CHAPTER.31

277 4 1
                                    

( unedit pa po tong story na to, kapag natapos ko na lahat saka ko na lang po aayusin mga Typos ko.
Paki'intindi na lang po ^^
LoveLove💓 )

"dont tell me, maghihintay ka dyan?. Ang init kaya"
Lumapit ito sa akin at hinila na ako papasok sa loob nang bahay.

Pagpasok namin ay sobrang na amaze ako sa ganda nang loob nang bahay,
Pang mayaman talaga yung mga gamit nila at ang flat screen tv,
Ang lake 52 inches yata,
Hindi ako sure, pero basta ang lake.
Ang ganda rin nang sala set, at nang mga stereo system nila. May Xbox pa.

"Hey?--"
Tawag sakin ni Luke, masyado na yata akong na amaze ah.
"--kukunin ko lang gamit ko sa taas. Upo ka muna"
Sabi nya at inakay ako at pinaupo sa sofa.

Paakyat na sya nang hagdan nang biglang may isang magandang babae ang lumabas sa isa sa mga pintuan dito sa baba.
Maganda at mukha rin syang anak mayaman.
Nakasuot sya nang mga glove pang hugas nang plato.

"Luke?"
-ate girl

"Ow, mandy? Andito ka pala"
-Luke

"Yea, oh you?. What are you doing here, you have class right?"
- ate girl

"Uwian na kaya, im just getting my things here"
-Luke

Napatingin naman sa akin ang babae,
Napansin kong parang nagulat sya nang makita ang presensya ko.

"Ow mandy this is Thesa--"
Ano daw?. Thesa?. THESA?.
Kailan pa ako nagpalit nang pangalan?.
Wala akong matandaan.
"--thesa, this is Mandy, cousin nang best friend ko"
Sabi ni Luke,
Wow makangiti parang wala lang ah.

"Hi thesa, want some juice or soft drinks?"
Sabi sakin ni ate girl Mandy.

"Ay hindi na salamat, pauwe na rin ako eh"
Napatingin ako kay Luke.

"Yea, bihis lang ako ah, ahm. Mandy?"
Sabi ni Luke , parang hinahabilin ako sa friend nang cousin nya.

"Yhea yhea go ahead"
Sabi naman nito.

Tuluyan na ngang umakyat si Luke sa taas,
Lumapit sakin si Mandy at umupo sa sofa.

"Well, hi Again. So...
Your Luke's ?"
Sabi nito na parang nang uusig.

"Friend"
Mabilis kong sagot.

"I see"
Sabi naman nito,
Sabay kaming napatingin nang bumaba si Luke,

Naka school uniform na sya at dala ang pack bag nya.
Bakit nagsuot ulit sya nang school uniform?.
Eh pauwe na rin naman na sya diba.

Lumapit sya sakin at inaya akong tumayo.
"Mandy we have to go"
Sabi ni Luke kay Mandy.

"Why so Early?"
-mandy.

"I need to bring her home kasi eh, sige na una na kami"
-Luke

Tumango naman ito at bahagyang ngumiti sa akin.
Lumabas na kami ni Luke sa bahay nag wave naman sya kay Mandy bago kami tuluyang umalis.

Nasa byahe na kami nang muling magsalita si Luke.
"Okay ka lang?"

"Uo naman"

"Bakit ang tahimik mo?"

"Wala lang"

Nakita ko syang tumingin sa side mirror para tignan ako.
Ngumiti ito sa akin.
"Want some ice cream?"

Hindi ako sumagot.
Hindi ko rin alam kung bakit parang wala ako sa mood.
Samantalang okay lang naman ako kanina.
Siguro ay dahil pagod na rin ako sa maghapong trabaho at schooling.

"Hindi na Luke, gusto ko na kasing umuwe"
Malumanay ang pagkakasabi ko.

Hindi na muling nangulit si Luke,
Hinatid na nya ako sa bahay.
Bumaba ako at inayos ang suot ko.

Agad rin syang bumaba nang ma stand na nya ang motor at tinanggal ang nakasuot sa akin na helmet.
Yung totoo?.
Kailangan de'kabit at tanggal?.
Marunong rin naman ako magtanggal noh,

"Salamat ah"
Sabi ko.

Tumango naman ito at ngumiti.
"Ahm, do you mind if maki'inom ako nang tubig"

Nagulat ako sa sinabi nya.
Seryoso?.
Eh kung sabihin ko kayang bumili na lang sya sa tindahan nang tubig or soft drinks.
Mamasamain nya kaya yon?.
Bakit kasi hindi pa sya don umiinom sa bahay na pinuntahan namin kanina.

"Kung hindi pwede oks lang"
Sabi nito at mukhang aalis na.

Nakunsensya naman ako,
Sympre dalawang araw na nya akong hinahatid.
Nilibre nya pa ako.
Mabait naman sya sakin.
Siguro okay lang naman kung pagkatiwalaan ko sya.

"Sinabi ko bang hindi, tara na"
Sabi ko at nagpaunang lumakad.

Nasa tapat na kami nang pinto ng bahay nang muli syang magsalita.
"Sure ka okay lang?.baka pagalitan ka ah"

Napangiti na lang ako at tuluyang binuksan ang pinto.
"Hwag kang mag expect dito, hindi to kagaya sa bahay na pinuntahan natin kanina"
Sabi ko sakanya habang pumapasok ako.
Nakasunod naman sya sakin.

Kumuha ako nang isang basong tubig at inabot sakanya.
Nakita ko namang busy ang mata nya dahil nililibot nito ang kabuohan nang bahay.

"Who's with you?"
Maang na tanong nya sakin.

Ngumiti ako
"Wala"

"What?. Asan parents mo?."

"Patay na ang Papa ko, mag isa lang ako dito sa manila kasi nasa probinsya ang mga kapatid ko at Mama ko"

Biglang lumungkot ang mga singkit nyang mata.
Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip nya , pero ang alam ko ay sa mga oras na to kinakaawaan na nya ko.

"Oh bakit?"
Tanong ko.

"Wala, edi sinong kasama mo dito?"

"Ako lang"

"Sinong nag poprovide sa expenses mo sa school, nang mga kailangan mo"

"Ako lang rin, working student ako. Scholar rin ako sa school kaya nga tinitiis ko sa school na yon kasi ilang taon na lang gagraduate na ko"
Paliwanag ko sakanya.

"Talaga?. Working student ka?.anong trabaho mo?. Saan ka nagtatrabaho?."

"Assistant ako sa isang kompanya"

"wow, grabe nakaka inspire ka, you know what you deserve the scholarship"

"Talaga?. Alam mo ikaw na lang ang nagsasabi nyan sakin. Lahat sila hindi yan ang nakikita tungkol sakin"

"Just dont mind them noh. Hayaan mo nga silang bumula ang mga bibig sa kakapanira sayo"

"Haha sira ka talaga"

"You know what your strong. Kinakaya mo mag isa, ako?. Parang i cant imagine my life without the money from my parents"

"Eh kasi anak mayaman ka"
Sabi ko sakanya ngumiti lang ito sakin saka nag palakad lakad sa maliit kong bahay.

At talagang feel at home na sya dahil kinakalkal at pinapakelaman na nya ang lamesa at kusina,
Pati ang mga hanging kabinet sa kusina at lagyanan nang bigas ay pinakelaman na nya.

---
Havana O'nana 😂
Haha, narinig ko lang sa pamangkin ko,

Try ko po mag update nang every day.
Wish me Luck.

CayeLoves 💜💕
---

My Boss Is A JerkWhere stories live. Discover now