CHAPTER.32

284 5 0
                                        


Bumalik ang tingin nya sakin pagtapos nyang busisiin ang lahat nang sulok nang bahay.

"Kapag umuuwe ka sino nag aasikaso nang pagkain mo?"
Tanong nya habang papasok nang CR,
Nanlaki naman ang mata ko.
Wow feel na feel hindi man lang magpaalam muna bago makigamit nang Banyo.

"Malamang wala, eh wala naman akong kasama dito. Sa umaga minsan kapag late na hindi na ko nag aalmusal, pagdating sa office na lang . Bago naman ako pumasok sa school kapag hindi pa late ayun nakakapag lunch pa ko"

"Eh dinner?"
Sabi nya nang makalabas na nang banyo.

"Hapon na tayo nagvavacant diba, kaya pag uwe ko busog pa ko. Hindi na ko kumakain ng dinner minsan"

"Kaya pala ang payat mo"
Sabi nito sakin.

"Gabe na, hindi ka ba hahanapin sainyo?"
Sabi ko naman sakanya

"Pinapaalis mo na ko?"

"H-hindi noh, kasi baka gabihin ka sa daan"

"Ganyan ka ba kapag may bisita ka?. hindi mo man lang ako inayang kumain"
Sabi nya sakin.

"Bakit nagugutom ka ba?. Sige bibili lang ako nang pwedeng kainin dyan sa labas"
Tanong ko naman.
Monggoloyd yata to eh,
Nilibre ako kanina. Tapos ngayon gusto ilibre ko rin sya.

"Hindi na, tampo na ko eh. Sige alis na ko"
Sabi nito at akmang palabas na nang pinto
Tampo talaga?. Ang arte naman nitong lalakeng to.

"Hoy Luke?. Hwag mo nga akong artehan dyan ha, tara na dito bibili na lang ako"

Pero hindi ako pinansin nito at derederetchong lumabas nang pinto.
Hala, nagalit?.
Baliw yata yon eh.
Daig pa babae sa pagiging Bipolar.

Bahala nga sya.
Ang arte arte nya.
Siguro na realize na nyang ayaw nya ako maging kaibigan kasi hindi ako rich kid kagaya nang babaeng friend nya.

Nang makaalis sya ay sinarado ko na ang pinto,
Naglinis ako nang bahay,
At nag ayos na rin nang higaan.
Naligo ako nang mabilis pagtapos ay kinuha ko ang bag ko at ginawa ang assignment ko.

Natapos ko na ang assignment ko at nakaready na rin ang gamit ko para bukas ilang minuto pa lang akong nakahiga nang may kumatok sa pinto.
Ang lakas naman nun, parang sa pinto ko ah.
Naku TJ, hwag kang asumera sa kapit bahay lang yon noh.

Pumikit ako para matulog na
Nang biglang may kumatok ulit nang tatlong beses.
Napaupo ako mula sa pagkakahiga,
Sa pinto ko ba yon?.
Eh sino naman kaya ang pupunta dito sa ganitong oras, mag aalas nuebe na eh.
Saka wala naman talagang nagpupunta dito sa bahay.

Baka hindi yon dito.
Baka sa kapit bahay yun.
Pahiga na sana ako nang biglang may kumatok ulit.
San ba yon?.
Tuluyan na akong akong bumangon sisilipin ko lang naman kung san yun eh.

Pagbukas ko nang pinto laking gulat ko nang makita ko si Luke na nakatayo sa labas nang bahay.
May dala dalang tatlong plastick nang grocery. At isang plastick nang andoks.

Nakatayo lang ako sa harap nya.
Bakit ang daming dala nitong baliw na to,
Ngumiti ito sakin.
"Padaan na, ang bigat kaya"
Natatawang sabi nya.

Ay baliw nga.
Knina lang nag eemote ngayon naman patawa tawa na.
May saltik yata to eh.
Tumabe ako at pumasok naman sya.

Nakita kong ipinatong nya yung mga dala nyang grocery sa lamesa.
"Hoy Luke, ano na naman?"

"San natin ilalagay tong mga to?"
Sabi nya sa hawak nyang delata at noodles, binubuksan buksan nya ang hangin kabinet sa kusina ko.

"Ha?"
Ano bang ginagawa nang abnormal na to.
Bakit ba ang dami nyang dala . Pinapakelaman nya pa yung kusina ko.

Nakita kong nilalagay na nya yung madaming uri nang delata at noodles sa kabinet.
Ang dami nyang biniling pagkain may mga biscuit kape asukal coffemate,
May mga binili rin syang pasta at souce pang spagetti.
Inayos nya rin yung mga 1liter na mga bote nang toyo suka patis at mantika.

Binuksan nya ang kabinet sa baba nang lababo at nilagay ang malalaking powder na sabon zonrox pati na rin ang mga baretang sabon.
Pumasok sya nang banyo at inilagay ang madaming sabon panligo at shampoo sa loob.

Naguguluhan man ako ay hindi ako makapag reklamo sa ginagawa nya.
Pawis na pawis na sya sa dami nang ginagawa nya.
Para syang trumpo na walang tigil sa pag ikot nang ikot sa kaka ayos nang mga pinamili nya.

Bigla naman akong matauhan nang magsalita sya.
"Whuoo!!. Ang init dito sa bahay mo"
Sabi nya nakita kong tapos na sya sa ginagawa nya.

Parang gulong gulo pa rin ako sa mga nangyayare.
Alam ko kasi kanina lang matutulog na ako pero ngayon naguguluhan na ko.

"Napapagod na ko--"
Nakatingin lang ako sakanya.
Kinuha nya ang electricfan at inilapit sakanya.
Umupo ito sa upuan.
"--paki'ayos naman to, kain na tayo"
Sabi nya habang hawak ang supot nang andoks.

Parang wala naman ako sa sarili kong sinunod ang sinabi nya.
Kinuha ko ang supot at hinain ang manok may kasama na itong kanin at sauce.

Binigay ko ito sakanya.
Nakatingin lang ako sakanya.
"Bakit isang plato lang?--"
Tumayo ito at kumuha nang isa pang plato.
Naghain sya nang isa pa.
"--tara kumain na tayo"
Sabi nito at inakay ako paupo sa harap nang hapag kainan.

"Luke"

"Yes?"

"A-ano ba tong mga to, bakit nagdala ka nang mga yan dito"

"Groceries, walang kalaman laman na groceries tong bahay mo. Bigas na lang kulang dyan. Hindi ko na kasi kayang dalhin eh"
Sabi nya na tatawa tawa pa.

"Luke wala kong pambayad dyan"

"Hindi ko naman pinapabayaran ah Kumain na tayo, alam mo masamang mag skip nang meals, lalo na yung breakfast, yun ang pinaka importanteng meals"

"Luke ano ka ba, hindi ko naman sinabing mag grocery ka diba"
Medyo naiinis na ko kasi naguguluhan na talaga ko sa takbo nang isip nang baliw na to.

"Hwag ka na mainis okay?. Sorry na.sige na kain na tayo please?"
Sabi nya at ngumiti sakin.

Wala na akong nasabi, kundi bahagya ko na lang naitaas ang isang kilay ko.
Haist, Ano bang nangyayare sa mundo ko.
Baka isang araw magulat na lang ako na magbebenta na ako nang kidney para mabayaran ang mga taong to,

---
Sana Lahat :)
Sana Lahat may mga ganitong kaibigan haha 😂

CayeLoves💜💕
---

My Boss Is A JerkWhere stories live. Discover now