TJ's POV
Lumipas ang limang araw pero hindi pa rin nakakabalik si Nathan,
Tawag o Text wala. Hindi nagrereply sa mga text ko at unattended rin ang cellphone,Pero hindi ako nawalan ng pag asa, baka naman nagka aberya lang ,
Baka naman maeextend lang sya don ng isang pang araw o isang linggo.Sa hindi ko malamang dahilan parang nawawalan ako nang gana kumilos pumasok sa school simula nung umalis si Nathan,
Kahit mag asikaso sa sarili ay kinakatamadan ko pa. Basta ang gusto ko lang ay matulog at mahiga hanggang sa antuking muli,*KRIIIIIIIIIIIINNNG!!!*
Mabilis kong kinuha ang cellphone ko, dahil baka si Nathan na ang tumatawag.
Hindi ko na tinignan kung sino ang nasa caller I.D"Hello?"
[TJ?. Nasan ka?]
Tinignan ko ang caller i.d,
Napabuntong hininga ako.
Hindi pala si Nathan,"N-Nasa bahay"
[Bakit two days ka nang hindi pumapasok?.]
"Masama kasi ang pakiramdam ko, sige na Anne. Gusto ko na kasing magpahinga"
[T-Teka Sandali!!]
"Oh ano?"
[Yung kaibigan mong pogi, alam mo nakita ko sya sa Bar kagabi]
"Sino?"
[Yung kasama mo sa---... Ay TJ may prof na, Mamaya na lang ulit]
Tapos ay pinatay na nya ang tawag.
Hmm, ano kaya yon. Pabitin pa sa sasabihin
Muli akong nahiga para magpahinga, tila pagod na pagod kahit wala namang ginagawaMay paminsan minsan pang nananakit ang ulo at katawan ko,
Pati na rin ang puson ko.
Siguro nga ay malapit na naman ang buwanang dalaw ko,
Kaya ako nakakaramdam ng mga ganitong bagay.LUKE's POV
Kanina pa ako nagpapa ikot ikot dito sa school para hanapin si TJ,
Nakailang balik na rin ako sa building ng education students pero wala don si TJ.Nasaan na kaya yon,
Hindi naman ugali ni TJ na hindi pumasok. Nagpunta na rin ako sa trabaho nya pero nakaleave daw.
May gusto pa naman akong malaman tungkol sakanya,
Kung totoo ba ang sinasabi ng kaibigan nya.Flashback
"Bro, nasan na ba kayo?. Andito ako sa entrance"
[Andito na kami sa loob!. Pasok ka na, sa left side lang kami]
Sabi nang kausap ko sa kabilang linya!,
Papasok na sana ako sa loob nang club nang biglang may humarang saakin na isang Babae."Pogi!. Free taste oh"
Alok nito sabay abot saakin ng shot glass"No thanks"
Maiksing sagot ko,Ayoko naman kasing uminom nun, malay ko ba kung anong klaseng alak yon or kung may inilagay ba silang kung ano don.
May pang bili ako, di ko kailangan ng free."AY!! Pogi!!"
Sabi nang babae,
Nagulat ako nang bigla na naman nya akong harangin at hawakan sa braso ko."D-Diba .. Diba ikaw yung dating modelo..--" saad nyang parang manghang mangha na makita ako
"--..n-nababasa kita dati nung nasa senior high ka pa"
Sabi pa nitong ayaw bitawan ang braso ko"No, No miss i think you have a wrong person"
Sagot ko"Hindi!!… sigurado ako, ikaw yon eh. Ikaw yon Fan na Fan mo ako, Prince Luke MonteMayor diba?. Yun yung real name mo kahit Prince lang ginamit mo sa modeling dati"

YOU ARE READING
My Boss Is A Jerk
Romance"Yung best enemy mo naging Boss mo, what a Life diba, ang sarap mabuhay"?