CHAPTER.24

292 9 0
                                    

Nang magising ako ay may mahimbing na natutulog sa tabe ko,
Tahimik akong kumilos at nag asikaso para pumasok sa trabaho kahit sobrang sakit ng ulo ko dahil sa hang over at sa puyat.

@ H&P inc.

Maaga akong pumasok sa opisina,
Nasa loob na ako ng elevator nang biglang pumasok ang isang dyosang nilalang.
Este ang amo ko pala

"G-good morning po maam" bati ko

"Good morning" sabi nya at ngumiti
"Ang aga mo ah" puna nya sakin.

"W-wala po kasing ttaffic maam"

Maaga kasi ako ng 30minutes ngayon.
Para lang makaiwas sa abnormal na lalaking nasa bahay.
Ayokong makipagtalo sa lalaking yon.
Siguradong sasayangin ko lang ang oras ko sakanya.

Siguro naman wala na ang lalaking yon kapag uwe ko sa bahay mamaya.
Naku, wish ko lang talaga.

*Ting*
At bumukas ang elevator , naunang lumabas ang amo ko.
Mula sa likod ay titig na titig ako sa pangangatawan nya.

Napaka pinagpala, swerte ang karelasyon nya o makakarelasyon pa lang.
Wala na syang ibang hahanapin pa sa babaeng tulad nya.

Ubod ng ganda, at mukhang mabait rin naman. Pala ngiti nga sya eh,
Kaya ang gaan nya katrabaho.

Pumasok na sya sa loob ng opisina nya.
Ako naman dumiretcho sa pwesto ko.
Ilang minuto lang ay nagdatingan na rin ang iba pang empleyado.
At naging busy sa kanya kanya nilang mga trabaho.

Samantalang ako , heto at nakaupo lang. Naghihintay ng tawag at magpapaschedule sa amo ko.

Pupungay pungay ang mata ko dahil sa pagkakulang ng tulog.
Idagdag mo pa ang malamig at tahimik na lugar na to,
At wala rin akong ginagawa.

Halos papikit na ako nang biglang lumabas sa opisina nya ang aking amo.
Napatingin sya sakin.

Dahil sa gulat ko bigla akong napaayos nang upo mula sa pagkakasandal sa upuan ko.

"M-maam" napatayo ako nang lumapit sya.

"May schedule ako for tomorrow? "

"Opo maam" sagot ko at iniabot ang pad ng mga schedule nya,
Saglitan nya lamang itong binasa saka ibinalik saakin.

"May hot water na ba tayo?"
Tanong nya sakin.
Saka ko lamang napansin ang hawak hawak nyang tasa

"Meron po maam, ako na po" alok ko,

"No its okay, ako na" sabi nya sabay ngiti

Sabi nya saka umalis para magtimpla ng kape,
Ganun? So wala talaga akong gagawin dito buong umaga?

Nang matapos syang mag timpla ng kape at napadaan sya ulit sa mesa ko.

"Ahm, sorry. Whats your name again?"

"Teresita joy po maam"

"Ah, okay. Sorry ah, medyo makakalimutin kasi ako"
Paliwanag nya sakin habang hinahalo ang kapeng natimpla nya.

"Okay lang po maam"

"Yung mga schedule ko for next week paki reschedule naman this week may biglaan kasi akong appointment"

"Okay po maam"

"Half day ka lang diba? Pakipasok na lang sa office yung mga schedule ko for today and tomorrow. Thank you"

Mabilis naman akong tumango.
At bumalik na sya sa loob ng opisina

Sa wakas may gagawin na rin ako ngayong araw,
Akala ko magpapa antok na lang talaga ako dito buong araw.

Ginawa ko ang mga inutos saakin,
Hindi ko natapos lahat dahil ang dami palang nakaschedule para next week,
Inabot na ako ng pag time out ko

Sinabihan ako ng amo ko na bukas ko na lang tapusin lahat, inuna ko lang yung schedule nya para sa ngayong araw at bukas.

Pauwe na ako nang biglang may tumawag sakin.
Isa sa mga classmate ko,
Sinabing pinapapunta daw ako ng Dean sa school.

Bakit naman kaya?
Eh diba suspended ako.
Ano tuluyan na ba nila akong tatanggalan ng scholarship?.
Napagdisisyonan na ba nila.

Mabilis akong nagpunta sa school
At dumiretcho sa dean'd office
Habang naglalakad ako pansin kong ang daming mata ang nakatingin sakin,

Ano pa nga bang ma'eexpect ko diba, sympre ako pa rin ang laman ng bulong bulungan ng mga ito.
Hinayaan ko na lang sila at hindi na pinansin pa,

Nang makapasok ako sa dean's office ay naabutan ko don ang dean.
Kinausap nya ako ng masinsinan,
Sinabi nyang napagdisisyonan na nila kanselahin ang pag suspende sakin.

Dahil nalaman na nila ang totoo, ipinaliwanag daw ng kanyang anak na hindi totoo ang lahat ng sinabi nya at napatunayan na rin naman na hindi talaga ako nagdadalang tao.

Sa sobrang saya ay hindi ko namalayang napapaluha na pala ako habang pinapaliwanag sakin ang lahat.

Hindi ko na alam ang iba pang sinasabi ng dean , basta ang malinaw lang saakin ay makakabalik na ako sa pag aaral bukas.

Lumabas ako sa opisina ng dean na abot langit ang ngiti ko,
Hindi ako makapaniwala na talagang ginawa yon ng unggoy na yon sa kabila ng lahat ng mga ginawa at masasakit na sinabi ko sakanya.

Pero , kung sabagay sya rin naman ang punot dulo ng lahat ng ito, dapat lang na ayusin nya ang gulong ginawa nya.
Kaya wala akong dapat isipin na utang na loob sakanya. Tama! Wala akong utang na loob sa unggoy na yon.

Hapon na nang makauwe ako sa bahay, dahil dumaan pa ako sa bahay ng isa ko pang classmate upang mang hiram ng mga notes na pinag aralan nila sa nakalipas na mga araw,
Gusto kong Makahabol sa klase.

Buong maghapon akong nag aral sa bahay, mabuti na lang at walang unggoy na sagabal dito.
Yung lalakeng yon, hindi man lang naglinis dito.
Bigla na lamang aalis, kahit man lang yung pinag higaan na lang sana nya yung inayos eh, kaso hindi . Ako pa talaga nag ligpit,

Nang matapos akong mag linis at mag aral ay natulog na rin ako ng maaga,
Excited na excited ako para bukas. Dahil makakabalik na ako sa pag aaral,

Sana kasabay ng pagbabalik ko sa pag aaral ay mabalik na rin sa tahimik ang buhay ko,
Meron na rin naman akong maayos na trabaho.
Sana maging maayos na ang lahat.

---

MY FAKE WIFE

Baka gusto nyo ring basahin 😊
Thanks a lot,

Pa like&vote na rin

#cayeLoves💕💜
---

My Boss Is A JerkWhere stories live. Discover now