CHAPTER.26

322 6 0
                                        

Lumipas ang isang buong hapon ng klase na parang gusto ko na lang lamunin ng lupa,
Kada wala professor namin ay ako ang kani-kanilang topic.
Kung kaya mas ninanais ko na lamang na hindi na umalis ang professor namin ,
Para akong isang bata na takot maiwan ng magulang dahil sa takot sa school.

Nanlulumo akong umuwe sa bahay,
Napapaisip tuloy ako. Hindi naman ako masamang tao,
Bakit nangyayare sakin ang mga bagay na ito.

"Ate Tj!" Tawag sakin ni nena,
Anak sya ng kapit bahay kong isang solo parent si ate sheryl.
Meron syang dalawang anak isang batang babae si Nena , at isang lalake batang lalake na si jimbo.
Parehas sila nasa Grade school.

"Oh nena, hindi ka pumasok?"

"Meron po , maaga lang kami pinauwe , may metting yung mga teacher" paliwanag nya sakin.

"Asan ang kapatid mo?"

"Nasa labasan po naglalaro, ate? May tao po kanina sa labas ng bahay mo"

"Ha?. Sino?" Nakamaang na tanong ko kay nena.

"Hindi ko po kilala ate, lalakeng matangkad.  Saka mukhang mayaman , nung hindi nya mabuksan yung pinto sumakay na po sya sa kotseng color black"

Wala naman akong kilalang mayaman, siguro si Nite, na naman yon.
Sya lang naman yung kilala kong may kotseng itim, at mayaman saka MAYABANG!!.

Ano na naman kaya ang kailangan ng unggoy na yon dito.
Feeling close na ba talaga sya at pumupunta punta sya dito sa bahay ko.

Ginagabe na ako nang uwe galing school dahil nag cocommute lang ako at rush hour na, kaya inaabutan ako ng matinding traffic sa daan.

Nag asikaso ako nang makakain at gumawa nang mga assignment ko sa school,
Inaayos ko ang mga susuotin ko para bukas bago matulog.
Nang masigurado kong ayos na ang lahat ay nahiga na ako para magpahinga.

KiNABUKASAN

Nag asikaso ako para pumasok sa opisina, ilalagay ko na ang uniporme ko sa loob ng bag,
Napahinto ako sa isiping panibagong araw na naman, at panibagong usap usapan na naman ako sa school.
Kung anong pagkasabik kong pumapasok noon sa paaralan ay kabaliktaran na ngayon.

Pero hindi ako dapat magpa apekto nang dahil lamang sakanila,
Madami akong mga pangarap at ayokong masira ang lahat ng yon dahil sakanila.

Pumasok na ako sa opisina .
Gaya nang dati inayos ko ang mga nagpapa set ng appointment sa amo ko,
Nabanggit rin nya na aalis sya after 2 weeks dahil meron syang bubuksan na branch sa isang malayong probinsya.
Gusto nya daw matutukan ang pag gawa at pag proseso sa bagong kompanyang ipapatayo nya don.

Mabilis na lumipas ang oras,
Tinatamad man ako pero wala akong magagawa kundi ang pumasok sa paaralan.

Inaantay ko ang pag akyat ng elevator ,
Nang bumukas ito sa tapat ko ay
Kinagulat ko pa nang makita kong nasa loob nito si Nite, itong unggoy na to. Andito na naman.

Sya lang ang nasa loob ng elevator , ilang sigundo ang inantay ko para lumabas sya dahil nasa pinakataas ng building kami kaya sigurado akong umakyat sya dito mula sa ground floor dahil may pupuntahan sya dito. Baka si Maam Anastasia,

Ano ba namang BAKA Tj?.
Talagang si Maam Anastasia ang tukoy nya dito sa opisina,
Alanganin naman na ako.
Isa pa hindi naman nya siguro alam na dito na ako nagtatrabaho.

"Down?"
Pacool na sabi nya at nakatingin sakin.

"Hindi ka ba lalabas nang elevator?"
Mataray na tanong ko.

"Nope, im going down" sagot naman nito

"Mula sa ground floor umakyat ka nang 18th floor para bumaba ulit sa ground floor? Anong akala mo dyan rides?"
Hindi ko alam kung bakit pero naiinis ako sakanya,
Alam kong bubwesitin na naman nya ko.
Ang aga namang masira ang araw ko,
Akala ko mamaya pa magsisimulang masira ang araw ko kapag nasa school na ako.

"Ang dami mong sinasabi"
Sasagot pa sana ako nang bigla nya akong hatakin papasok sa loob nang elevator saka pinindot ang ground floor botton.

"Ano ba!!. Alam mo bang ayaw kitang makasabay!" Hindi ko alam kung malakas ba o hindi ang boses ko,
Basta naiinis kasi ko.

"Ayaw mo?. Edi sana nag hagdan ka"
Sabi nya sa tonong nang aasar pa.

"Mas gusto ko pang mag hagdan, kesa makasabay ka dito"

"Alien ka ba?. Alam mo bang napaka swerte mo dahil nakasabay mo ako dito sa elevator"
Pagyayabang nya sakin, alien daw. Tsk! Abnormal talaga !

Hindi na lang ako sumagot, ayoko na lang makipagtalo sakanya.
Naiinis talaga ko sa unggoy na to.

"Pumapasok ka na pala ulit sa school, want me to give you a ride?"

"Kaya kong mag commute"

"Okay, minsan lang ako mag offer ang arte mo pa"

"Hindi ko kailangan" mataray na sabi ko kahit hindi ko sya tinitignan.

*Ting*
At bumukas na nga ang elevator, mabilis akong lumabas ng elevator.
Baka mahawaan pa ako ng virus nun eh.

Agad akong sumakay ng jeep papunta sa school ,
At ito na naman ang isa pang kalbaryo ng buhay ko.
Tipong nasa gate pa lang ako ng university ay gustong gusto ko nang matapos agad ang lahat ng klase ko,
Kung pwede ko nga lang pabilisin ang oras ay ginawa ko na.

Hindi ko na talaga na eenjoy sa loob nang school.
Tanging si Anne na lang ang kumakausap sakin.

Nang sumapit ang vacant time namin ay nagpunta ako sa canteen, dati rati ay ang daming nag aalok sakin na makishare ako sa table nila,

Pero ngayon ni isa ay walang may gustong makatabe ako sa table ,
Inaasahan ko na rin ang bagay na to.
Hindi ko na lang ito papansinin,

Humanap na lang ako nang bakanteng lamesa at kakain na lamang ako nang mag isa.
Umupo ako nagsimula nang kumain nang biglang may umupo sa bakanteng upuan sa harap ko.

"Hi, pwede makishare?"
Tanong ng isang lalake sa harap ko.

Yung totoo kuya?.
Magtatanong ka pa eh andito ka na at nakaupo na.

Hindi maitatanggi na isa syang magandang lalake,
Matangkad , maputi.  At gwapo
Ngumiti ako saka tumango.

"Hmm, Hi. By the way im Luke"
Sabi nya sabay lahad ng kanyang kamay sakin.

"Tj"
Maiksing sagot ko,
At nakipag shake hands sakanya.

Saka ako nagpatuloy sa kinakain ko,
Napansin kong tingin nang tingin sakin si Luke.
Problema nito?.
Parang ngayon ko lang sya nakita dito
Siguro transferee sya dito sa school.

Nang mapatingin ako sa paligid ko ay nakita kong ang daming nakatingin samin,
Hindi lang basta bastang tingin .
Masamang tingin kamo, mga tingin na nakamamatay na kung tawagin.
Lalo na ang mga schoolmate kong babae,
Kulang na lang ay patayin ako nang matatalim nilang tingin saakin ,

---

Paki intindi na lang po yung mga typos ko
Hindi ko na kasi binabasa ulit.
SALAMAT,

CayeLoves💕💜
---

My Boss Is A JerkWhere stories live. Discover now