"Tatayo ka na lang ba dyan?"
Tanong nya.Nagpantig naman ang mga tenga ko,
"Ano bang gusto mong gawin ko?"
Pagtataray ko"What?"
"A-ah eh ang ibig ko pong sabihin, may iuutos po ba kayo sakin?.kasi kung wala lalabas na po ako"
Sagot ko."Nga pala kakasabi mo lang kanina na ayaw mo akong makita o makusap, ano?. Magreresign ka na ba?"
Aba't talagang bwesit na to ah,
Alam ko yung mga sinabi ko.
Kailangan talagang ulitin?.
Kailangan talagang ipamukha sakin na talo ako sa laban na to,Kahit inis na inis ay ngumiti ako nang peke
"Alam mo po sir bipolar po kasi talaga ko eh, may mga tao talagang minsan ayokong makita o makausap meron ring namang gusto kong makita at makausap--"
Sabi ko sabay mahinang tawa.
"--hehe alam mo na, paiba iba para masaya"
Lakas makatanga nang palusot ko noh?."Whatever"
Walang ganang sagot nya.
May pag gesture pa lumayas ako sa harap nya.Ngumiti ako nang mapait sakanya,
Bago tuluyan syang talikuran at lumabas nang office ni Maam.Anastasia na ngayon ay office na rin nang mokong na yon.Ilang oras rin ang lumipas.
Tuliro ang utak ko sa lahat nang nangyare.
Hanggang sa napansin kong malapit na ko mag out.May trenta minuto bago ako tuluyang mag out ay ginawa ko ang nakasanayan ko na nang pagpapaalam sa boss ko,
Ang magtanong kung may iba pa bang iuutos bago ako mag out."Ms.Airish?."
Tawag ko."Yes Ms.Cruz"
"Hmm, matagal pa po ba si Maam.Anastasia?. Kasi po malapit na kong mag out, magpapaalam po sana ko"
"Naku baka matagal pa yon. Kay Sir.Nathaniel ka na lang magpaalam andon sya sa loob"
Sabi naman ni Ms.Airish"P-po?"
"Sige na, magpaalam ka na don. Alam mo bukas sya na ang makakasama natin sa kada meeting na pupuntahan natin, sanayin mo na sarili mo"
Paliwanag ni Ms.Airish sakinHalos lakad pagong ang ginawa ko
Naku naku naku
Kung mamalasin ka nga naman talaga oh.
Huminga ako nang malalim bago tuluyang pihitin ang saradura nang opisina ni Maam.AnastasiaNakita kong seryoso syang nakatingin sa monitor nang desk top ni Maam.Anastasia
Nakuha ko naman agad ang pansin nya nang nakadungaw ang ulo ko sa loob nang silid.Nakita kong biglang kumunot ang noo nya.
"Dont you know how to knock?"
Masungit na sabi nito.Aaay, uo nga pala.
Hindi ako nakapagpasabi na papasok ako sa loob nang opisina,
Ano ba naman TJ ,
Umayos ka nga sa bawat kilos mo."S-sorry po Sir, t-tatanong ko lang po sana kung may ipapagawa pa po kayo sakin, malapit na po kasi akong mag out"
Saglitan naman itong natahimik,
"Okay, go to the graphic artist department. Get their names and address with signature"
Seryosong sabi nya.Mabilis naman akong napatigin sa relo ko,
20minutos na lang ay out ko na.
"P-pero sir, malapit na po ako mag out.""And so?"
"Baka po kasi hindi ko matapos kasi ang dami pong graphic artist"
"Are you saying that you cant do this?--"
Seryoso ang tono nya.
Ano bang problema nito sakin?.
Talaga bang pinagtitripan nya ko.
"--if you cant, then why are you asking me kung may utos ako"Tahimik lang ako at seryosong nakatingin sakanya.
Pinipigilan ko ang sarili kong maiyak.
Ayokong ipakita sakanya na mahina ako at hindi ko kaya."Get out"
Seryosong sabi nya.Agad naman akong lumabas.
Pagkasara na pagkasara ko nang pinto ay
Nagmadali akong magpunta sa rest room,
Don ko binuhos ang lahat nang inis ko."Bwesit ka talaga!! Bwesit!. Bwesit!!. Ang yabang yabang mo, akala mo kung sino ka ha!!. Malas ka sa buhay ko malaaaaaas!!"
Bulong ko sa sarili ko.Matapos kong ilabas ang 1/4 nang galit ko ay inayos ko ang sarili ko,
Sampung minuto bago ang Out ko."Kaya mo yan Tj, kayang kaya mo yan"
Parang sira ulo naman akong kinakausap ang sarili ko sa harap nang salamin.
Huminga ako nang malalim bago tuluyang lumabas nang rest room.Dumiretcho ako sa Graphic Artist Department.
Lahat sila ay abala,
Mariin akong napapikit ,
Sabay nang pagdilat ko ang pag ngiti ko na parang wala lang nangyare.At inumpisahan nang lumapit isa isa sa mga graphic artist.
Gaya nang sabi ng bago kong boss na pinsan ni Lucifer
Kinuha ko ang mga pangalan address at signature nang bawat isa dito sa graphic artist department.Nang matapos ako,
Nakita kong 15 minutes na lang at tapos na ang unang subject ko.
Hindi ko na napasukan , Haist !
Mabilis akong bumalik sa opisina ng boss ko,Inayos ko ang sarili ko ,
Kumatok nang tatlong beses bago tuluyang pumasok sa loob.Nakita kong nasa loob si Ms.Airish kausap ang bago kong boss.
Nakita ko namang gulat na napatingin sakin si Ms.Airish at napatingin sya agad sa relo nya."Ms.Cruz andito ka pa pala, akala ko nakauwe ka na"
"May pinagawa po kasi si Sir Nathaniel--"
Sagot ko,
Lumapit ako sa table nya at inilapag ang dalawang papel kung saan nakasulat ang mga pangalan address at pirma nang mga graphic artist
"--Sir, ito na po"Nakita kong napakunot ang noo ni Ms.Airish,
Bago ito lumabas nang silid.Kinuha ni Magaling na magaling na Nathaniel ang papers.
Wala pa yatang dalawang minuto nyang tinitignan ang hawak nyang papel tapos ay nilukot na nya ito saka pahagis na itinapon sa basurahan malapit sa table nya.Ganon lang?.
Ni hindi nya binasa?.
Kahit nga tignan parang hindi nya ginawa.
Tapos itatapon nya.
Hindi ko napasukan ang unang subject ko dahil don tapos ganon lang?."S-Sir?"
Ngatal kong sabi."You can leave now"
Prenteng sagot nya.Alam nyo yung feeling na gusto ko syang lapitan at sabunutan sa makapal nyang kilay .
Inisa isa ko lahat nang graphic artist,
Lahat , as in LAHAT!. Pati yung mga maarte masusungit makukulit mapang inis.
Tapos ganon lang?.
Itatapon lang.?.
Akala ko naman importante kaya nya pinagawa sakin yon."What?"
Tanong nya nung hindi ako umalis at nakatingin lang sakanya."B-binasa nyo na po ba?. parang hindi nyo pa po kasi nababasa lahat Sir. Tapos tinapon nyo na"
Sagot ko."Are you telling me what to do?. Are you the Boss?"
Agad naman akong napayuko ,
Nangingilid na kasi ang luha ko at ayokong makita nya ito."I-im sorry sir"
Mahinang sabi ko nang hindi sya tinitignan."I said Leave NOW!"
At talagang in'emphasize nya ang salitang nowMabilis akong lumabas nang silid
Kinuha ko ang mga gamit ko.
Mabilis na nagtungo sa elevator at nilisan ang bagong empyerno nang buhay ko.Habang nasa elevator ay hindi ko mapigilang hindi umiyak nang umiyak.
Sobrang bigat lang sa pakiramdam.Kahit pa naglalakad ako palabas nang building at sa pag iintay nang jeep ay umiiyak pa rin ako.
---
ang harsh naman ni Sir Nathaniel,
Sarap kurutin yung pisngi gamit yung nail cutter.CayeLoves💜💕
---

YOU ARE READING
My Boss Is A Jerk
Romance"Yung best enemy mo naging Boss mo, what a Life diba, ang sarap mabuhay"?