Gaya nang nakasanayan ko nagpalakad lakad ako sa university hanggang sa mag vacant na,
Asan na kaya yung Baby TJ ko .5 minutes nang vacant pero hindi pa rin bumababa si TJ,
Puntahan ko na kaya sa room nya.Paakyat na sana ako sa building nila nang makita ko itong pababa na,
Agad akong lumapit sakanya dahil kita kong hirap sya sa dami nang dala nya."Oh, bakit pumasok ka pa, hindi ka na lang natulog sa bahay nyo"
Bungad nya saakinPinagtitignanan na kami nang ibang tao, dati naiilang si TJ kapag tinitignan kami pero ngayon wala na rin syang pakialam, sanay na rin sya.
"Wala kang kasabay mag vacant kung hindi ako papasok"
Sabi ko habang naglalakad kami papuntang canteenOo kumakain na din kami sa Canteen kapag gusto namin,
Pero madalas sa bench pa rin kami kumakain."Kung sabagay ginagawa mo lang namang tambayan tong school, hindi ka naman pumapasok eh"
Sabi nya,
Naku po mukhang masesermunan na naman ako ah.Nakaupo na kami at kumakain nang sanwich nang maalala ko yung sinabi sakin ni Ayah.
"Hm, may tanong ako. Kung sasali ako nang club ngayon , sa anong club ba magandang sumali?"
Patay malisyang tanong koTanong ko ,
Habang kumakain,"Hmm, siguro bagay sayo yung theater and arts club, kasi matangkad ka , magiging leading man ka palagi"
Sabi nya at seryosong kumakain"Matangkad lang leading man na ?"
"Oh ano pa bang gusto mo?"
-TJ"Sabihin mo na kasi na gwapo ako kaya magiging leading man ako"
Pang aasar koSandali naman itong napatingin saakin,
"Oo na sige na"
Sagot naman nito"Siguro pwede rin ako sa modeling"
"Hmm, siguro. Pero tingin ko mag theater ka na lang, sobrang hirap kayang makapasok sa modeling Club"
"Pano mo nasabing mahirap?. Sumubok ka na ba?"
"Oo , nung tinanggal akong President nang Student Council required na akong sumali sa mga Club activities ng school, kaso dahil sa late comers ako puno na yung ibang club . Yung iba naman ayaw akong tanggapin, so bumagsak ako sa Modeling club. Pero hindi na ko umaasa don, ang tagal ko nang nagparegister pero wala pa ring call back, siguro hindi ako qualified, mahirap daw kasi makapasok don"
Paliwanag nyang parang nalulungkot"Kung hindi ka papasok sa Club activities anong mangyayare?"
Tanong ko"Edi bababa yung points sa skill and activity ko, pag nagkataon baka bumaba yung grades ko. Pero okay lang yon, babawe na lang ako sa ibang subject, kailangan kasi maintain yung average ko para sa scholarship"
So ganun pala?.
Importante rin pala yung club activities?.
Dati kasi sa school namin wala akong sinasalinan , actually wala akong sinasalihan at pinapasukang subject."Sumali ka sa modeling club?"
Ulit kong tanong"Oo, pero halos 1 month na hindi pa rin ako natatawagan, siguro hindi talaga ko pwede don. Haha hindi na rin ako aasa mag uumpisa na ang mga activities sa bawat club eh"
"Nawawalan ka agad nang pag asa eh, sigurado ako matatawagan ka dyan ikaw pa ?. Ang ganda ganda kaya nang Baby ko"
Biro kong sabi sakanya.Inirapan ako nito sabay inubos ang juice nya at tumayo na.
"Ewan ko sayo, dyan ka na nga. Mag aadvance study pa ko, para kahit hindi ako makapasok sa modeling club may mataas na grades akong makukuha"
Tapos nun ay tuluyan na syang lumabas nang Canteen.

YOU ARE READING
My Boss Is A Jerk
Romance"Yung best enemy mo naging Boss mo, what a Life diba, ang sarap mabuhay"?