CHAPTER.55

255 3 0
                                        

(Unedited pa po yung story, yung mga typos paki'intindi na lang. Sana nakakasunod po kayo kahit hindi ako magaling mag detalye😉😊)

"Bakit pala ang aga mong nagising?"
Tanong ko kay Luke nang matapos kaming mag agahan

Ngumiti ito saakin
"Hindi pa ko natutulog"

"Ha?.bakit?"
Kunot noo kong sabi sakanya

"Wala lang, madalas talaga ganito ko. Hirap matulog"

"Kapag hindi ka natutulog, anong ginagawa mo buong gabi?"

"Kagabi lang ako umuwe nang maaga, madalas umaga na ko umuuwe para maligo at magbihis. Madalas kong kasama sila Brix at Andrei sa tambayan"
Paliwanag nya

"Buti hindi nagagalit Parents mo?"

"Eh diba nga hindi sila umuuwe dito"
-Luke

"Tuwing kelan sila umuuwe"

"Kung kailan lang nila maisipan, minsan sa isang taon isang beses lang mga 4 or 5 hours stay tapos aalis na ulit"
-Luke

"Ha?. Ganun lang??. Grabe naman yon"

"Siguro nga kung walang internet at pictures nakalimutan ko na ang itchura nila"

Malungkot ang tono ni Luke,
Ramdam ko ang lungkot nya.
Sa mga bawat salitang binibigkas nya parang may kirot ang mga ito.

Mas maswerte pa pala ako,
Dahil ako kapag namiss ko ang pamilya ko pwedeng pwede kong puntahan.
Pera lang ang problema,
Pero si Luke?.
Oras at atensyon ang kalaban nya sa magulang nya.

Napatingin ako sa relo ko
"Naku.. Luke mauna na ko, napasarap yung pakikipagkwentuhan ko sayo muntik kong makalimutan na may pasok pala ko"

"Hatid kita"
Sabi nyang nakangiti

"Hwag na noh , wala ka pa ngang tulog e . Mabuti pa magpunta ka sa kwarto at magtulog ka na"
Sabi ko.

"Okay lang naman ako eh. Kaya ko pang magdrive"
Sabi nya.

Napangisi ako,
Naisip kong pagtripan nang konti si Luke, tutal ilang beses naman nya akong pinagtripan kanina at kagabi.

Hinawakan ko ang pisngi nya at marahan itong hinimas,
"Ang gusto ko matulog ka, hwag mong pabayaan ang sarili mo okay?"
Sabi ko with pa cute na boses sabay pout.

Nakatitig lang sya saakin.
Ano?.
Effective ba?.
Hahaha nahihirapan na rin ba syang huminga?.
Atleast now alam nya na yung feeling.
Nakagante na siguro ko.

Ngumiti sya at hinawakan ang kamay ko,
Nakatitig lang rin sya sakin.
"Ang cute mo talaga, baka mainLove na ako sayo nyan"
Sabi nya sabay kuha sa kamay ko at hinalikan ang likod nang palad ko.

Nagulat ako sa ginawa ni Luke,
Parang nagtayuan ang lahat nang balahibo ko nag angatan ang lahat nang dugo ko sa katawan at napunta lahat sa mukha ko.
Pakiramdam ko ay namamanhid na ang mukha ko,

Unti unti ko namang naramdaman na hindi ako makahinga parang may humaharang na naman sa lalamunan ko at

*HIK...HIK*

Napabitaw ako sa pagkakahawak ni Luke sa kamay ko.

*HIK..HIK*

tinakip ko ang kamay ko sa bibig ko.
Bakit sobrang lakas naman yata nang pagsinok ko ngayon.

Mabilis kong kinuha ang tubig at ininom ito,
Lumakad ako sa di kalayuan sya ,
Hangin ... Hangin ...
Kailangan ko nang hangin ...

Siguro may 2minutes rin bago tuluyang nawala ang pagsinok ko.
Bumalik ako sa table at inilapag ang baso
Nakaupo pa rin si Luke at nakatingin saakin.

My Boss Is A JerkWhere stories live. Discover now