Napapakagat na lang ako sa ibabang labi ko dahil sa sakit na nararamdaman ko,
Bakit ba ayaw nya pa ko palabasin?.
Paulit ulit lang naman ang ginagawa nya.
Titignan ang notepad ibabalik sakin,
Kukunin ang tablet at kukunin ulit sakin.Masakit na ang paa ko,
Alam naman nyang may sugat ito at nakaheels ako.
Grabe ang sama talaga nang ugali.
Pasorry sorry pa sya kahapon
Eh wala pa rin namang nabago ,
Inaasar at pinahihirapan pa rin ako."Ano masakit na ba?"
Abat talagang nagtanong pa.
Ano kaya sa tingin nya?.
Eh kung sapatusin ko kaya ang mukha nito tapos tanungin ko sya kung masakit ba.Hindi ako sumagot kasi alam kong inaasar lang nya ako.
Marahan kong inaangat angat ang isang paa ko na may sugat para hindi mangalay nang bigla akong mawalan nang balanse,
At kamuntikan nang matumba.
Maagap naman akong nasalo ni Sir bago pa ko tuluyang matumba,"Ipinipilit mo pa kasi--"
Sabi nito at itinayo ako nang maayos.
"--pinipilit mo kahit alam mong masakit"
Dugtong nya.Kumunot naman ang noo ko,
Natural. Gusto ko lang naman mag pormal attire dahil andito ako sa opisina eh.
Isa pa palagi nya akong inaasar sa mga suot ko.
Na kesyo mukha akong tao ngayon . O baka ako nababastos dahil sa suot ko,
Basta kung ano ano.
Ngayon na umaarte ako sa naaayon nagagalit pa rin sya."Anong oras na?"
Tanong nya"Mag aalas onse na po"
"Wala pala kong schedule nang meeting ngayon noh"
Sabi nya,
Wow ilang ulit nyang tinignan yung tablet at notepad tapos magtatanong pa sya."Kunin mo na don yung tsinelas mo, aalis tayo"
Sabi nito.Aalis?.
Saan naman?.
Wala kasi syang schedule ngayon ,Lumabas sya nang opisina,
Hindi ako nakasunod sakanya dahil nga sa masakit ang paa ko.
Dahan dahan akong lumakad,
Habang naglalakad ay nakatingin ako sa paa ko.
Hala dumudugo na yata eh huhu (T_T)Napatigil ako nang mabangga ako sa isang matigas na kung ano?.
Ano nga ba?.
Pinto ba?. Nabangga ako sa pinto?.Ano ba naman kung suswertehin ka nga naman,
Sapo sapo ko ang noo ko nang mapansing hindi ako nauntog sa pinto,
Nauntog ako sa likod nang isang lalake.
Tekaaa!. Si Sir ba to?.
Naku uo nga si Sir Nga.."S-sorry po"
"Kunin mo na rin ang mga gamit mo"
Gulat ko nang sabihin nya yon.Maski si Ms.Airish at ang iba naming kasama sa opisina ay nagulat sa sinabi ni Sir.
K-kunin ko na ang mga gamit ko?.
T-teka bakit.
May nagawa ba ko?.
Anong kasalanan ko?.Lumakad na syang muli patungo sa elevator.
Mabilis kong kinuha ang bag ko at sinundan sya.
Hindi ko na ngang nagawang magpalit nang tsinelas.Gusto kong linawin nya ang sinasabi nya.
Bakit nya pinapakuha ang mga gamit ko.
Bakiiit??. Tinatanggal na ba nya ko?.
Anong nagawa kong kasalanan?.
Dahil ba sa ginawa ni Luke?.
Dahil sa nakatsinelas akong pumasok sa building?.
Ano ba ang dahilan?.
Anong nagawa ko."SIR!"
Tawag ko,
Medyo malakas dahil pasara na ang elevator.Hinawakan naman nya ang pinto nito para hindi ito magsara.
Mabilis akong lumapit kahit masakit sakin ito.
May dalawang office staff na kasama namin ngayon sa elevator at isang janitor.
Pero wala akong pakialam,
Kailangan kong malaman kung bakit biglaan ang disisyon nya."Bakit mo pinapakuha ang gamit ko?.--"
Sabi ko nang magsara ang pinto nang elevator.
"--T-tinatanggal mo ba ako sa trabaho?.,kung oo. B-bakit?!!.anong nagawa ko?--"
Seryosong sabi ko.
YOU ARE READING
My Boss Is A Jerk
Romans"Yung best enemy mo naging Boss mo, what a Life diba, ang sarap mabuhay"?