CHAPTER.50

294 7 0
                                        

Bumaba ako sa kotse,
At dahil nga sa may sugat ni TJ,
Hirap syang makakilos nang mabilis.
Lumapit ako sakanya pinagbuksan sya nang pinto at inalalayan sya.

Nakita kami nang hambog nyang kaibigan lumapit rin ito saamin
At biglang kinuha ang kamay ni TJ sakin.
Medyo nabangga pa nga nya ako.

"P-President okay ka lang?"
Sabi nito , tumango naman si TJ.
Nakita kong sinamaan ako nang tingin nang lalaki to.

Aba kala mo naman talaga kaya nya ko,
Gulpihin kita dyan makita mo hinahanap mo.

"President sorry ah, sinama pa kasi kita don yan tuloy nasugatan ka"
Sabi nung lalaki.

Ano daw tawag nya kay TJ?.
PRESIDENT??.
Ugok ba sya. Ako ang president ,
At yang tinatawag nyang president ay assistant ko lang.

"Okay lang, hindi naman na masakit"
Kumunot naman ang noo ko nang sabihin ni TJ na hindi naman daw masakit.
Talaga ba?. Kaya pala kanina gusto na nyang maiyak

"Hindi masakit ah , phs! Kaya pala"
Sabi ko
Sabay naman silang napatingin sakin

Kita ko ang inis sa mukha nang lalaki to
Na nakatingin nang masama saakin.

"Ano pa bang ginagawa mo dito?"
Tanong nito sakin.
Hahaha angas ah, makatanong kala mo pag aari nya tong school.

"Eh ano naman sayo?. Eskwelahan namin to, pupunta at aalis ako kung kailan ko gusto"
I smirk,

"Luke tama na yan, h-hinatid lang nya ako dito sa school"
Sabi ni TJ,

Napatingin na naman sakin yung Luke,
Ako yata ang type nito e,
Sakin tingin nang tingin.

"Correction sinabay lang kita dahil on the way yung school sa office"
Sabi ko

"A-ah o-oo , oo nga. S-sinabay nya lang ako"
Sabi ni TJ don sa Luke.

Bakas ang pagkadismaya nung Luke dahil sa sinabi ni TJ,
"Sige, salamat pare ha--"
Sabi nung Luke sakin.
"--pero ito na ang huling beses na hahatid mo sya--"
Hinawakan nya pa ako sa balikat.
"--next time susunduin ko na sya sa office nyo"
Tinapik tapik nya ang balikat ko

Susunduin nang ano ?.
Nang motorsiklo?.
Hahaha nagpapatawa ba to?.
Napaka sarkasto kasi nang pagkakasabi nya eh .
Tinanggal ko ang kamay nya sa balikat ko

"Gawin mo , hindi puro ka satsat"
Pagkasbi ko ay tinalikuran ko na sila at sumakay sa kotse.

Nakita ko pang inaalalayan nung Luke si TJ sa paglalakad bago ako tuluyang umalis.
Nagdrive ako pabalik sa office.
Ang dami kong bagay na dapat gawin .
Ang dami ko ring lugar na dapat puntahan pero hindi ko magawa ,
Bakit?.
Dahil hindi ako masyadong pamilyar sa mga lugar dito,
Siguro kailangan ko nang personal assistant,

Kinuha ko ang cellphone ko at dinail ang company phone ni Airish.

[Hello po sir?]

"Airish mag hanap ka nga nang pwede kong maging personal assistant , at the same time pwedeng magdrive"

[Urgent po Sir?]

"Yes"

[Okay po Sir. Copy]

Pagkatapos ay binaba ko na ang tawag,
Sana makahanap agad,
Haist traffic na naman,
Ano ba namang lugar to oh.


PRINCE LUKE pov

Umalis na ang mayabang na boss ni President,
Phs!!. Ang yabang yabang , kala mo kung sino eh.

"President anong address nang pinapasukan mo?. Para sunduin na lang kita don bukas"
Inalalayan ko syang maglakad papunta sa classroom nya.

"Luke , hindi na, baka dun naman kayo magkaalitan nang amo ko eh"
Sagot nya.

My Boss Is A JerkWhere stories live. Discover now