CHAPTER.62

260 6 5
                                        


Pag gising ko ay deretcho ako labas ng kwarto para maligo.
Haist!!.
Gusto ko pa talaga matulog -____-💤
Sana bumalik na si Love,

Natigilan ako nang mapadaan ako sa sala,
Mula sa kinatatayuan ko kita ko ang maamong mukha ng babaeng kasama ko ngayon sa bahay.
Mugto ang mga mata nya.
Dahil ba sa tulog o dahil sa iyak nya kagabi.

Teka, wala bang balak gumising to?.
Diba dapat gumising na sya at maglinis nang bahay at magluto bago pumasok.
Ayos rin talaga ah.
Ano? Ako pa magluluto nang almusal para sakanya.
Pero kung sabagay.
Wala rin naman kasi syang lulutuin.
Wala naman akong stocks nang foods dito hindi rin kasi ako nagluluto palagi akong sa labas kumakain or sa office.

Dumiretcho ako sa bathroom,
At naligo, pagtapos ko ay nakita kong
Gising na sya at tinutupi nya yung kumot na ginamit nya.

Nanlaki ang mga mata nya nang makitang half naked ako at basang basa.
Bigla itong yumuko.

"Dont act like its your first time seeing me like this"
I said and smirk

Totoo naman eh,
Its her second time na yata.
Nagpunta ko sa kwarto para magbihis
Kailangan ko pa bang mag adjust sakanya?.
Eh sa sanay akong ganito ,
Anong magagawa nya.

Paglabas ko ay nakaready na yung gamit nya pero wala sya sa sala,
Naliligo na siguro.
Nagpunta ko sa kitchen para mag timpla ng kape,
May kasama na ako dito sa bahay dapat sya na yung gumagawa nito eh.

Nakakailang higop pa lang ako sa kape Maya maya ay nakita ko syang nagmamadaling lumabas ng bathroom,
Nakabihis na rin.
Tapos ay nakita kong niligpit nya yung mga ginamit nya.

Kinuha ang bag nya at Akmang aalis na ito nang magsalita ako.
"Aren't you putting some make up on your face?"
Tanong ko, wala lang curious lang . Kasi i know girls.
Alam ko kung paano mag ayos ang mga babae.

"H-Hindi po ako sanay mag make up"
Sagot naman nya.
Hindi sanay?. Okay!.

Nagpaalam itong mauuna nang pumasok.
Hinayaan ko na syang magpatiuna sa pag alis.
Bahala sya sa buhay nya.
Pagtapos ko ay umalis na rin ako,
Kinuha ko ang car ko sa parking area ng building.

Nagdadrive ako nang makita ko si TJ na naglalakad patungo sa main road,
Yung dinadaanan talaga ng mga jeep taxi and bus,

Binusinahan ko sya at lumingon ito sakin.
"Lalakarin mo hanggang sakayan?"
Tanong ko.

"O-Opo sir"

"Bakit kasi hindi ka nag book sa Grab or uber"

"Mahal po Sir"

"Sumakay ka na, sabay na kita"
Sabi ko, akmang sasakay ito sa bandang likod ng kotse

"Dito ka sa harap, gagawin mo pa akong driver mo paglakarin kita dyan eh"
Sabi ko,

Pagsakay nya tahimik syang nakatingin sa bintana,
Hanggang sa makarating kami malapit sa opisina,
Sa di kalayuan itinigil ko ang kotse.

"Baba na"
Sabi ko, nagtataka naman itong lumingon sakin.

"S-Sige po, Salamat po Sir"
Mahinang sabi nito

Tapos ay mag drive na ako papuntang parking lot,
Ibinaba ko sya pero malapit na lang naman yung lalakarin nya.
Ayoko kasing makita sya ng ibang office staff na sabay kaming papasok.
Ayoko ng issues.

***

11:45 na, naisip kong magpahangin muna at maglakd lakad,
Paglabas ko sa office nakita ko si TJ kausap si Dianne ,

"Sige na Dianne, maganda tong relo na to automatic to pati tong hikaw ko gold to tunay. Bilhin mo na"
-TJ

"TJ, ang dami ko ngang relo diba sabi ko naman sayo"
-Dianne

My Boss Is A JerkWhere stories live. Discover now