CHAPTER.68

237 8 0
                                        

At the end sympre dahil sya ang boss , sya parin ang nanalo.
Kumain kami ng sabay tahimik walang imikan, actually parang hindi naman talaga kami kumain, dahil kinakalat at ginuhulo gulo ko lang yung pagkain sa plato hindi ko naman kinakain, at ganun rin sya.
may ilang ulit syang nagpabuntong hininga dahil siguro sa ramdam nyang parehas na madilim ang awra namin.

"Teresita,."
Sabi nya, ako naman ay nakatingin lang ng seryoso sakanya.

"...uhmm,. A-Ano ahm."
Pautal utal na sambit nya

"Ano po ba yun Sir?."
Tanong ko
Pero hindi parin ito nagsasalit, puro "ahm. Ahh. Ano, ahmlang ang sinasabi nya. Parang sirang plaka, ay teka hindi, parang sira uLo lang -___-
"Sir lalabas na po ako"
Tatayo na sana ako nang ....

"Im sorry...."

Narinig kong bulong nya,
Teka, tama ba?. Nagsorry sya?.
Wow marunong syang magsorry.

"A-Ano ho yun Sir?"
Tanong ko,

"Tsk!!"
Asik naman nya,

Sus, mali lang siguro ko ng rinig,
Saka bat naman sya magsosorry eh diba nga sya ang boss dito kaya sya ang laging may tama, as in may TAMA SA UTAK!!

"Thankyou for the Lunch Sir"
Sabi ko at tuluyan nang tumayo

"I said im Sorry okay !!?. Sorry!! Just sit down!"
Sabi nyang nakatingin sa ibang dereksyon

Tinignan ko lang sya na dahan dahang tumingin sakin,
Nakita nyang nakatitig ako sakanya,

"What?!!"
Anas na naman nya sakin

I just roll my eyes to him,
Ano pa nga bang aasahan natin diba, baka ganyan na talaga asal nya
Yung tipong magsosorry tapos maiinis na naman,

"Okay, apology accepted"
Sabi ko na lang,

"K!"
Oh kita moto, pa K, K na lang sakin, ang sarap talaga sampalin ng pinggan eh.

"Sir lalabas na po ako, madami pa akong tatapusin sa labas"
Paalam ko

"Iuutos ko na yon sa iba, ayusin mo na lang yung mga files sa table ko"

Alam nyo yung feeling na pinapaayos nya sakin yung mga dati nang ayos,
So anong gagawin ko ?.
Pagpagan yung mga alikabok ganun ?.
Mas lalo pang nakakailang kasi tingin ng tingin, feeling ko tuloy ang ganda ko kasi nahuhuli ko syang nakatingin sakin,

Maya maya ay biglang nag vibrate ang cellphone sa bulsa ko,
Nakita ko ang pangalan ni Mama sa caller ID,
Napatingin ako sakanya at nakita kong busy naman sya sa ginagawa nya sa laptop
So i decided to answer the call,

"Hello ma?"

[Teresita, anak?]

"Ma?. May problema po ba?. Bakit napatawag kayo?!"
Anong kong may halong pag aalala
Alam ko kasing hindi basta basta tumatawag sakin si mama kung hindi importante o emergency

[Anak kasi yung kapatid mo si Twinkle, sinusumpong sa sakit nya, sabi ng doktor ipatingin daw yung resulta ng laboratory nya dyan sa maynila]

Dama ko ang pag aalala sa tono ng boses ni Mama,
Napakagat na lamang ako sa ibabang labi ko sa pag aalala rin,

[Baka sa isang linggo ay luluwas na kami dyan ng mga kapatid mo huh!]
Sabi ni Mama

My Boss Is A JerkStories to obsess over. Discover now