CHAPTER.40

301 7 0
                                        


( A/N : sorry kung palagi akong gumagamit nang FAST FORWARD , hindi kasi ako magaling sa detalye and ayoko nang ipublish pa yung hindi na masyadong related na scene sa mga characters,
So ayon po HAHA 😅
And gaya nang lagi kong sinasabi na UNEDIT pa po yung story kaya may mga typos pa.
Sana naiintindihan at nakakasunod po kayo sa story kahit hindi ko pa sya naaayos,
Sana rin mapahaba ko yung story.)

Pag uwe ko sa bahay ay nag aral ako nang mga lectures ko,
Naglinis linis nag ayos nang gagamitin ko para bukas at saka nagpahinga.
maaga akong natulog para maaga rin ako bukas,
Ayoko kasing mauna pa sakin yung Boss ko sa office,
Baka gawin nya pa yung dahilan para tanggalin ako sa trabaho eh.

Pagpasok ko ay nag asikaso ako nang mga dapat gawin,
Lagi naman akong maaga pumapasok kaya dito na lang ako sa opisina nag aalmusal,

Maaga pa at wala pa ang iba,
Tanging ang guard at janitor lang ang nakita kong andito na sa opisina,

"Teresita"
Halos mabitawan ko ang hawak kong tasa nang kape nang may biglang magsalita sa likod ko.

"Ay anak ng kabayo!"
Sigaw ko,

"Ang gwapo ko namang anak nang kabayo"
Saad naman nito

"S-sorry po Sir, nagulat kasi ako kape po Sir?"
Alok ko sakanya nang kape

"Bakit masarap ka ba?"
Tanong nito sabay sipat nya sakin mula ulo hanggang paa.

Hindi naman ako nakasagot,
Napayuko na lang ako sa tanong nyang yon sakin.
Ramdam ko ang pamumula nang mukha ko,  at pangangati nang palad ko dahil gusto ko syang sampalin
Tong manyakis talaga na ito,

Nag angat ako nang ulo at seryosong tumingin sakanya.
"Binabastos mo ba ko?"
Taas kilay kong sabi sakanya.

"Why?"
Maang maangan nyang tanong

"Anong ibig mong sabihin?"
Tanong ko rin,

"Masarap ka bang magtimpla nang kape"
Sabi nya.
"Nabastos ka na ba don?. O baka bastos ang nasa isip mo?"
Dugtong nya.

Yung feeling na parang gusto ko na naman lamunin na ko nang lupa sa kahihiyan ,
Hindi ako nakasagot,
Nakatingin sya saakin kaya nag iwas na lang ako nang tingin ,
Ano ba yaaaaan.
Pahiya na naman ako,

Silence

Silence

Silence

"Why so Early?"
Basag nito sa katahimikan,

Napalingon naman ako sakanya at nakita kong nakatingin pa rin ito sakin.
"M-maaga po talaga ko pumapasok"
Sagot ko.

"To my office now"
Sabi nito bago ako tuluyang iwanan dito,

Grabe naman yon,
Palagi na lang akong napapahiya sa mokong na yon.
Haist, makapunta na nga sa office nya nang matapos na to,

Kumatok ako bago pinihit ang saradura nang pinto,
Nakita ko syang nakaupo sa mini dining table,
Pumasok ako sa loob at lumapit sakanya.
Nakita kong kumakain sya ,
May isa pang plato at tea sa lamesa.

"Seat"
Sabi nya wow parang aso lang ah, seat seatin ko yang mukha mo eh

Kumunot naman ang noo ko,
Pero imbis magprotesta ay sinunod ko na lang,
Alam ko namang hindi rin ako mananalo kung makikipagtalo ako sakanya.

"Eat"
Muli na naman nyang utos,
Nakakabwesit na talaga.
Baka naman sunod na sasabihin nya play dead,
Baka ihampas ko na tong inuupuan ko sakanya.

Nag iinit na talaga ang ulo ko sa mokong na to,
Hindi ko sya sinunod . Nakaupo lang ako pero hindi ako kumain.

"Kumain ka na, sabayan mo ko"
Sabi nito

"No thanks Sir, may coffe na po ako sa labas"

"Do i have to please you?"
Sabi nito

Napangiti ako nang bahagya sa isipan ko, ang tanong eh kung kaya mo kayang mag please diba, naku hwag nga ako -__-

"Sige nga?"
Hamon ko

Matagal syang nakatingin sakin,
I knew it he cant do it.
After 2 to 3 minutes he sign.
"Teresita please? Join me"
Sabi nito

Totoo ba?.
Sinabi nya nga?.
Wow marunong na sya magsorry ibig sabihin tao na sya .
Whahahaha 😄

Pero pasalamat sya at nag please sya kung hindi ayokong sumabay sakanya noh,
Saka pasalamat sya mukhang masarap tong almusal nya.

Kumain na ko tutal pinipilit naman nya ko,
At hindi ako nagkamali ang sarap nga nang pagkain,
Tahimik at seryoso lang syang kumain, malungkot ang mga mata nya, parang may malalim na iniisip,
Siguro na mimiss na nya si Maam Anastasia

"Sir may problema po ba?"

"Bakit?"

"Malalim po kasi yung iniisip mo, namimiss nyo na po ba si Maam Anastasia"
Ewan ko kung bakit ko biglang natanong yon .

"Namimiss?. You know what Love and i are always together,  minsan okay rin yung may space"
Sabi nito at hindi na ginagalaw ang pagkain nya.

Hindi na ako sumagot, sya yan eh.
Gusto nya yan bakit ko sya kokontrahin

Ayaw na nya kumain?.
Ang sarap sarap pa naman nang pagkain tapos ayaw nya na agad.

"Teresita, sorry nga pala. Sorry kasi nalaman kong dahil sa pagbibiro ko na buntis ka tinanggal ka daw sa pagiging student council"
Sabi nya

Mukha namang sincere ang sinasabi nya
"Okay lang po yon sir"
Sagot ko.
Marunong palang magsorry to

"Sorry rin, sa nangyare nung first meet natn. Believe me I didn't know,  I thought youre .... Ahhhmm.."
Nahinto sya sa gusto nyang sabihin.

"Prostitute?"
Dugtong ko sa gusto nyang sabihin.
"Tapos na yon, ilang beses na natin napag usapan ayoko na rin balikan pa yung usapang yon"
Seryosong sabi ko.

Tapos na yon,
Nangyare na at kahit habang buhay akong magalit sakanya wala na kong magagawa pa,
Mabuting gawin na  lang ay mag move on at kalimutan ang masasamang nangyare sa nakaraan.

Sandali pa syang natahimik bago muling magsalita.

"Thank you for joining me here"
Sabi nito.

"Sir?. Pwede po bang humingi nang favor? Kung okay lang naman po".
Lakas loob kong sabi sakanya.

Hindi ito sumagot seryoso lang syang nakatingin sakin,
"Pwede po bang TJ na lang ang tinawag nyo saakin"

Hindi ito sumagot , pero naniniwala ako sa kasabihang "silence means YES"
Sana naman para tuluyan ko na syang mapatawad hwag na nya akong tinatawag na TERESITA,

Matapos kumain ay lumabas na ako nang opisina ni Sir,
Nagulat ako nang paglabas ko ay madami nang tao,
Ganon ba ko katagal kumain sa loob?.

Napansin kong iba na naman ang tingin sakin ni Princess,
Tingin na may kahulugan at pang aasar na naman.
Iniintindi ko na lang sya dahil loko loko sya hahaha.

Basta ako medyo happy kahit papano kasi nabawasan ang inis ko sakanya,
Hindi ko kasi inaasahan na magsosorry sya alam at aminado sya sa nagawa nyang kasalanan sakin kaya nakakaluwag sa pakiramdam.

Gaya nang kahapon ay naging busy kami,
Sa trabaho ,
Kami ni Ms.Airish ang umattend sa ibang meeting .
Dahil busy si Sir Nathaniel sa kakasuyo kay Ms.Alora,

---
Pa follow naman
Pa follow naman
Pa follow naman

cayeLOVES 💜💕
---

My Boss Is A JerkWhere stories live. Discover now