CHAPTER.33

291 5 1
                                    

KINABUKASAN
sa office

Abala ako sa pinapagawa sakin ni Maam.Anastasia nang biglang may umupo sa table ko,
Kaya napatigil naman ako.
Pag angat ko nang ulo ay nakita ko ang nakangising mukha ni Monggoloyd na Nite,

"Ano ba!"
Singhal ko.

"Is that your way of saying Good morning Sir"
Pacool na sabi nya.

"Sir?. Bakit Boss ba kita?. Si Maam.Anastasia kasi ang Boss ko dito"

"Dont you really know who i am?"

"Kailangan ba kilalanin ko ang pagkatao mo?"
Mataray rin na sagot ko.

"Its fine with me if you dont want to"
Sabi naman nito.

"Talaga noh, hindi naman kasama sa trabaho ko ang pakisamahan pati ang ibang tao, kahit pa jowa ng boss ko kung kinaiinisan ko talagang hindi ko kakausapin--"
Tinignan lang ako nito nang seryoso.
Sympre hindi ako magpapatalo, tinignan ko rin sya nang seryoso
"--sa totoo lang ayaw na ayaw talaga kitang nakikita lalo na yung nakakausap"

Bigla syang tumayo mula sa pagkakaupo nya sa mesa ko nang makita nyang paparating si Ms.Airish,
Kitaaaam?.
Padesente kunware kapag may ibang tao, pero kapag ako lang ang kausap napaka garapal at epal.

"Goodmorning po Sir Nathaniel"
Bati ni Ms.Airish sakanya.

Tumango lang naman sya bilang tugon.
Feeling cool na naman,
Agad namang bumaling sakin si Ms.Airish

"May urgent meeting tayo sa conference room--"
Sabi nya sakin. Muling tumingin ito kay Nite at ngumiti.
"--Sir?. Sa conference Room na po si Maam Anastasia, shall we?"

He mouthed "OK"  tapos nauna pa syang lumakad,
Feel na Feel talaga.
Sumunod naman kami ni Ms.Airish sakanya hanggang sa makarating sa conference room.

Pagpasok namin lahat ay natahimik at nagtinginan sa amin,
Lahat nang grapic artist ay nandoon.
Pati na rin ang ibang part timer at si Maam.Anastasia.

Naupo kami ni Ms.Airish sa bakanteng swirl chair bandang gitna, mahaba kasi yung Long table, (sympre LONG nga eh)
habang si Yabang ay naupo sa bakanteng upuan sa tabe ni Maam.Anastasia

"Like i was saying i want to expand the company, magbubukas tayo nang branch sa ibat ibang province, na explain ko na sainyo to before gusto ko lang ulitin yung high light nang meeting. I'm leaving Nathaniel Hilton the CEO of international base in charge here, don't worry about him, he is nice and easy to work with"
Paliwanag ni Maam.Anastasia

Para namang pinompyang ang dalawang tenga ko sa mga narinig ko,
Ano daw si Nite?.
Sya ang papalit sa boss ko.

Pinaliwanag ni Ms.Airish ang ibang mga importanteng updates sa company.
Ako?. Parang walang ibang pumapasok sa isip ko.
Kundi ang mga sinabi ni Maam.Anastasia na aalis sya at maiiba ang boss ko.
Natapos ang meeting na parang wala akong naintindihan.
Lahat naglabasan na sa conference room.

Habang lahat kami ay nasa kanya kanya nang table
Lutang pa rin ang isip ko sa lahat nang pangyayare.
Maya maya ay lumabas si Ms.Airish sa office ni Maam.Anastasia at lumapit sa akin.

"Ms.cruz tawag ka sa office ni Maam"
Sabi nya saakin.

Agad naman akong napatayo sa upuan ko,
Kabang kaba ako habang papalapit sa office ni Maam.
Kumatok ako at narinig ko ang boses ni Maam na pinapapasok ako.

"Oh teresita Come here--"
Sabi nito na nakatayo at may hawak na tasa nang kape.
Habang si Nite ay nakaupo sa swirl chair ni Maam at feel na feel na ang trono.
"--Nathaniel this is Teresita Joy, your personal assistant"

"Ah sya ba?"
Sabi ni Nite

"Yes, dont worry Nite, alam na lahat ni Teresita yung mga schedule mo. Sasamahaman ka rin nya sa lahat nang aattendan mong mga seminar at meeting. Silang dalawa ni Airish ang tutulong sayo since hindi mo kabisado dito, pwede mong isama si Teresita o kaya si Airish"
-Maam Anastasia

" I dont know why i have this feeling that she doesn't like me, i think she doesn't like to be with me"
Sabi naman nang mayabang na si Nite,

"Whaat?. Ofcourse not, mabait yan noh minsan sinasama ko sya sa mga meeting ko"
-Maam.Anastasia

"Love?. What if lets Hire a new one?. New assistant secretary"
Kalmado at printeng printe nya sinabi yun kay Maam.Anastasia

Bigla naman sumakit ang dibdib ko,
Mukhang mawawalan na naman ako nang trabaho,
Pano na naman ako. San na naman ako pupulutin nito.

"Nite as far as i know working student si Teresita Joy, pero kahit ganun nagagawa nyang gampanan ang mga trabaho nya dito. She's hard working believe me magkakasundo kayo--"
Agad naman salo sakin ni Maam.Anastasia
At bumaling ito sa akin.
"--right Teresita?"
Sabi nya at nakangiti sakin.
Ayoko namang ipahiya si Maam.Anastasia sa pag build up sakin.
Isa pa hindi ko rin alam kung saan ako pupulutin kung matatanggalan na naman ako nang trabaho.

"O-opo Maam--"
Napayuko ako dahil sa sagot ko.
"Magiging good employee po ako, sainyo at kay S-sir"

Seryoso?.
Samantalang kanina lang kung ano anong nasabi ko sakanya.
Parang gusto ko nang magbigte na lang dito.

Kumatok at pumasok si Ms.Airish
"Maam?. Ready na po tayo for the next meeting"
Sabi nito kay Maam.Anastasia
Tumango naman ito sakanya at muling nagbaling nang tingin kay SIR,
Oo sir na ang tawag ko sakanya eh kasi naman "Good Employee" nga kasi ako diba.

"I have to go--"
Sabay beso kay Sir Nite.
Tumingin naman ito sakin
"--ikaw na bahala kay Sir.Nite OK?"
Tumango tango naman ako.

Narinig ko na lang na nagbukas at sara na ang pintuan,
Para akong napako sa kinatatayuan ko.
Hindi makapagsalita, hindi makakibo,
Hindi makagalaw at nanlalamig ang pawis.

So pano ba ang magandang EXIT ko?.
Ano ba ang dapat kong sabihin?.
Siguradong hindi pwedeng sa masungit na paraan dahil baka agad agad tanggalin ako nito sa trabaho,
Bwesit pa naman to sa buhay ko
Siguradong papahirapan na naman ako nitong epal na to.

---
🎶Nagbago na lahat sayo,
Nagbago na lahat pati ang tayo🎤

Tama ba.Tama ba 😂

CayeLoves💜💕
---

My Boss Is A JerkWhere stories live. Discover now