CHAPTER.51

258 5 0
                                    


C.51
mabilis akong bumalik kung saan ko natapunan si Ms.Alora nang kape.

Nakita kong padating na rin si Sir
Galing sa office nya.
"Whats happening here"
Kalmadong tanong nya.

"S-Sir, si Ms.Alora po natapunan ng kape"
Sabi ni Ms.Airish

"What?!! Panong natapunan ng kape? "
Gulat na tanong nya.

"Eh k-kasi  po si TJ "
Nauutal na sabi naman nang janitor

"Where is Ms.Alora?. Saan sya nagpunta?"
Tanong ulit ni Sir. Nite

"Bumaba po Sir eh"
Sagot ulit nang janitor

Tumingin muna ito nang masama saakin bago tuluyang umalis.
Pababa sya nang building.
Siguro ay susundan nya si Ms.Alora

Naku lagot ako nito,
Ilang beses pa naman nyang sinusuyo suyo si Ms.Alora tapos ito ako at sisirain ang pinaghirapan ni Sir.
Malas ba talaga akong tao?.

Nasa table ako at hindi mapakali kung ano nang balita kay Ms.Alora at kay Sir.Nite,
Nahabol kaya sya ni Sir?.
Siguro oo,
Kasi kung hindi ay dapat bumalik na si Sir dito sa office.

Wala akong tigil sa pag tap nang ballpen ko sa lamesa ko,
Sa kakaisip ko kung ano nang nangyare.
Totoong nag aalala ako para kay Ms.Alora dahil sobrang init nang kape.

Kung ano nga na hindi maselan ang kutis napaso eh,
Pano pa kaya si Ms.Alora na sigurado maselan ang balat.

Nilagyan ni Ms.Airish nang gamot ang kamay kong napaso,
Pero halos hindi ko maramdaman ang sakit dahil sa kabang nararamdaman ko.

Maya maya ay dumating na si Sir Nite,
Mukhang dismayadong dismayado ang itchura nya.
Pumasok sya deretcho sa office nya

Mukhang galit
Nakayukom ang mga kamao nya
Dumaan sya sa harap ko na parang hindi ako nakikita.
Ni hindi nya ako tinignan.

Matapos ang insidenteng yon,
May mga meeting syang pinuntahan pero hindi nya ako pinapatawag.
Puro si Ms Airish ang tinatawag nya.
At sinasama nya na dati naman ay ako.
Siguro ay galit talaga sya sakin dahil sa ginawa ko.

Nang matapos ang meeting nya ay nagkulong na lamang ito sa loob nang office nya.

Malapit na ako mag out pero natatakot akong magpaalam.
Nilakasan ko ang loob ko para makapagpaalam na.

Kumatok ako nang tatlong beses bago tuluyang pumasok sa loob.
Nakita kong nakaupo dito at marahang hinihilot hilot ang kanyang sintido.

"S-Sir?. P-paalis na po ako"
Pikit mata kong sabi,

Handa na sana akong masigaw sigawan o masabihan nang tanga , boba . Lampa at kung ano ano pa o mabato nang kung ano na mahahawakan nya pero
Hindi nya ginawa.

Hindi nya ako tinitignan pero tumango lang ito sakin.
Huh?. Ganun lang?.
Wala syang sasabihin o gagawin?.
Hindi nya ko papagalitan?.
Parang mas nakakakonsensya naman kung hindi nya ako papagalitan o pagsasabihan.

"S-Sir? Sorry po"
Sabi ko

Pero wala pa rin syang sinabi at muling tumango lang saakin.
Halaaaa , ganun ba sya magalit?.
Nakakaguilty na talaga.

Wala akong nagawa kundi ang magpabuntong hininga at lumabas na nang opisina nya.

Lumapit ako kay Ms.Airish at nagpaalam na aalis na rin,
Sinabi nitong okay lang yon dahil aksidente lang naman ito.

Nakarating ako sa school na may mabigat na nararamdaman,
Hanggang school dala ko ang pagkaguilty dahil pakiramdam ko ay ang laki nang kasalanang nagawa ko.

My Boss Is A JerkWhere stories live. Discover now