Umpisa na ako ng raket ngayon.at dahil nga sa nagtatago ako kay aling minda ay sumama ako kay anne sa bahay nila.nag alok sya sakin na pahiramin ako ng mga pinagliitan nyang mga damit.na pwede kong magamit sa raket.
"Anne, labas na ata ang kaluluwa atay at balonbalunan ko sa damit na to" protesta ko sa damit na pinasusuot nya sakit.
Isang above knees dress backless ang damit na to
"Hay nako TJ wala na. Wala na talaga akong mapahiram sayo.lahat na lang ayaw mo.eto na yun lahat oh" sagot nito at may pag duldol pa sakin ng mga dress na hawak nya.
"Eh kailangan ba talaga nakadress?.di ba pwedeng magpants.ang sexy naman nito e.isa pa sa bar ang lugar diba.hindi kaya mabastos tayo kung ganitong klase ng damit ang isusuot natin.madaming lasing don" sabi ko
"Exactly!. Kaya nga tayo sexy para may lumapit at sumubok sa free taste natin.tingin mo ba makakapaubos ka ng isang trey kung hindi ka magpapasexy at poporma kang parang tibo"paliwanag nya sakin.
"Pero kasi baka mabastos tayo don" sagot ko saknya.
"Ewan ko sayo.ano sasama ka pa ba o hindi para masabi ko agad don" inis na sabi nito
"S-sige na nga.oo na sasama na ko" sabi ko.
Sayang naman kasi.kaya kahit nag aalangan ay sumama na ako.minsan lang naman ang raket na tulad nito kailangan ko to,kahit pang bayad man lang kay aling minda.baka masermunan na naman ako kapag wala akong naibayad eh.
Pinasuot nya sakin ang black dress na super sexy.nilagyan nya ako ng make up at inayusan ng buhok.sanay na sanay sya sa pag aayos.halos di ko makilala ang sarili ko nang tignan ko sa salamin.ibang iba sa totoong postura ko.Fast forward @BAR
"O Tj. Galingan mo ah ngitian mo sila.kung kaya mong magpashot ng dalawa sa iisang tao gawin mo.para makadami ka at malaki ang maiuwi mong pera" bulong nito sakin.
Akmang aalis na ito ng pigilan ko sya
"San ka pupunta?." Nag aalalang tanung ko sakanya na para bang takot akong maiwan.
"Edi pupunta sa lugar kung saan ako naka assign" deretsong sagot nya
"Iiwan mo ko dito?"
"Tj jusko naman gusto mo bang parehas tayong mazero ngayon kung dito tayo parehas.sige na aalis na ko" sabi nya na para bang madaling madali nya.
Ngunit nakakailang hakbang pa lamang sya ay bumalik ito at sumenyas na may ibubulong.lumapit naman ako sakanya
"Kapag pauwi ka na, at malapit mo nang mapaubos yung isang trey inumin mo na yung matitira para mabayaran pa yan sayo.kahit may tira kasi sa trey kahit isang shotglass lang ay hindi yon mababayaran" bulong nya sakin.at saka sumenyas na hwag maingay dahil merong bantay sa di kalayuang gilid ko.
Tumango tango na lang ako at tuluyan na syang lumakad palayo.Dumadami na ang tao at alok ako ng alok.noong una ay hindi ako marunong hinahayaan ko lang silang dumaan sa harap ko pero nilapitan ako ng bantay at sinabing ayusin ko ang pagpapa free taste dahil 1500 ang gabi ko.kaya naman ginawa ko ang lahat.
Sa awa ni lord ay baka dalawang trey na ko.pangatlo ko na itong trey na to.
( alok . Alok alok ) sa mga taong dumaraan , tinignan ko ang oras sa cellphone ko.
1:15 na pero may 10 pang baso ng shotglass sa trey ko.sayang naman yung isang trey isang libo rin bayad dito kung mapapaubos ko pa to.
Inumin ko na kaya to. Bulong ko sa sarili ko
Tumingin tingin ako sa paligid kung may nakatingin sakin.
Tumingin rin ako sa kasama kong nagbabantay sakin sa di kalayuan.
Mayamaya ay ininom ko ang dalawang sunod na nasa shot glass.
"Eeehk!!" Napangiwi ako sa pait,
Letchugas ang pait naman nito. Sabi ko na naman sa isipan ko.
Ok walo na lang. Napatingin ako sa relo ko. 1:25am na hala wala nang may gustong magtry ng free taste ko.
Naghintay pa ako ng ilang minuto.
(Alok alok alok alok) pero bigo ako dahil halos lahat ay galing na sa loob at pasuray suray nang lumalabas sa kalasingan.
Muli akong napatingin sa relo ko.
1:35 na may walo pa. Tumingin ako sa bantay ko at nang makitang sa ibang dereksyon sya nakatingin ay.
"Eeeehk!, pwe". Muli ko na nman ininom ng tatlong magkakasunod ang nakalagay sa shot glass.
"Grabe naman, malalasing ako nito e" mahinang sabe ko.
Ramdam ko na ang pag iinit ng mukha ko at konting panlalambot ng mga tuhod ko. Parang gusto kong maupo muna sandali.pero bawal dahil siguradong mapapagalitan ako.
Lima na lang ang natitira 1:45 na pasimple kong nilagok ang isa pang tagay.
Jusko po patawarin. Muling pagdaing ko sa aking sarili.
Ramdam ko na ang init ng katawan ko at pagkahilo. Konting oras na lang kailangan ko na tong maubos.
Kahit medyo hilo ay pilit kong tinignan ang bantay ko.
Naningkit pa ang mata ko upang makita ng maayos kung nakatingin ba sya sakin o hindi.
Muli ay sinunod sunod ko ang pag inom. Tatlong baso ulit.
Paranh tutumba na ko na nakatitig sa isang baso.
Inayos ko ang sarili ko nang mapansin ko ang lalaking nakatayo sa harap ko.
"Miss 2Am na. Call time na at uuwe na tayo anjan na yung service" sabi nito na busyng kinakalikot ang cellphone nya.
Nakatingin lang ako sakanya hindi ako makpag salita.dahil pakiramdam ko ay lalagsak na talaga ako.
Nakahawak lang ako ng mahigpit sa table.
Nang muli syang magsalita.
"O may isa pa. Bat di mo pa to pinaubos sayang to isang libo rin yan" nakangising sabi nya sakin. Hindi ako sumagot.
"Ishot mo na yan. Ayan na yung service oh" turo nya sa L3 na papalapit.
Tumingin sya sakin na para bang sinisenyas na uminom na ako.
Umiling ako dahil ramdam ko na talagang hindi ko na kaya.
"Hahaha ayaw mo?.bakit di ka ba umiinom?.sige ako na nga" at pagkwuan ay ininom nya ang kahuli hulihang nasa trey.
"O ayan ha.ilibre mo ako bukas kapag kinuha mo ang sahod mo" sabi nito at inayos ang mga trey ng alak sa harapan ko.
Para akong hinahatak ng higaan at gustong gusto ko na talagang mahiga.
"Ano sasabay ka ba samin?.pero hanggang crossing lang kami ha.ihahatid pa kasi namin to sa warehouse" tanong nya sakin.
Hindi ako sumagot at umiling lang sakanya. Tumango lang ito sa akin nakita ko silang nagsisakayan sa L3 at umalis na.-ito lang po muna :)
Hehe sorry na, busy sa work e 😘
YOU ARE READING
My Boss Is A Jerk
Romance"Yung best enemy mo naging Boss mo, what a Life diba, ang sarap mabuhay"?