Chapter.21
Napatingin ako sa relo ko.
Ala una na agad?.
Nagtungo ako sa pinto ng opisina ni MaamKumatok muna ako ng tatlong beses bago pihitin ang saradura ng pinto ng kanyang opisina.
"Maam?"
"Yes teresita?" Sagot nito
"Ahm, maam cancel daw po yung meeting nyo with mr.chua mamayang 2:30 , pinapatanong po kung free daw po ba kayo bukas ng morning para ipareschedule po yung meeting"
"Bakit na cancel?"
"May emergency lang daw po syang pupuntahan"
"Sige. Reschedule mo na lang bukas ng 9am"
"Ok po maam, ahm. Maam may ipapagawa pa po ba kayo kasi po out ko na mamayang 1:30pm, para po magawa ko bago makauwi"
"Bakit?. Hindi ba 4:30 ang out mo"
"Hindi po maam, working student po kasi ako. Kaya hanggang 1:30 lang po ako"
"Ah ganon ba? Wala kasing nabanggit sakin si Airish pero sige ok lang.wala na kong ibang kailangan"
"Ok po maam salamat po"
"Ok thank you rin"
Sabay smile.Wow nag smile sya sakin at lalo syang gumanda sa pag ngiti nya.
Para akong natotomboy na ewan dito sa amo ko,Sobrang ganda nya,
Para syang diwata.
Sana ganito rin ako kaganda sa next life ko.Tuluyan ko nang isinara ang pinto ng office nya.
At nagpunta sa table ko,
Ilang minuto na lang ay uuwe na rin ako.
Wag na muna kaya akong umuwe wala rin naman akong gagawin sa bahay.
Hindi rin naman ako makakapasok dahil nga sa suspended pa rin ako.Sumapit ang 1:30 kaya nagpaalam na akong uuwi na,
Parang sobrang dali ng trabaho ko dito, wala naman akong masyadong ginagawa. Wala din namang masyadong utos sakin ang boss ko.
Ultimo pag timpla ng kape ay sya na ang gumagawa.
Tanging schedule nya lang ang priority ko dahil may pagka makakalimutin daw sya.Naghihintay ako ng jeep na dadaan para makauwe na nang may humintong sasakyan sa harap ko.
"Hey" pagtawag nito sa atensyon ko
Napakunot naman ang noo ko ng makita kung sino ang tao sa loob ng sasakyan
Si yabang si Manyak no other than Nite"What are you doing here?" Pacool na tanong nya.
Lumingon lingon ako na kunware ay wala akong narinig o nakita.
Bumaba sya ng kotse nya at lumapit sakin,
Tinignan ako mula ulo hanggang paa
Ito na naman yung tinitignan ako mula ulo hanggang paa e ,
Parang mga baliw"Bingi ka ba?"
Tanong na naman nya sakin
"Mukha ka yatang tao ngayon" pang aasar pa nya"Ikaw lang naman tong hayop satin eh" ganti ko naman
"Yun, nagsalita rin. Hahaha"
Nag cross arm sya bago magsalita ulit
"San ba lakad mo?""Wala kang pakelam"
"Bakit mo ba ko sinusungitan?"
"Wala kang pakelam"
"May period ka siguro? But wait. Wala akong pakelam diba"
"Bastos ka talaga!.umalis ka nga dito"
"Ayan ka na naman sa pagpapaalis"
Hindi na lang ako sumagot pa , wala rin namang kwenta kung makipag usap ako sa abnormal na to.
Lalakad na sana ako nang bigla nyang hawakan ang braso ko,
YOU ARE READING
My Boss Is A Jerk
Romance"Yung best enemy mo naging Boss mo, what a Life diba, ang sarap mabuhay"?