CHAPTER 15

323 5 0
                                        

Pumunta ako sa tapat ng bahay nya.
Alam kong nakainom ako kaya naman inayos ko ang sarili ko para hindi naman masyadong nakakahiya.

Ang gulo sa lugar nila
Ang ingay . Maputik dahil may mga naglalaba sa maliit na iskinita kaya naman palaging basa yung sahig ng iskinita nila
Sa maliit na iskinitang to may mga nagtatakbohan pa.
Yung isang bata ay napakapit pa sa shirt ko
At nag marka ang dumi ng kamay nya sa puti kong t-shirt the fuck!

"Bwesit naman na lugar to oh!!" Bulong ko habang pinapagpagan yung dumi sa damit ko.

Kakatok na sana ko sa pintuan ni sungit nang magsalita yung isang ale na naglalaba mga ilang hakbang mula sa kinatatayuan ko.

"Ay sir walang tao dyan ngaun" ani nang ale
"Kakaalis lang" pahabol nya

I just nod and smile saka tumalikod para bumalik sa kotse ko.
Nag aksaya lang ako nang panahon sa mabahong lugar na to.

Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay nabubwesit ako ngaun .
Dahil ba to sa pagka irita ko sa lugar ng babaeng yon .
O sa batang kumapit sa dulo ng t-shirt ko kaya ang dumi ko na ngayon.
Dahil sa wala kong kasama mag bar ?
O dahil sa hindi ko naabutan si sungit .
Teka !! No . Its a big NO , hahaha
Eh ano naman sakin ngaun kung hindi ko sya nakita ngaun .
Hindi to dahil sakanya im sure with that.

Umuwi ako sa bahay
Saktong wala naman sila sa sala
Tahimik akong nagtungo sa kwarto ko nang makasalubong ko si Yaya.

"Sir dumating na pala kayo. Gusto nyo po bang ipaghain ko na kayo?" Tanong ni yaya sakin

"No yaya im full" sagot ko
Tumango lang si yaya akmang paalis na nang magsalita akong muli
"Ahm yaya kapag nagtanong sila kung dumating na ko just say no ok?"
Pagkasabi ko ay pumasok na ko sa loob ng kwarto.

Nahiga ako ng sandali at iniisip ang mga ginawa ko kanina kay sungit.

Nakita ko syang nagpunas ng luha.
Ok lang kaya sya ?
Sumobra na kaya yung trip ko ?
Asan kaya yon ?
Siguro nasa bar na naman ?

Ipinikit ko ang aking mga mata gusto kong magpahinga.
Pero sa bawat pag pikit ko malungkot na mukha ni sungit yung nakikita ko.
The fuck !! Nakakairita na
Tumayo ako at kinuha yung COKE sa drawer ko
( COKE yung tawag nya sa cocaine guys diba )

And yes !! Gumamit na naman ako ,
Ewan ko ba . Basta feeling ko malungkot ako o badtrip gusto ko gumagamit kung hindi coke , marijuana

Pagkatapos ko ay nahiga ako at eto feeling high na naman ,
Nakapikit ako at parang gagong ngingiti ngiti sa kawalan.
Hanggang sa hindi ko namalayang hinila na pala ako ng antok ng ganito kaaga.

TJ's POV

Andito ako ngaun sa bar kung saan ako naiassign,
Oo may raket ako ngaun .
Free taste ulit.
Maaga pa pero naka isang trey na ko.
Nabigyan kasi ako ng tip ng kasamahan ko para makadami.
Kailangan ko kasi rumaket nang rumaket baka sugurin na naman ako ng kahera ko
Nakabayad lang kasi ako sa tubig at kuryente pero hindi pa sa upa ng bahay
Kaya pinagtataguan ko pa rin sya.

May mga activity na rin ako sa school na hindi na papasukan dahil sa bayaran ko .
Kailangan kasi ng mga pang materials eh walang wala ako kaya hindi ko na lang pinasukan.

Sobrang sama nga ng loob ko kanina dahil ilang activity sa school ang hindi ko napasukan dahil wala akong kapera pera.

Tapos pagdating sa labas ng school ay gagawa ng eksena ang unggoy na yon.
Sabihin ba naman nya na buntis ako.
Sa harap pa talaga ng mga schoolmate ko.
Ano na lang ang sasabihin nila sakin
Isa pa naman akong student council sa school.

Dumagdag pa sa sama ng loob ko yung mga bulong bulungan sakin ng mga kaschoolmate ko ,
Yung mga babaeng yon kasi yung mga wala talagang kabilib bilib sakin
At sinasabing hindi ako karapat dapat sa scholarship ko.

Sa sobrang sama ng loob ko hanggang ngaun ay hindi mawala sa isip ko ang mga pangyayare.
Pasimple ko nang iniinom ang mga alak na pinapa free taste ko.
Sympre para din makadami ako ng trey

Madami ang tao dito sa na pwestuhan kong bar kaya naman ang dami kong napaubos.
Mabilis na lumipas ang oras at sumapit na ang alas dos
Oras na para umuwe.
Nag asikaso ako para makauwe na.

Nakauwe ako nang bahay nang mag aalas tres na,
Nagmamadali akong pumasok para makapag pahinga pa dahil may pasok pa ko sa school mamaya.

FAST FORWARD
Sa school

Naglalakad ako sa hallway.
Na pinagtitignanan at pinag bubulungan ng mga kapwa ko stuyadte.
Hindi ko na lang sila pinansin pa dahil alam ko naman na tungkol lang ito sa eksena kahapon sa labas ng school.

"Grabe noh?.hindi nya lahat deserve to, ang scholarship at pagiging president ng student council, hindi sya magandang modelo" ani ng isa kong schoolmate

Kunot noo ko syang nilingon dahil alam kong ako talaga yung tinutukoy nya.
Lumapit ako sakanya para ikompronta ang sinabi nya.

"Anong sabi mo?" Mahinahon ang pagkakasabi ko.

Tumaas ang kilay nya at nag cross arm at tinignan ako mula ulo hanggang paa
"Ang sabi ko hindi ka magandang modelo para samin, dapat alisin sayo yung pagiging pres. Ng student council" pagtataray nya sakin

Sumakit ang ulo ko sa mga pinag sasasabi nya. Napahawak ako sa sintido ko
Tinignan ko lang sya at hindi sumagot

"Siguro matagal mo nang tinatago yung pagtatrabaho sa club! Dont try to deny it kitang kita ka namin kagabi ng mga friends ko!" Sinasadya nyang ilakas ang boses nya upang makakuha pa ng atensyon ng iba

"M-mali ang iniisip mo" malumanay ang sagot ko sakanya

"Anong mali. Kitang kita ka namin. Siguro yung lalaking nakabuntis sayo napikot mo lang don sa club na pinapasukan mo!!" Muling sigaw nya.

Mas lalo pang sumakit ang ulo ko.
Masakit ang ulo ko dahil sa hang over dulot ng pag inom inom ko kagabi para makadami ako ng trey na mapaubos.

Tumingin ako sa paligid ko.
Nakita kong pinapalibutan na kami ng iba pang mga studyante.
Lahat sila ay tinitignan ako ng masama na para bang inuusig na nila ko.

Napatingin ako sa babaeng gumagawa ng eksena dito ,
Naka smirk sya sakin na para bang nang iinis pa.

"Aminin mo na lang kasi.hwag ka nang pakitang tao pa, diba kaya ayaw mong mag join sa mga school activities dahil buntis ka?. Bawal sayo ang mapagod yan ang sabi ng lalaking mayamang napikot mo, your a kinda gold digger na nagtatrabaho sa club"
Muling sabi na naman nya na halos mapatid na ang litid nya sa leeg para maisigaw g malakas.

Ang mga sinasabi nya ay puro kasinungalingan !!
Lahat ng yon ay hindi totoo !!
Lahat ay gawa gawa lamang !
Yan ang gusto kong isigaw pero walang kahit na anong tinig ang lumalabas sa bibig ko ,
Wala akong ibang nagawa kundi manahimik at yumuko sa kabila ng malalakas na bulungan sa paligid ko .

Napayukop ko na lang ang palad ko at pilit na pinipigilan ang luhang kanina pa gustong bumagsak.
Kung ano anong mga salita ang binibitawan nila para saakin

Sa kalagitnaan ng ingay ay bigla na lamang silang natahimik.
Naitaas ko ang ulo ko mula sa pagkakayuko at nakita ang
Dean na nakatayo sa di kalayuan.

"To my office now ms.cruz" may awtoridad ang tono ng dean sa pagkakasabi nya noon saakin.

---
Achuuuuu !! Ayan na nga ang mga bida bida nating mga kaschoolmate ,
Aminin nyo . May mga ganyan tayong katrabaho o schoolmate ,
Yung masaya sila kasi bida bida sila .
Na dinaig pa si jollibee sa pagka diba ang saya 😆💪
Charoooooowts lang mga Be 😊
Tara na po sa next chapter ,
Pa vote naman po 😘
#CAYELoves💚💜
-----

My Boss Is A JerkWhere stories live. Discover now