat belt,
Nagising sya at nag kusot nang mata.

"Dito na pala tayo"
Sabi nya,
Parang nag aalangan pa syang kumilos.

"Buhatin kita"
Sabi ko,
Sabay ngiti

Nagsalubong naman ang kilay nya,
"Ayoko nga"
Sabi nito

"Buhatin na kita, hindi ka rin makakalakad nang maayos nyan sige na tayo na"
Hinila ko sya pababa nang kotse

Saka ito binuhat,
Papasok na sana kami nang sinalubong kami ni Marco,

"Master, okay lang po ba kayo?"
Tanong nito saakin.

"Oo, ipahanda mo yung bathtub sa taas, warm lang yung tubig"
Utos ko kay Marco

"Marco hindi na, o-okay na ako na lang--"
Pigil ni TJ kay Marco.
"--Luke ibaba mo na ko"
Baling nya sakin.

Nginitian ko lang ito saka inakyat sya sa taas.
Binuhat ko sya at dinala sa kwarto.
Si Marco ay nakasunod lang saamin

Binuksan ni Marco ang pinto nang kwarto ko dahil hindi ko ito magagawa ,
Buhat ko kasi si TJ.

Pagpasok sa kwarto ay iniwan na kami ni Marco,
Alam nang lahat na Off limits ang kwarto ko para sakanila,

"Luke ibaba mo na ko"
Sabi ni TJ saakin,

Ibinaba ko sya sa tapat nang bathroom,
Pagbaba na pagbaba nya ay mabilis ito pumasok sa loob at nagsara nang pinto,

Napangiti na lang ako dahil sa ginawa nya.
Hahaha ang cute eh,
Magbibihis ako kaya pumasok ako sa loob nang walk in closet ko,

Maya maya ay narinig kong tinatawag ako ni TJ sa kabilang kwarto.
Lumabas ako at nagpunta sa tapat nang bathroom,

"Bakit?"

"Mmh, p-pwede bang papuntahin mo dito si Antoneth"
Tanong nya.
Si Antoneth?. Bakit naman?.

"Ahm, TJ hindi kasi sila pwedeng pumasok sa kwarto ko , may ipapasabi ka ba sakanya ako na magsasabi"
Sabi ko

"A-Ah ano kasi eh, A-ano eh..."
Rinig ko namang pumapalantik pa sya at paulit ulit nang ano kasi..  ano eh.. At ano kasi.
Hmm, ano na naman kayang problema.

"TJ common , sabihin mo na. Wala namang ibang makakarinig sayo dito ako lang"

"W-wala kasi akong nabiling stock nang ....--"
She pause,
"-- nang N-napkin, B-baka meron syang extra"

Sabi nitong pautal utal pa,
Napalunok na lang ako sa sinabi nya
Geee'z
Natawa na lang ako sa isiping maghahagilap ako nang Napkin para sakanya.

"Okay sige , itatanong ko kung may extra sya"
Sabi ko at mabilis na bumaba.

Dumiretcho ako sa kitchen kung saan ay siesta time nila,
Meaning oras nang pahinga. Kadalasan kasi talaga sa ganitong oras ay wala naman ako dito at walang nag uutos sakanila.

"Antoneth"
Tawag ko dito.
Gulat naman itong napatingin saakin

"May extra ka bang ..."
I pause,



[ Krooo ]



[ Krooo ]



[ Krooo ]


( N/A : sounds effect po yan nang kapag yung character walang masabi 😊 yung rinig yung tunog nang ibon sa sobrang tahimik ~~ whaha, La lang gusto ko lang explain 😉✌)


My Boss Is A JerkWhere stories live. Discover now