CHAPTER.83

262 6 3
                                        


Pagtapos ng meeting nila Nathan , ay inutusan nya muli si Ms.Airish na tawagin ako.
Nag Oo lang ako kay Ms.Airish pero hindi ako pumunta.
Nakailang tawag rin sa company phone si Nathan at pinapapunta ako sa opisina nya pero hindi pa rin ako nagpupunta,
Kahit pa sinasabi nyang may iuutos sya o ipapagawa sakin.

Siguro ay mahigit limang tawag ang natanggap ko mula sakanya hinahayaan ko lang syang magsalita tapos ay pinapatay ko na,

Nagpunta ko ng CR para magbihis,
Papasok na kasi ko sa school.
Nakita ko ang malaking pasa sa braso ko at hita,
Haist .. Itatali ko sana ang buhok ko nang makitang may mga maliliit akong kiss mark sa leeg,
"Bwesit talaga nitong Nathaniel na to eh!"
Hindi ko na lang tinali ang buhok ko, at hinayaan itong nakalugay.

Tinignan ko ang imahe ko sa salamin,
Nang masiguradong okay na ang itchura ko ay lumabas na ako at nagpunta nang elevator.

Nag aabang ako ng jeep nang biglang huminto ang kotse ni Nathan sa harap ko,
Nakatingin ito saakin,
"Get in"
Saad nya

Nag roll eyes lang ako sakanya
"Get in mo mukha mo!"
Sabi nang isipan ko,

"TJ pumasok ka na, maawa ka naman sa katawan mo, pasa pasa ka na sa katigasan ng ulo mo"
Seryosong sabi nya

Napaisip ako,
Mukhang balak na naman akong kaladkadin nito papasok sa kotse nya,
Totoo naman yung sinasabi nya.
Bugbog pa katawan ko,
Kesa masaktan ulit sumakay na ko nang kusa sa kotse nya.

"Hwag ka na kayang pumasok, kitang kita yung mga pasa mo, para kang nabugbog"
Sabi nya

"Nabugbog naman talaga ko eh"
Sagot ko nang di sya tinitignan

"Hindi kita binugbog, hwag ka nang pumasok. Sa bahay ka na lang"

"Hindi pwede!.tsk!! Kung hindi mo ko ihahatid sa school, magjijeep na lang ako!"
Inis na sabi ko sakanya

"TJ ano kaya kung tanggalin kita sa trabaho, hindi ka marunong sumunod. Ilang beses rin kitang pinatawag kanina talagang hindi ka pumunta, ikaw ba ang Boss?"

"Go, tanggalin mo na"
Sagot ko

"Hahaha ang tapang mo ngayon ah"

Hindi na ako ulit nagsalita,
Nakatingin lang ako sa labas ng bintana.
Si Nathan naman ay habang nag dadrive may kausap na Clients sa cellphone
Naka wireless earphone naman sya eh,

Nakarating kami nang school na may kinakausap pa rin sya,
Expected kong ititigil nya ang kotse sa tapat ng gate pero pinasok nya ang kotse hanggang sa loob ng university,

Napatingin ako sakanya ng clueless,
Sakto pagtigil ng kotse ay pinatay na nya ang tawag sa cellphone,

"Lets go"
Sabi nito sakin,

"San mo balak pumunta?"
Mataray na tanong ko sakanya

"Sa dean's Office"
Kalmadong sagot nya sakin,

Dean's Office?. Oo nga pala Mommy nya yung dean nang school,
Baka na miss nya at bibisitahin nya mommy nya.

"Pasok na ko!"
Sabi ko, at iniwan sya sa loob ng kotse.

May ilang estudyante ang napatingin sakin nang makita akong bumaba sa isang magarang kotse,
Sanay na ko,  kaya hinayaan ko na lang.

***

Habang wala pa ang prof namin ay nagbabasa ako nang libro,
Palagi ko tong ginagawa kapag may free time ako.
Nag aadvance lesson ako,

Dumating ang prof namin kaya naman nagtanggal na ako ng earphone at nagsipag ayusan ng upo ang mga classmate ko,
Nag uumpisa pa lang ang klase namin nang dumating ang S.A (Student Assistant) ng Dean namin,

My Boss Is A JerkWhere stories live. Discover now