---
Love and romance ang tema ng story.
Wala nang edit edit to kaya sorry sa mga typo's ko.
---"Sorry miss cruz. Pero kailangan talaga ng company magbawas ng empleyado, and since kayo lang ni aiko yung part timer namin dito naisip ni boss na isama kayo sa matatanggal" ani ng HR sa company nila.
Wala na akong iba pang nagawa kundi magligpit ng gamit ko at lisanin ang pinagtatrabahuhan ko.
Ako nga pala si Teresita Joy Cruz, alam kong ang panget ng pangalan ko kaya naman itinatago tago ko ito ewan ko ba naman sa mother earth ko bakit ayan yung naisip na ipangalan sakin.
TJ ang tawag sakin ng nagkakarami.isa akong call center pero dahil nag aaral pa ako at part timer lang ako don ay tinanggal na nila ako.
Bakit naman ngayon pa.kung kailan kailangan na kailangan ko ng pera wala sa sarili akong umuwi sa bahay nang marinig ko sa bandang likod ko ang boses ng kahera ng bahay na inuupahan ko.binilisan ko ang lakad upang hindi nya ako mapansin.papasok na sana ako ng bahay ng bigla nya akong tawagin.
"TJ!!" sigaw nito.
"Naku kung mamalasin ka nga naman" bulong ko at tumigil sa paglakad
"TJ sandali" muling sabi nya.humarap ako at binigyan sya ng isang ubod nang tamis na ngiti.
"Aling minda, kayo po pala. Kamusta naman po kayo?" Sabi ko sakanya
"Ito nakailang pabalik balik na dito kakahintay sayo.malapit ko na ngang isipin na tinataguan mo ako Tj" ani nito with matching paypay paypay pa ng dala nitong pamaypay.
"Naku aling minda, bakit ko naman po gagawin yon sainyo" nakangiting sabi ko.
"Sympre dahil dalawang bwan ka nang hindi nakakabayad ng upa mo dito sa bahay yung bill ng meralco at tubig rin hindi mo kinukuha don sa bahay.kaya sinadya kita dito baka maputulan pa tong paupahan ko problema pa yan" -aling minda.
"Kukunin ko naman talaga yan aling minda, busy lang po talaga ako ngayon" pagsisinungaling ko.kasi ang totoo short talaga ko ngayon.
"Talaga lang ha.o baka naman wala ka nang maibayad.baka balak mo pa akong takbuhan sa mga bayarin mo dito" prangkang sabi nito sakin.
"Naku kayo naman po aling minda, grabe naman kayo sakin.hindi ko po kayo tatakbuhan.magbabayad ako ng upa busy po kasi ako sa school eh at sa trabaho na rin"
"Osya basta ito yung mga bill.bayaran mo na yan at baka maputol pa yan.at hwag na hwag mong kakalimutan na bayaran ako" sabi nito at tuluyan ng umalis.
"Haist!!. Ano ba naman yan, anong gagawin ko nito" pabagsak kong higa sa kama.Two years na lang graduate na ko bilang isang secondary education teacher. Ako ay isang scholar sa university na pinapasukan ko wala akong binabayaran na kahit na ano tanging ang mga libro at mga pang activities na ginagamit sa school ang pinagkakagastusan ko pati na rin pala ang uniform at P.E uniform ko.maliban don ay wala na
Sa dami ng aking iniisip ay hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.Bigla akong napabalikwas ng tumunog ang aking cellphone.nag alarm na pala.bat ganon parang di ko feel na nakatulog ako.
Mabilis akong nag asikaso ng aking sarili.naligo nagbilis kumain at nang ok na lahat ay umalis na ako papasok ako ngayon.Sa school.
Buong araw ko nag aral.
Pauwe na ako nang makita ko ang kaibigan kong si anne.
"Anne!" Tawag ko sakanya.
"Bakit?" Maang tanong nito.
"San punta mo? May raket ka?" Tanong ko at sinabayan sya sa paglakad.
"Oo e, meron sa tanduay ice, pa free taste bakit?" Sabi ni anne.
"Sama mo naman ako?"
"Sure ka?" Pagsisigurado nito.
"Oo. Kailangan na kailangan lang" pagmamakaawa ko kay anne.
"Sige. Sama ka sakin ngaun sa agency. Pero raket lang to ah"
" oo sige, kailangan ko ng pambayad sa tubig at ilaw e" sabe ko.
"Diba may work ka?" Sabe nya.
"Wala e . Natanggal ako"
"Ah ganun ba?.sige tara na, pra di tayo ma traffic" hila sakin nitoFast forward
----
Ito po yung first chapter ko :(
Sorry kung maiksi. Ewan ko ba, nawala kasi yung una kong ginawa may scene pa sana to sa school pero nawala na.
Hindi ko siguro na update.
Sorry po guys . Bawe next time
Muuah mua
#CayeLoves❤
--
▶▶ 2017 ⏬
YOU ARE READING
My Boss Is A Jerk
Любовные романы"Yung best enemy mo naging Boss mo, what a Life diba, ang sarap mabuhay"?