CHAPTER.77

245 7 0
                                        

Mabilis lumipas ang oras,
Umuwe ako sa condo pero napakunot ang noo ko nang nasa pinto pa lang ako rinig ko na ang sounds mula sa TV

Nakita kong nakaupo si Nathan at seryosong nanunuod nang TV,
Lumapit ako at inilapag ang bag ako
Agad naman itong napalingon sakin

"Sabi mo Late kang uuwe"
Sabi ko at nagpunta sa kitchen
Kumuha ako ng tubig at uminom

Kamuntik ako masamid nang makita syang nakatayo sa pinto ng kitchen at nakatitig sakin,
"Bakit?"
Tanong ko

"Wala naman..--"
Sabi nya sabay
"Yung meeting ko, na cancelled"

"Okay, sige magluluto na ko ng dinner"
Sagot ko naman

"Okay ka lang ba?"
Tanong nya ?.
Huh??. Oo naman sagot ko sa isip ko pero hindi ko naisaboses pa,
Nakatingin lang ako sakanya

"Pagod ka ba?. Kung pagod ka hwag ka na magluto, mag order na lang tayo"
Sabi nya pa

Ngumiti ako nang pilit,
Hindi ko rin talaga alam kung bakit parang wala akong gana ngayon,
"Hwag na, magluluto ako"
Sabi ko

Dahil nga sa binili nya ako ng cooking book ay may iilan na rin akong alam na lutuin,
Magluluto ako ngayon ng chiken curry
Abala ako sa pag gagayat ng mga rekado habang si Nathan ay nanunuod ng TV,

Napapaisip ako habang nag aasikaso dito sa kusina,
Hanggang kailan kaya ang Wife figure ko sa bahay na ito?.
Kung titignan para kaming mag asawa,
Pero bakit?.
Bakit ako pumapayag ?.
May nararamdaman na ba ako kay Nathan?.
Gusto ko na ba talaga sya?. Gusto rin kaya nya ako?.

Sa lalim ng iniisip ko ay hindi ko namalayan andito na pala ulit si Nathan sa harap ko,
Hindi ito nagsasalit at seryoso lang na nakatingin saakin,
Ang gwapo ni Nathan,
Kahit nakangiti , tumatawa at kapag seryoso.
Ano kaya ang iniisip nya ?.
Iniisip nya rin bang maganda ako,
Walang nagsasalita saamin,
Nakatingin lang kami sa isat isa,

*DINGDONG!!.....DINGDONG!!....*

Mabilis naman napakunot ang noo ko,
"Nag order ka?.diba sabi ko sayo hwag ka nang mag order dahil magluluto ako ng dinner"
Inis na sabi ko,

Lumapit ito saakin
"Hindi po ako nag order, ang sungit mo naman ngayon Love, may period ka ba"
Sabi nya sabay hawak sa chin ko

Nag iwas ako ng mukha sakanya at nag roll eyes.
Ewan ko ba bakit parang ang sungit ko nga ngayon,
Kanina pa to sa school eh,

*DINGDONG!!...DINGDONG!!...*

Inis na inilapag ko ang kutsilyo na hawak ko at lalakad sana papuntang pinto para tignan kung sino ito,
"Hep! Hep!.. Ako na, baka magulpe mo pa kung sino man yung nagdodoor bell"
Natatawang awat nya sakin,

Muli akong bumalik sa paghihiwa ng mga rekado,
Maya maya ay biglang bumalik si Nathan na parang aligagang aligaga,
Patuloy pa rin ang pag doorbell sa pinto.

"Come!!"
Sabi nya,

Nabitawan ko ang kutsilyong hawak ko,
Naguguluhan man ay sumusunod ako sakanya sa pag hila nya saakin,
Hawak nya ang kamay ko at hila hila papunta sa kwarto..

"No.. Dito pala dito"
Mahinang sabi na naman nya

Tuluyan nang nagsalubong ang kilay ko
"Nathaniel ano ba!!"
Sabi ko pumiglas mula sa pagkakahawak nya saakin.

"Sssshh!!.."
Sabi nya sabay hila na naman sakin at dinala ko sa likod ng kurtina...

Mahaba at makapal na kurtina dito sa sala ,
Malapit sa papuntang Mini terrace ng condo unit nya.

My Boss Is A JerkWhere stories live. Discover now