CHAPTER. 6

433 7 0
                                    

TJ PROV'S

Sobrang dami ng dala kong folders, mga projects namin ng mga classmate ko. Ako ang inutusan ng prof namin na magdala nito.
Bukod kasi sa president ako ng student council ako rin ang president sa room namin.
Pero lahat ng prof namin ako ang inaasahan gustong gusto nila ako.
Naririnig kong nagtitilian ang mga babae at mga bulong bulungan.
Hindi ko alam kung bakit dahil sa dami ng dala ko hindi ko na makita pa ang pinagtitilian nila.
Biglang naglaglagan ang ilang folders na dala ko.
Tumigil ako para damputin ang mga folders dahil alam ko namang walang tutulong sakin kasi maaarte at pa sossy ang mga schoolmate ko
Pero biglang may dumampot ng folders at inilahad saakin.
"Thankyou" ngumiti ako nang maabot ang folders. Pero biglang napalitan ng gulat na may kasamang takot ang matamis kong ngiti nang makita ko kung sino ang nasa harapan ko.
Malamang sya ang tinitilian ng mga schoolmate ko,
Ramdam kong umiinit na ang mukha ko pawis na pawis hindi ko alam kung anong gagawin ko.
Pano syang nakapunta dito.
Bakit andito sya.
Anong kailangan nya
Ako ba ang ipinunta nya dito
Ang daming tanong ang tumatakbo sa isip ko.para akong napako na kinakatayuan ko.
Hindi ako agad nakagalaw sa sobrang pagka gulat.
"Hey! Are you ok?" Sabi nya. Don lang ako natauhan, tumango ako sakanya at biglang tumalikod.
Lumakad ako ng mabilis, lakad na parang tumatakbo na.
Hindi ko alam kung bakit pero basta ayoko lang syang makita.
"Welcome!!" Rinig ko ang sinabi nya pero hindi ko sya nilingon.
Naririnig ko pa ring nagtitilian ang mga ka schoolmate ko kinikilig pa nga ata.

Bumalik ako sa room.
Nakita ko ang classmate ko at nakiusap na baka pwede sya na lang ang maghatid ng folders namin.
Agad naman syang pumayag dahil minsan lang naman ako mag utos siguro ay napansin nila na humahangus ako kaya pumayag rin sya
Biglang tumunog ang bell, ibig sabahin ay break time na.
Para akong natuyuan ng lalamunan sa nangyari kanina kaya bigla akong nakaramdam ng matinding pagka uhaw.
Nagdisisyon akong magpunta ng canteen,
Kakain na rin ako break time naman na.

Sakto hindi pa masyadog madaming tao.
Yung building kasi namin ang pinakamalapit sa canteen, isang floor lang ang bababaan.
Agad akong pumili ng kakainin at pumila para makapag bayad na dahil dumadami na rin ang mga tao .
Nung malapit na ako ay rinig ko ang bulong bulungan .
"Sus ano na naman yun" sabi ko saking isipan.
Maya maya pa ay sobrag dami na ng tao.
Nang biglang may kumalabit sa balikat ko.

"miss - " sabi nito kaya lumingon ako, napakunot ako ng noo nang makita ko kung sino ang kumalabit sa balikat ko.

"Aba!! Sya na naman, bakit ba sunod ng sunod to. Stalker lang? Ano ba talagang kailangan nya!!" Sabi ko saaking isipan

Makaiwas na nga lang, mamaya na nga lang ako kakaen. Bwenibwesit talaga ako ng lalaking to e.

"Tabe!!" Yun lang ang sinabi ko at tinabig ko sya. Naku kung pwede ko lang sapakin ginawa ko na talaga.
Sympre rinig ko ang bulungan at nakatingin samin ang mga tao.
Naku, makapag walk out na nga lang -__-
Derederetcho kong tinahak ang pinto ng canteen at umexit ng bongga .

"Bwesit! Nakakabwesit na talaga!" Sabi ko kahit wala naman akong kausap
Muli ay bumalik ako sa classroom nang gutom at uhaw
Kaasar diba nakakaasar ng bongga .

Nakaupo ako at sinusubukan kong pakalmahin ang aking sarili nang lapitan ako ng kapwa ko scholar na si Nica.
Mahirap rin syang tulad ko .

"Tj! Tara punta na tayo kay dean, magpasign na tayo ng form natin" sabi nito
"Ngaun na ba?" Tanung ko sakanya
"Uo be, kasi may klase na ko maya maya"
Yun lang at tumango ako inayos ko ang sarili ko saka tumayo na.
"Tara na mamaya pa naman klase ko" sabi ko.

My Boss Is A JerkWhere stories live. Discover now